"Ineng, napadalaw ka." Anito.

"Magandang hapon, Kap. Ipinapahatid kasi ni Nanay itong order ni Aling Guring."

"Ah! Oo nga pala, halika pasok muna kayo."

"Hello, lolo kap!" Masiglang bati ni Lucy sa may edad na lalaki.

"Naku! Kasama mo pala itong si Luciang, aba'y halika kayo at pumasok muna."

"Wag na lang siguro, Kap. Nagmamadali kasi kami dahil pupunta ng palengke si Nanay. Inihatid ko lng ito, iyong kalahati ng bayad nito ay kukunin ko sana."

"Ah, ganoon ba? Sige, sandali lang at kukunin ko ang bayad nito. Umalis kasi ang Aling Guring mo, namalengke din kasama ang dalawang kasambahay para sa pyesta. Oo nga pala, bago ko makalimutan, pumunta ka ng plaza sa despiras ng pyesta dahil may mayaman akong panauhin, papakilala kita."

Nahihiyang napakamot ng ulo si April.

"Eh, Kap, nakakahiya naman yata."

"Aba'y ano ka bang bata ka, kagandang dalaga mo. May balak na ba kayo magpakasal ni Omer?"

"Lolo Kap! Hindi po magpapakasal si ate kay kuya Omer, mas bet ko po ang sinasabi niyong mayaman. Gwapo po ba, Lolo Kap?" Singit ng kapatid sa usapan.

Nilingon niya ito at pinandilatan upang manahimik.

Tatawa-tawa naman ang matanda.

"Aba'y kung gwapo lang naman, sobrang gwapo. Biyudo at may isang anak. Apo ng may-ari ng Alishana Hospital sa kabilang nayon. Sila rin ang may pinakamalaking lupain sa lugar."

May kuryusidad na umahon sa kanyang dibdib.

"Lolo Kap, sobrang yaman pala. Baka ho suplado naman." Si Lucy ulit ang nagsalita.

Umiling naman ang matanda.

"Bukod sa gwapo ay napakabait din Mr. Anderson, nakilala ko siya noong nagpa-ayos ang kanyang tauhan ng tractor sa talyer ko."

Bukod sa pagiging kapitan ng barangay. May maliit na negosyo rin ang matanda, iyon ay ang talyer na di naman kalayuan sa barangay hall.

Lumiwanag ang mukha ni Lucy. Wari'y ito pa ang may interes sa lalaki.

"Paano, iha? Aasahan kita sa kapyestahan, ha?"

"Titingnan ko ho, Kap. Baka kasi may trabaho ako-"

"Ay, Lolo Kap! Pupunta kami, basta narito ang gwapong panauhin mo saka maraming pagkain."

"Lucy, kanina ka pa!" Saway niya kapatid. Binalingan niya ang matanda. "Pasinsya na ho, Kap. Madaldal talaga ang batang 'to."

"Naku, walang anuman. Nakaka-aliw nga itong kapatid mo. Siya, sige maiwan ko muna kayo, kukunin ko muna ang pambayad sa kakanin."

"Isusumbong kita kay Nanay, dumaldal ka na naman."

Humagikhik si Lucy.

"Sumasagot lang ako kay Lolo Kap, saka hindi ka ba nako-curious sa mukha ni Mr. Anderson? Ang sabi ni Lolo Kap, gwapo daw at sobrang bait, mayaman pa!"

"Tumigil ka diyan, Lucy. Ang bata-bata mo pa, may alam ka na sa mga ganyang bagay. Dapat, pag-aaral muna ang inaatupag mo. Ki-gwapo , mabait o mayaman, hindi ako interesado sa lalaking iyon."

Lumakad si Lucy sa harapan niya. Naka-cross ang braso nito sa dibdib at pinakatitigan siyang mabuti.

"Sigurado ka?"

"Na?"

"Na hindi mo type? Baka magsisi ka at bawiin mo ang sinabi mo."

"Teka nga, sino bang mas matanda sa atin, ikaw o ako?"

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now