"Ah sige! Ingat!" paalam ko na hindi nagpapahalatang may nalalaman
Tinignan ako ng mataman ni Headmaster kaya nginisian ko lang sya. What now?
"Dapat ay nasa Dorm ka mahal na prinsesa" mahinahon pero malaman na sabi ni headmaster
"I have something to do" kibit balikat kong sagot at saka sya tinalikuran at naglakad pabalik sa Dorm
Pagkapasok ko'y nagulat ako nang mapatayo si Collie nang makita ako. Lahat sila ay nasa sala at nakatingin sakin. Nakita ko si Lucas na kasama rin dun na nakaupo
Wow, ang bilis nila ah? Tapos na ba agad? Tinaasan ko sya ng kilay nang kumuyom ang kanyang kamao. Dapat inenjoy mo muna ang paikipaglaplapan dun sa higad mo-or maybe ganun ka kagaling para matapos agad kayo?
"Ikaw Liit ka talaga! Nag-aalala kami sayo! San ka ba galing?!" salubong sa akin ni Collie
"Naglakad lakad lang" paliwanag ko
Mukhang di pa rin okay si Caleb at si Riley dahil magkalayo sila ng upuan at parehong tahimik. Kapansin-pansin rin ang ka-sweetan ni Luke at Collie tapos si Zach naman ay kausap lang si Riley.
"So bakit andito tayong lahat?" tanong ko
"Kasi wala tayo doon" pambabara ni Riley, I glared at her kaya nagpeace sign sya
"Second Mission" singit ni Mayson
"Sino nag-utos?" tanong ko, dahil kung tama ang hinala ko ay malamang may binabalak na naman syang patayin kami
"Headmaster Zeus and Celestine" sagot nito
"Kelan sinabi?" tanong ko, malamang pati sila ay may impluwensya rin ni Headmaster Yuri. Mas nag igting ang paniniwala kong may traydor sa loob ng campus dahil sa narinig ko kanina.
Bakit nadun si Rim? Diba ay si Georgina ang kasama ni Headmaster kanina?
"Actually a while ago nagpunta dito sila kaya lang wala ka" Riley stated
"Ahh okay" pagsang-ayon ko na lang
"Hoy Sienna! San ka pupunta?" tanong ni Luke nang biglang tumayo si Collie
"Cr! Sama ka?!" sarkastikong sabi ni Collie
"Pwede ba?" malokong sagot nito. We used to be like that.
"Ewan ko sayo! Manyak!" sigaw ni Collie at saka umalis
"Hey, hungry?" tanong ni Mayson
"Im fine. Akyat na ko guys" paalam nya at saka kumaripas ng takbo papunta sa kwarto nya, nanliit ang mata ko dahil sa ikinikilos ni Zach
"Ako rin, Akyat na ko. Bye" paalam ko, ramdam ko ang isang tingin na sumunod sa akin hanggang pagpasok ko
Pagkapasok ko ng kwarto ko ay napasandal ako sa pinto at niyakap ang tuhod ko. Naaalala ko na naman ang nangyare kanina parang may kung anong nag-torture sa puso ko.
Ganun ba kababaw ang pagkagusto nya sakin? Ava, get a hold of yourself. You'll become stronger and fiercer. Hayaan mo sya, baka nga kung bumigay pa ay mas masakit pa jan ang naramdaman mo. Atleast nalaman mo na ng maaga
Di ko na pinigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Akala ko kaya kong protektahan yung puso ko, di pala! This is a b*llshit! I hate it!
Chapter 42: Finding the Traitor
Start from the beginning
