Chapter 3 (The Crazy Dog & The Mouse That Roar)

160 4 0
                                    

<<Tracey>>

🎵suddenly, life has new meaning to me. There's beauty up above, and things will never take notice of... you wake up and suddenly your in love... huuuhuhuhu 🎵

Ang ganda naman ng boses nun! Malaki at mababa ngunit malamig ang kaniyang tinig.

Di naman sa pagmamayabang pero may ibubuga din ako pag dating sa kantahan. Hindi kalakihan ang boses ko at hindi rin naman maliit. Sakto lang.

Bago ang lahat kasalukuyan pala kaming kumakain ni Rexor sa isang resto-bar. Akala ko talaga may mga sumasayaw na naka bra at panty lang! Wala pala. Mga babae lang na sexy at may bunny head band.

Pagkatapos umawit ng may katandaang musikero, siguro may edad na 30-33, ay ginantihan sya ng masaganang palakpakan ng mga manonood. Kahit hindi kagwapohan ay halatang gustong gusto sya ng mga babaeng nakapanood ng kaniyang pagtatanghal.

Malakas talaga makapang akit ang kahusayan sa pag awit.

Pumalakpak din ako bilang paghanga sa natunghayan.

*clap.clap.clap.clap*

"Alam mo pala yung kanta na iyon?" Si Rexor.
"Hindi" ako.
"Eh? Palakpak ka ng palakpak di mo naman pala alam yung kanta." Nakakunot ang noo nyang sabi. "Nagandahan kasi ako sa boses nya." Sagot ko. "Tipo mo lang yung kumanta eh." Pabulong niyang sambit.
"Ano?" Tanong ko dahil hindi ko masyadong narinig ang kaniyang sinabi. "Nothing! Just eat!" Iritado niyang wika.
Ano nanaman kayang problema ng isang to?
Bahala sya. Kakain nalang ulit ako ng Tinuhog bago inihaw na baboy.

Masarap ah!

Habang kumakain ay may biglang tumawag sa magarang telepono ni Rexor.

*Krung*krung*krung*

Kinuha at sinagot nya ito.
"Yes hello? Who is this? .. oh pre! Musta? It's been a while! Yeah... yeah it's kinda noisy cause I'm in to our fave bar. Yeah wait... what? Can't hear you? Wait... wait... I'll go outside. Don't hang up. " tumayo at umalis palabas si Rexor.

Naiwan ako mag isa. Mag-isa. Mag-isa. Palagi nalang ako mag-isa! Ok lang ako. Ako pa? Sanay na kong iniiwan at pinapaasa! #hugot! Haha joke lang! Napanood ko yan sa tv dati naalala ko lang.
Saka lumabas lang si Rexor para makapag usap sila ng maayos nung tumatawag sa kaniya.May kaingayan kasi dito sa loob.

Ipagpapatuloy ko nalang ang pagkain.
Ang sarap pala ng inihaw nila dito. Mapait pait!
Sa katakawan ko ay nabulunan ako!

*urb!urb!urb* (AN: tunog yan ng nabubulunang tao haha)

"Ito tubig. Dahandahan lang kasi ang pagkain. Saka nguyain mo ng mabuti yung karne para di ka mabulunan."

May estrangherong nag abot sa akin ng tubig. Agad ko itong inabot at tinungga.

*klugklugklug*

"Ahhh..." nasambit ko pagkatapos tunggain ang isang boteng tubig.

"Muntik na ako dun ah!" Sambit ko habang hinahawi ang maiksing bangs.

"Ikaw lang ba mag-isa?" Tanong niya.

"Ah hindi may kasama ako. Maya maya din ay babalik na yun. May kausap kasi sa cellphone nya kaya lumabas pansamantala." Sagot ko.
"Ganoon ba? Mabuti kung ganoon." Siya.
"Oo nga pala. Salamat sa tubig." Pagpapasalamat ko.
"Don't mention it. I'm Edd. Nice meeting you." Inalok nya ang kamay at tinanggap ko naman. Nag shake hands kami.
"Tracey. Yun ang pangalan ko. Salamat ulit ah. Teka! Sayo nalang itong isang tuhog ng inihaw na baboy!" Agad kong kinuha at inalok sa kanya ang inihaw. "Hahaha talaga? Masarap ba?" Ang laki ng ngiti nya. Nakahawak sya sa ulo na tila ay nagkakamot. Ang gwapo din ng isang to! May pagka chinito at kaputian.

SuperManOù les histoires vivent. Découvrez maintenant