my Princess

25 1 0
                                    

Habang nasa hapang kainan kami, syempre,hinintay na naming dumating muna si Anderson.. tamang-tama nga yung dating niya eh.

"Napansin ko lang, parang mas lalong gumaganda si Star ngayon ah.. dalaga kana talaga,prinsesa.."—nakangiting sabi ni Andersom, habang kumakain.

"Hmmmm.. wala namang nagbago , all black parin, walang ka color-color"—walang ganang sabi ni Rocky na di naman ako tinitingnan.

"Noon pa naman maganda si Star ah?.. yun nga lang, parang di babae  I mean, babae naman siya, kaya lang.. eh.. di tulad nang ibang chick na nakakasalamuha natin sa mga concert"—paliwanag ni Hero.

Hindi naman ako Chicken eh. Ang chicken, ito oh. Nasa plato ko, itong kinakain ko.

Peru katulad nang chicken, Yummy parin naman ako eh.

Hehehe. Dijwk!

"Well, she have her own style of beauty ,original, she's unique.."—sabi naman ni Anderson..

"Shes still beautiful"—nakangiting dagdag ni Anderson.

"Tumahimik nga kayo, pinaglololoko niyo ko eh.. baka may kailangan kayu dyan, wala akong maibibigay"—nakakunot-noo kong sabi.

"Im not kidding,star"—sabay hawak ni Anderson sa kamay ko.

"Ah, kayo nang magligpit nang pinagkainan, mauna na akong matulog"—tumayu na si Rocky.. at umakyat sa taas.

"Aheem!"—pag aghan naman ni Shawn.

Binawi ko na ang kamay ko sa pagkakahawak ni Anderson.

"Tumigil ka nga dyan, anderson.. nakakainis ka naman"—saka ko pinagpatuloy ang pagkain ko.

Pagkatapos namin kumain,liligpitin ko na sana ang pinagkainan namin nang,

"Ako na star.. hindi ka maid dito"—sabi ni Erick..

"Di ka rin nan, maid dito eh"—sagot ko.

"Kahit na, puro kami lalaking kasama mo, tapos baka isipin mong ginagawa ka naming maid? Nakuuu, ikaw yung prinsesa namin. Kaya relax kalang dyan.."—sabi niya..

"Ayos lang to, saka, ito na nga lang gagawin ko eh"—pag agaw ko naman nang plato.

"Tutulungan na kita, saka si Anderson na daw maghuhugas nang pinggan.."—tapos tiningnan si Anderson.."diba Ande?"

Tumango naman si Anderson saka ngumiti..

Ang bait yata nila ngayon??

(ROCKY's POV)

"HINDI  bat malapit kayu ni Star,pare?"—si Kelvin yun.

Nasa loob kasi kami nang record room, at hinihintay ang mabagal na si Star. tsssss..

"She's my bestfriend since young"—sagot ko.

"ow? Can I court her? I mean... would you tell some things about her?"—sabi niya.

"Dont ask me, ask her later.."—pagsusungit ko.

"Ow? I see. Ill ask her later nalang"—nakangiting sabi niya.

Parang bakla kung mag english tong melo-boy nato. Conyo.

Edi go! Wala akong paki! Noon paman, alam ko na na gusto siya ni Star,kaya di na ako magtataka kung magiging sila.

At isa pa tong si Anderson..
Parang nagpaparamdam na din, nasa hagdan na ako..

nang makauwi na kami dito sa bahay (namin) tinatamad kaming umuwi sa mga kanya-kayang bahay namin eh.

Kaya matapos nang recording nagluto ako dito sa bahay namin.
At nang dumating na si Anderson, kumain na kaming sabay.

Kaya lang, na badtrip ako at heto ako ngayon sa hagdan,
Nang narinig ko sa living room si Erick at Anderson.

"I'm going to court,Star  tulungan mo naman ako oh,Erick"—pagmamakaawa ni Anderson kay Erick.

"Okiey, in one condition"—sabay taas niya nang hintuturo niya.

