[EDITING]Chapter 19:Detention Trouble

Start from the beginning
                                    

Tumingin naman siya sa akin ng seryoso.Minsan talaga napaka bipolar din niya,at ang bagay na yun ang mas lalong nagpapahulog ng aking loob sa kaniya.Minsan din ay may pagkatulad sila ni Airex para sa akin sa di ko matukoy na kadahilanan ewan ko ba.

"Gagawa ako ng paraan"simpleng turan niya saka bumalik sa kaniyang ginagawa.

Habang nakaupo ako sa aming armchair ay may biglang pumasok sa aking isipan bagay na aking ikinabigla....bakit ngayon palang!

"Magiging absent ako for one week and walang maghahandle sa inyo so your free but kailangan niyo pa ring pumasok,okey?class dismissed"

Ano?Wala pala dito si Ma'am so sino yung..........may impostor kailangan naming makaalis dito.Posibleng ginamit niya ang mana ni Ma'am kaya siya nakapasok dito.Isang demonical kaya?Huhulihin kita!

Agad akong tumakbo palapit sa pintuan saka ko ito sinipa ng malakas dahilan upang ito ay mabuksan.O di ba hindi ko na kailangan ang elements ko...kamusta naman si Kyle?Well napatingin siya sa akin na may pagkagulat....nakanganga?hahaaha

"Panong....."sambit ni Kyke sa hindi makapaniwalang boses.

"Halika na, may impostor dito.....naalala ko wala nga pala dito si Ma'am for 1 week kaya hindi si Ma'am ang isang yun...isa yung demonical so posibleng-----"turan ko na naputol dahil sa biglang pagsasalita ni Kyle.Wow,hiyang hiya naman ako.....wala talagang manner..nagsasalita pa ang tao...tsktsk ...

"Ginamit nito ang nakuhang mana mula kay Teacher Maribel at saka ito nakapasok sa Academy"pagpapatuloy niya sa aking sinambit.

Papalabas na sana kami ng may biglang nagsilabasan na mga demonicals.Tuloyan na nga ba nilang napasok ang Vampirel Academiya?Pero papaano?Ang barrier?

Napatigil ako ng makita ko sa likod nila ang kanilang prinsesa diumano,hindi pa rin ako makapaniwala sa aking mga nakikita pero alam naman nating wala na siya.

"Hailey,siya ba ang----"hindi ko na pinatapos pa si Kyle alam ko na rin naman ang sasabihin niya.

Hindi siya ang kambal ko,ang aking kambal ay tahimik,cold,mainitin ang ulo at maikli ang pasensiya ngunit kahit kailan ay hindi niya ako pinagdiskitahang paslangin kahit nung panahon na nalaman niyang may gusto ako kay Airex,sa mga panahon na yun mas ginusto niya pang magparaya.

"Patawad Hellaraye,pero gusto ko siya,hindi mahal ko siya"

"Hailey......okey lang.....kung saan ka masaya dun ka hindi kita pipigilan.But,put this in your mind you can't force somebody to love you.And if he is not the one then wait for the right man in the right time"

Yan ang aming naging usapan ng gabi bago siya malason,bago ako umiyak sa kalahating gabi na yun.....sa mga sandaling yun na mas inuna ko ang aking problema kesa bantayan at pagtuonan ang isa't isa.

"Hindi siya ang aking kambal.....halika dito tayo"turan ko kay Kyle saka siya hinila pabalik sa detention room.

Dito ko inisipang magtago at pumasok dahil isa itong power resistance area na kung saan hindi masesense o hindi gagana ang iyong kapangyarihan,to avoid commotion in detention.

"Pano mo nalaman na nakapasok na ang mga demonicals dito at ang tungkol sa impostor nating teacher?"nagugulohang tanong ni Kyle.

Pano ko nga ba sasabihin to,kasi kutob ko lang yun until pumasok sa isipan ko ang announcement ni Ma'am at saka biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo na nangyayari lamang kung may mga demonicals na malapit

"Kyle wala ng tanong....."turan ko sa kaniya.

Hindi naman ito ang tamang oras para sa Q & A ah, besides hindi to Miss Philippines or other pageants.Ito naman kasi masyadong matanong...Masyado kasing matalino.Ako ngalang siguro ang bobo sa aming lahat eh.......hay ..

"May mga vampirel dito.......*sniff*tatlo...tatlo sila at kasama dito ang isang prinsesa"turan nung nakakatakot na demonical.

Tumango-tango naman ang kamukha ng aking kapatid,tama kamukha lamang niya ang aking kambal since hindi naman sila magkapareho.

"Leave or I'll burn you to your
Death"

Natigilan kami sa mga salitang yun.Pamilyar......parang kay Hellaraye.....nagbalik na nga kaya siya......Matagal na rin siyang hindi nagpapakita sa amin...masaya ako para dun...Ikaw nga.........

Airex........

M M M

pabitin po ba?Pasensya na po,gusto ko po kasi yung may mga pabitin.....

Pagpasensyahan niyo nalang po ako pagdating sa mga action hindi po kasi ako magaling sa mga yun....pero kailangan para may thrill....

VOTE AND COMMENT nalang po at pakicomment nalang din po para sa mga kailangan ko pang iimprove,ARIGATOU

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now