DANIEL’S POV
After I left the room, sumunod si Sheen. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad and he ran towards me. He tapped my back. I stopped walking. He said...
“Dude. Iiwan mo na lang ba siyang ganon? Umiiyak siya ngayon.”
“Hindi niyo ako maiintindihan.”
“Kung ganon, ipaintindi mo sa’kin. SA AMIN.”
“Hindi ‘yon ganon kadali.”
Inalis ko ‘yung kamay niya sa balikat ko and started walking away. Kahit kailan hindi nila ako maiintindihan kung gaano kahirap pumili kila Sunny at Emerald. Ayokong may masaktan sa kanilang dalawa. Ang ikinahirap na nito sa’kin, kung kailan napili ko na si Sunny, saka naman niya ‘to sinabi sa’kin. Sigurp nga kasalanan ko rin. Naging manhid ako sa nararamdaman niya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tutuloy pa ba ako sa pagsundo kay Sunny? Haay. Hindi ko na alam.
EMERALD’S POV
Hinabol ni Sheen si Daniel. Si Alessi naman naiwan sa kwarto habang pinapatahan ako. Hindi ko na napigilan ‘yung sarili ko na ilabas lahat ng nararamdaman ko. Wala naman talaga akong planong sabihin sa kanya ‘yun eh. Pero feeling ko ‘yun na ‘yung perfect timing para sabihin ko. Wala nang ibang magsasabi, wala nang ibang oras, kung hindi ako, at ngayon. Tama na rin siguro ‘to para alam niya ‘yung nararamdaman ko. Hindi naman ako galit eh. Hindi ko rin siya sinisisi. Wala siyang kasalanan.
Bumalik na si Sheen sa kwarto.
“Dude, anong sabi ni Daniel?”
“Hindi daw natin siya naiintindihan.”
“’Yun lang?!”
“Oo eh. Mukhang ayaw niyang pag-usapan.”
“ANG KAPAL PALA NG MUKHA NIYA EH! Porke ba anak siya ni Mr. Soon kaya niya nang manakit ng babae?!”
“Hindi ko alam pero parang may tinatago siya sa’tin.”
“KUNG ANO MAN ‘YON, BAKIT HINDI NIYASABIHIN PARA MAINTINDIHAN NATIN?! Hindi ‘yang nananahimik siya. Hindi niya alam na sa pananahimik niya, may nasasaktan siya!”
Hindi ko na gusto ‘yung mga naririnig ko kaya...
“TAMA NA! PLEASE? Pwede ba bumalik na lang kayo sa kwarto niyo?”
“Hahayaan mo na lang si Daniel na saktan ka?!”
“Alessi, kasalanan ko na lahat ng nangyari. Hinayaan ko siyang masaktan bago ko sabihin sa kanya. AND PLEASE. PLEASE LANG. Tigilan niyo na ‘yung pagsasabi na malakas lagi ang loob niya kasi anak siya ng isang makapangyarihan. KAYA NAGKAKAGANYAN ‘YUNG TAO EH! Lagi na lang pinepressure ng mga taong hindi man lang iniisip kung ano ‘yung pinagdadaanan niya!”
I saw their puzzled face. Alam ko I shocked them with my words. Pero hindi ba totoo naman? Bakit hindi nila itry na sila ‘yung nasa kalagayan ni Daniel? Matutuwa kaya sila? Kakayanin kaya nila? Bilib na nga ako kay Daniel eh. Siguro talagang may mali kami parehas. Kaya parehas kaming nasasaktan.
It took me a moment to cool down.
“Umalis na kayo. Please?”
They left the room without saying anything. Feeling ko napagod ako. I sat in the bed and pondered upon what the hell happened. Naisip ko si Daniel. Nasaan kaya siya? Uuwi kaya siya dito ngayon? Hahanapin siya ni Head master.
Bago pa mangyari ‘yon, hahanapin ko na siya.
I went everywhere kung saan pwede siyang pumunta. Pero hindi ko siya nakita.
August 11, 4:00AM
DANIEL’S POV
Hindi ako umuwi sa dorm ng Saturday and Sunday. Nandito ako sa bahay ko sa village. Feeling ko hindi ko pa siya kayang makita. EWAN KO BA. Hindi ba dapat masaya ako kasi gusto niya rin ako? Pero bakit ganon. May pumipigil sa’kin. Si Sunny kaya? O si Daryll?