"Ano yun?"—excited niya namang tanong.

"Ikaw na ang maghuhugas nang pinggan for breakfast,lunch,merienda,at Dinner na nandito tayu kakain, ano? Call?"—sabi ni Erick

"Yun lang pala eh, basta ba tulungan mo ako"—paninigurado niya.

"oo tutupad ako sa usapan, ano? Call na ba?"—tanong ni Erick uli.

"Sige call"—at nag fistbomb sila.

Magaling.. nice.. good deal.. huh?!
Gusto nga niya si Star..

Di naman yan naghuhugas nang pinggan,ayaw na ayaw niyang gawain yon.

Ang galing niya din namang pumili nang paghihingan nang tulong.
Si Erick talaga.
Hmmm.. kababata naman kasi namin ni Star si Erick eh, matagal niya nang kilala si Star.
Peru di siya ganon ka caring at kadikit kay Star.
Tinakot ko eh.. Haha!

Dalawa na yata karibal ko sa Prinsesa ko ah? Tingnan natin kung sinong sasagutin sa kanila.

Si Kelvin? The-Melo-Prince? O si Anderson.
The Lead Guitarist.

si Kelvin? Opposite sila ni Star. Mula musika  paborito lalo na sa hilig noh.
Si Anderson? Pareho silang Rakista, parehong mahilig mag gitara. Parehong pagkain ang hilig,Japanese foods. Parehong tinakwil nang magulang dahil sa pagsunod nang gusto.
Mas may pag-asa si Anderson sa pagkakapareho nila.

Pero nadali naman sa Si Star may Gusto na noon pa kay Kelvin.

Kay wala parin si Anderson.

Talo parin siya..

Peru tingnan natin  baka naman manalo ang charm ni Anderson. Matinik din kaya to sa babae. Artista eh.

Well, di pa yan Artista noon, talagang noon pa,banda lang talaga yung inatupag namin, wala pang extra.. well.. noon yun..

Ginawa namin ang banda, I mean.. naboo ang banda namin 10years ago.

At dahil kami ni Star ang nakaisip at pang-awardwinning ang names namin, at dahil kami ang vocalist .

ROCKYSTAR ang ginawa naming name nang band namin.
Sumang-ayon naman sila,kaya hayun! Yun na ang simula.

Unang taon, nahirapan pa kami, andaming kasabay naming banda.
Wala paring napasukang recording studio, puro extra gig lang dinadaluhan namin.
Nang sumunod na tatlong taon, ininvite kami sa UNIMUS recording nang studio, at don na nagsimulang sumikat ang banda namin.

10years na at may mga cover albums na kami.

Ayus nga eh! May mga original din naman kami.

sumikat dun naman  kaso mas gusto naming gawing rock yung mga melo-songs. Yung version namin, parepareho kasi kaming na Bobored sa melo ehh. Ginagawa namin Rock-song para pag pinakinggan na namin yung kanta. Gaganahan na kami.

well, too much for that,

Andito na ako sa kwarto ko ngayon, nang may kumatok..

"Sino yan?"—inis kong pasigaw na tanong.

"Bess"—ah. Si Star.

Tumayu ako at pagbubuksan kona sana nang.

"Wag na.. mag gogoodnight lang ako..alam ko namang badmood ka sakin eh"—sabi niya mula sa likod nang pinto.

nang nag simula na siyang humakbang, I heard her sob.

Kaya binuksan ko ang pinto at..

"Star."—hindi siya lumingon..

"Are you crying?"—paninigurado ko.

"Sabi ko naman sayu, wag mo na akong pagbuksan. Goodnight"—at naglakad siya.

Hindi ko na siya sinundan..

Sa halip,pumasok na uli ako sa kwarto ko uli..

Kilala ko siya..

Pagsinabi niya,yun na yun. Kahit na labag naman sa kalooban niya.

*sign*

Star.. bat kaba ganyan??

Rockystar (ang Rakista kong Prinsesa)Where stories live. Discover now