August 8, 5:30PM
Emerald’s POV
Isang buong linggo na siyang ganyan. Pagkauwi, kahit hindi pa siya kumakain, nag-aaral siya agad. Recess naman at lunch, nasa library lang siya lagi. Pero iba ngayong araw na ‘to. Pag-uwing pag-uwi niya, nag-online siya agad.
DANIEL’S POV
Siguro naman pwede akong magbreak once in a while? Saka, Friday naman ngayon eh. Wala akong kailangang paghandaan. Nagtumblr na lang ako. Sabi ko pa naman daily na ‘ko magpopost tapos ganito.
Maya maya, I opened Facebook. 1 friend request. 1 message.
I opened the friend request. IT WAS SUNNY. Yes, it was a bit odd and I was shocked. NAAALALA PA NIYA AKO? Hindi ko akalain na matatandaan pa niya ako. I accepted the message and it’s still Sunny.
“Annyeong oppa! Remember me? Nandito pa rin ako sa Korea. AND GUESS WHAT! Pinayagan na ako ni papa na umuwi diyan! Itatanong ko sana sa’yo kung pwede mo akong sunduin? Sa 14 na kasi ‘yung flight ko. :)”
I don’t know what to reply. I suddenly got confused about my feelings. Sunny? Emerald? ARGH. I better stick with Sunny. Siya din naman kasi ‘yung first love ko eh. Saka, kung pipiliin ko si Emerald, hindi rin siya sasaya.
“Annyeong unnie! Gwaehnchanaeyo? Sabihin mo lang kung anong oras and I’ll be there. ^____^ Bogoshippo!”
I felt really weird replying that way na parang wala lang nangyari. Pero actually, excited na talaga akong makita siya. ‘YUNG FIRST LOVE KO.
EMERALD’S POV
Hindi niya na ‘ko pinapansin. Para na lang akong hangin sa kanya. Dinadaan-daanan. Parang hindi nakikita. Ewan ko ba. Para kaming aso’t pusa. Araw araw away – bati. Nakakapagod na!
Nitong nag-online siya, tinitignan ko siya, parang hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya. Ano kayang nangyari? Hindi ko na lang tinanong kasi alam ko naman na hindi niya rin ako sasagutin.
Nagtext sa’kin si Daryll.
“Labas tayo?”
Actually simula nung lumabas ako na kasama ko siya at idinahilan kong sila Sheen ang kasama ko eh ayoko na ulit lumabas kasama siya.
“Sorry. Can’t. Mag-aaral ako eh.”
“Okay. Sayang, may ibibigay pa naman sana ako sayo.”
I know he’s trying to convince me. Pero hindi niya ako makukuha sa ganun lang ano.
“Ano ba ‘yon? Sa Academy mo na lang ibigay. Saka, nagkita naman tayo kanina ah? Bakit ‘di mo pa binigay?”
“Nahiya kasi ako eh. Sige na labas tayo. Dinner lang. Friday naman eh?”
“Sorry talaga. Next time na lang.”
I felt bad rejecting him. I always do pagdating kay Daryll. Hindi naman siya special para sa’kin pero bakit ganon? He’s just a friend like Alessi and Sheen. WAIT. Alessi and Sheen? OO NGA NO. Bakit kaya hindi ko sila papuntahin dito para maging okay kami ni Daniel?
I texted Alessi.
“Alessi, pwede punta kayo ni Sheen dito? Laro ulit tayo!”
“Okay! Sabi mo eh! By 7:30 nandyan na kami. Dinner lang kami ni Sheen”
“Salamat!”
After a few moments, I started talking to Daniel.
“Daniel”
“Oh?!”
“Pupunta daw sila Alessi para maglaro! Sali ka ha!”
“Depende”
“Depende kung ano?”
“Kung magugustuhan ko ‘yung laro niyo.”
“Ganun pa rin naman eh. Truth or Consequence. SAKA WALA KA NAMANG GINAGAWA EH! Sige na pleeeaassseee.”
“Ok.”
“Sasali ka na?”
“Pag iisipan ko.”
I pouted. NAKAKAINIS! Sana sinabi niya na lang kung oo o hindi. UMAASA TULOY AKO.
DANIEL’S POV
Parang nalungkot siya noong sinabi kong pag-iisipan ko pa. Ayoko na kasing maglaro noon at baka kung ano lang masabi o magawa ko.
Maya maya lang, dumating na sila Sheen at Alessi sa kwarto namin. Nag-umpisa na silang maglaro. AY MALI PALA. Nag-umpisa na silang MAG-INGAY. Kahit nag-iinternet lang ako naddistract ako eh.
Hindi nila napansin ang oras. 9:30PM na. 10PM nag-iinspect ang head master kungnasa rooms na lahat ng students. IN SHORT. Last spin na nila. I sensed that the bottle stopped in Emerald’s favor.
“Truth or dare?”
“TRUTH NA NGA LANG! Baka kung ano na naman ipagawa niyo sa’kin eh!”
“Ang hirap naman kasi mag-isip ng tanong eh! Sige na nga! Ganito na lang. Sa loob ng kwartong ‘to, sino ‘yung taong may gusto kang sabihin at ano ‘yun?”
It took her a moment to answer. After a few second, she finally blurted out...
“Daniel, sorry. Alam ko hindi ko ‘to sinasabi sa’yo noon, pero sorry. Sorry na nasasaktan kita. Sorry kung nagpapaka-insenstitive ako sa lahat ng nararamdaman mo. Pero gusto kong malaman mo, pag magkasama kaming dalawa, WALA LANG ‘YON SA’KIN. Mas gusto ko pa ngang kasama ka kaysa sa kanya eh. Ayoko lang na masira ko ‘yung moment na gusto mong mapag-isa. Ikaw ‘yung unang una kong nameet dito sa St. Blase ‘diba. Kaya gusto ko ikaw ‘yung lagi kong kasama. Yung incident sa bookstore, yung kay Brent, yung unang truth or dare natin... LAHAT ‘YON MAY MEANING SA’KIN. Kung mapapalita ko lang lahat ng araw na kasama ko si Daryll sa mga araw na kasama kita, gagawin ko. Daniel, kuung nagseselos ka, nagseselos din ako! ‘Yung sa canteen, ‘yung kayo ni Yuri. Hindi mo lam kung gaano ko hiniling na ako na lang ‘yung tumulong sa’yo. Sana pala noon pa lang naging expressive na ako sa’yo tungkol dito. OO. NAGSESELOS AKO. Sorry. Kung sinabi ko ‘to sa’yo noon pa lang sana hindi ka na nasasaktan kasi alam mong parehas lang tayo.”
She’s crying. Hearing her shaky voice broke my heart. I stood up, and went out of the room. Hindi ko alam kung paano kami ngayon. Magpapansinan pa ba o ganito na talaga kami.
YOU ARE READING
The Bullet
Teen FictionPaano kung once in your life you meet someone na magpapabago ng ikot ng mundo mo? Will you resist? Or will you go with the flow? Remember that love is a bullet. Mabilis. Hindi mo mapipigilan. At kapag tinamaan ka na, nasa iyo na ang desisyon para sa...
