Bitter Jam XII

Magsimula sa umpisa
                                    


-"Well duh! The way you describe her parang ano lang hashtag: 'She's Beautiful in my Eyes'."


AH?



-"No Miss, hindi ko sya girlfriend."


-"Tsh..." umalis ito sa pagkakadukwang at umayos ng upo. Like a BAM nawala ang kislap sa mga mata nito. Bakit mas mukha syang disappointed? "I wish meron ding lalaki na hindi ko naman boyfriend na mag dedescribe sa akin na parang ako ang dyosa ng buhay nya." Bulong pa nito.



I am only asking you a simple question, bakit kailangan pang gumulo?



-"...and? Nakita mo ba sya?"



-"Kung short red hair . . . you mean si Jean?"


I felt like someone just punch me at the gut when I heard her name.


-"Ang totoo nyan hindi sya assistant librarian dito. Nag volunteer lang sya para i-cover ang shift ko dahil exam week noon. Nagtaka nga ako dahil sobrang mapilit ang bruhilda. Ang sabi lang nya she wanted to get close with her crush 'daw'. Psssh, as if naman may gwapong varsity na maliligaw dito eh tambayan ng mga geek ang library." She stops - wait, bakit ngayon lang nya napansin na gwapo din ang taong kaharap nya?


Hmm, hindi man ito pasok sa DDG (DROP DEAD GORGEOUS) category, granted naman na iba ang dating ng lalaki, let's say na may sariling appeal at charisma. 'If' - again - 'if' babawasan nito ang pagkunot kunot ng noo.



Such a waste for a handsome face ... but productive naman syang tao kaya sisiguraduhin nyang makakatas nya ang kabataan nito. Mou-haha!


Kiming inipit ng librarian ang ilang hibla ng buhok sa tenga at, "You know free ako mamayang 2pm pwede kitang i-treat ng - SCRAMBLED EGG!" luminga linga ito sa paligid. NASAAN NA ANG GWAPONG NILALANG?!


(눈‸눈) Meatloaf naman! Some people are soooo rude!


**





Tapos na ang lunch break pero hindi pa rin nakakapananghalian sila Ian, Simon at Felix. Why? Because of a certain 'person' na wala ng ginawa kundi dagdagan ng dagdagan ang bawat task nila sa presentation kaya ngayon lang nila natapos ang pag summarized ng mga data.


They were exhausted, hungry and grumpy!


Hinahanap nila si Brix para kotongan ito at magpa-libre ng pizza. Nakita agad nila ang 'target' na kalalabas lang ng library at patungo sa likurang bahagi ng nasabing building.


They followed him.



Huminto si Brix sa tapat ng malaking puno para humugot ng malalim na paghinga.


-"Oi, Bri -" nabitin ang pagtawag nila dito ng bigla na lang nitong ihagis ang sukbit na bag sa damuhan. Then he starts kicking the poor tree angrily. Na para bang dito nito inilalabas ang kinimkim na sama ng loob sa - well, sampung taon?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

E-FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon