>RUTHLESS: TWO<

18.8K 631 56
                                    


Dedicated to: xiuminseokgirl
•••

GrimStone Pack...

Naalimpungatan ako sa marahang pagdampi nang kung anong malamig na bagay sa aking pisngi. Napangiwi ako dahil sa hapding dulot niyon.

"Shh. Lilinisin ko lang ang sugat mo, Christine," narinig kong anas ng malamyos na boses.

Pilit kong iminulat ang aking mga mata at nasilayan ang nag-aalalang anyo ni Lilac, isa sa mga kapwa ko Omega. Isang bimpo ang hawak nito habang nililinis niyon ang aking mukha.

"Anong nangyari?" malat ang boses na tanong ko.

Nasa loob kami ng aking silid at nasa tabi ko ito, sa ibabaw ng aking lumang higaan.

"Pinagtulungan ka na naman ng impaktang magkapatid na iyon. Nalimutan mo ba?" Napa-iling si Lilac. "Sabagay, ako man ang paluin ng kawali sa ulo, baka magka-amnesia din ako."

Napakunot-noo ako. "K-kawali?"

Bumuntong hininga ito. "Haist, kung bakit kasi pumapayag ka na gawin nila sa iyo ang mga ito. Masokista ka ba o talagang may death wish lang?"

Hindi ko na nagawang tumugon pa dahil isa-isang bumalik sa aking isip ang mga nangyari nang umagang iyon.

Flashback...

Matapos ang pananakit sa akin ni Jillian ay nagdesisyon na akong kumilos.

Fifteen minutes lang ang ibinigay nitong oras para makapag-prepara ako ng agahan ng mga packmembers.

Kahit namimilay ay may pag-mamadaling bumaba ako sa unang palapag ng packhouse dahil tiyak na makakatikim na naman ang kawawa kong katawan ng suntok mula sa future Alpha ng GrimStone kapag di ko nagawa ang ipinag-uutos nito.

Ngunit hindi ko inaasahan na may isa pang di kanais-nais na pangyayari ang naghihintay sa akin pagpasok ko sa kusina.

Dahil pagtapak ko pa lang doon
ay sabunot at sampal agad ang ibinati sa akin ng nagpupuyos sa galit na mga babae ni Alpha Sigma.

Nahintakutang mabilis ba nagsilabas ang mga kapwa ko Omega at iniwan ako sa kamay ng mga ito.

"Ang tamad mo talagang malandi ka. Siguro magdamag ka na namang nasa labas at nakipag-harutan sa mga bantay kaya tinanghali ka na naman ng gising ano?!" bulyaw sa akin ni Kelby; Alpha Sigma's woman number one.

Halos magkasing edad lang kami ngunit dahil sa makapal na make up na nakapulapol sa mukha ay nagmimistula itong mas matanda kesa tunay nitong edad.

Marahas na kinaladkad ako ni Kelby sa braso sabay saklit sa likod ng aking leeg at ngudngod sa akin sa ibabaw ng counter.

"Umamin ka!" She scorned.

But I just bit my lips and kept my mouth shut. Telling them the truth would only make them more angrier and pissed.

Agad na umeksena si Dilly; the Alpha's woman number two and Kelby's elder sister.

RUTHLESS  √Where stories live. Discover now