Gumising na ‘ko ng maaga para kuhain ‘yung susuotin kong uniform sa school. Pagdating ko sa dorm, tulog pa si Emerald.
Naligo ako, nagbihis at umalis. Maaga pa kaya nagpunta muna ako sa kinainan naming burger shop ni Emerald dati.
At 5:45, pumasok na ako. Habang naglalakad ako mula sa burger shop papuntang school, nakasalubong ko si Zeke.
“Buddy!”
“Oh. Ngayon ka na lang nagparamdam ulit ah. Wala ka na bang mahanap na babae sa school?”
“Buddy naman eh. Good boy na ako! Saka, buti pala nakita na kita. Matagal na din kitang hinahanap eh. May sasabihin sana ako sa’yo.”
“Ano ‘yon?”
“HAAY! Paano ko ba ‘to sisimulan?! Basta ‘wag kang iiyak ha! Medyo emotional ‘to eh! Alam ko naman kasi na ako lang ang bestfriend mo dito sa SBA. Pero sa tingin ko, hindi ako naging mabuting bestfriend sa’yo eh. Lagi akong wala. Lalo na nung mga kailangan mo ako. Nito ko nga lang nalaman na nagkaroon pala kayo ng commotion ni Brent eh. Sorry talaga buddy.”
“Ano naman nagparealize sa’yo niyan? Okay lang naman ako. Saka, alam ko namang priority mo ang girls.”
“SPEAKING OF GIRLS! One month na akong walang girlfriend ok? Narealize ko lang na ang pangit pala sa image na playboy ka dahil gwapo ka. SAKA, mas maganda pala sa image ‘yung loyal ka sa isa lang.”
Loyal sa isa lang? Kanino nga ba? Kay Sunny? O kay Emerald? HAAY ZEKE. You got me thinking again.
“Eh anong plano mo ngayon?”
“Edi siyempre balik tayo sa dati! Magkasama tuwing recess at lunch! Kaaway ko kung sinong kaaway mo! Bestfriends!”
“Wow. Ikaw ba ‘yan Ezekiel? HAHAHA”
“Zeke na lang pwede? HAHAHAHA”
Pumasok kami ng school na magkasabay. Masaya ako na bumalik na ‘yung dati kong bestfriend. Ngayon ko siya kailangan.
Para makapunta sa hagdan paakyat sa may room namin, kailangan namin dumaan sa canteen. Since wala pang recess at lunch, sobrang konti lang ng mga taong nandun. ‘Yung mga students lang talaga na kailangang dumaan sa hagdan na ‘yon.
May nakita kaming babae ni Zeke. Nakaupo na mag-isa at umiiyak.
“Daniel”
“Hm?”
“Lapitan natin? Hindi naman pwedeng hayaan lang natin siya diyan ‘diba? Dadaanan lang natin?”
“Sige. PERO. Babae ‘yan Zeke ha. Alam kong iniisip mo.”
“Good boy na nga po ako master!”
“Okay. Sabi mo eh.”
Naglakad kami papunta doon sa babae. Zeke was the first one to approach.
“Miss, okay ka lang ba? Anong nangyari sa’yo?”
We didn’t get any reply. Hindi pa rin siya humaharap.
“Miss?”
“Iwan niyo na lang ako, please?”
Wait. I know that voice.
“Hindi naman kami ganun kasama para iwan ka lang ng mag-isa dito, miss.”
Sinenyasan ako ni Zeke na kausapin ko raw siya. At first ayoko pero wala na akong nagawa. Naawa na rin ako sa kanya.
I sat on the chair beside her. I tapped her shoulder and looked into her face. Hinawi ko ‘yung buhok niya para makita ko kung sino siya. I did. Only to find out that IT WAS HER.
KAMU SEDANG MEMBACA
The Bullet
Fiksi RemajaPaano kung once in your life you meet someone na magpapabago ng ikot ng mundo mo? Will you resist? Or will you go with the flow? Remember that love is a bullet. Mabilis. Hindi mo mapipigilan. At kapag tinamaan ka na, nasa iyo na ang desisyon para sa...
