“Aahh… Kamusta ang Canada?”

“Ayos naman.” Wala akong ganang makipag-usap. Sorry. -.-

“Nakipagdate ka siguro sa mga Canadian guys no’?” Tanong niya kaya tinignan ko siya agad.

“Hin—Y-yeah, once.” I smiled proudly and truthfully. Hindi ko alam kung ba’t ako nagsisinungaling? Siguro kasi, masyado akong nabubuwsit sa kaibigan niyang hindi pa nagpapakita ngayon.

“Ooh, buti naman. Si Dustin din eh…”

Kung posibleng tumibok ang tenga, siguro tumibok na yung akin. Err… “Dustin? Anong meron sa kanya?”

Ngumiti siya, pero yung ngiting alam kong may ibig sabihin. “Dating… and dating and dating…” Pakiramdam ko, tumibok ang sentido ko sa sinabi niya. “Pero syempre joke lang yun. Niyayaya ko ngang mag-bar hop yun, ayaw naman niya. Alam mo yung nagmomongha? Siya yun eh.”

“Nagmomongha?” Ano yun?

“Nagmomongha! Yung nakakulong lang sa isolated na lugar. Para siyang nasa kumbento,” sagot niya at napangiti ako. “KJ yun si Waynepots eh. Pagkaalis mo papuntang Canada at pati na rin ni Jenine papuntang States, naging ganun na yun.”

“Nasaan na ba siya?”

“Secret lang natin ‘to ha?” Umusog siya sa akin kaya tinignan ko siya na nagtataka. Nakakcurious eh. “Ayaw ka raw niyang makita,” bulong niya sa akin.

“HA? Bakit naman?!” Ayaw niya na ba sa akin? May narealize na ba siya sa isang buwan na hindi kami nagkita?!

Nagkibit-balikat siya. “Ewan ko. Yun ang sabi niya eh.”

“Kaya ba hindi ko siya makita ngayon kasi iniiwasan niya ako?” Malungkot na tanong ko at umoo naman siya. Ouch… Pagkatapos ko siyang isipin ng isang buwan, siya naman itong kinalimutan nalang ako? Eh ano naman, Chloe? Kung yun ang gusto niya eh… Paki mo?

Haaaaaaayyyy… Double ouch. Gusto kong sumabog.

“Ayos ka lang, Chloe?”

Tumayo ako at tinanguan siya. “T-thanks, Wayne. Buti nalang nalaman ko yan.”

Tinignan niya ako ng buong pag-aalala. “Ang mabuti pa, umuwi ka na, Chloe. Mukha kasing wala ka na sa mood.” Tumayo siya at hinawakan ang noo ko. “Tamo, namumutla ka na. Ang mabuti pa magpahinga ka na. Umuwi ka na.”

“Oo na, uuwi na ako.”

Tinalikuran ko na siya at walang ganang tinungo ang direksyon ng exit. Hindi pa man ako nakakalayo, narinig ko ulit ang boses ni Wayne.

“Chloe!”

Nilingon ko siya. Sa itsura ko ngayon, para akong binagsakan ng langit at lupa.

“Pasensya na sa sinabi ko. Ingat sa pag-uwi!” And he waved his hand on me.

 

Thanks to him anyway… Kundi dahil sa kanya, hindi ko pa malalaman na ayaw na sa akin ng taong paulit-ulit kong minamahal…

 

***

Drive lang ako ng drive. Oo na, wala ako sa sarili. Muntik na nga akong maligaw. Buti nalang talaga, hindi ako naaksidente. Lecheng Dustin yan! Panira talaga ng buhay. Whatever happened to ‘hihintayin kita, Chloe’, ‘I love you. Just you’ at ‘liligawan ulit kita’ spiel niya? Tama nga ako. Hindi siya yung tipo ng tao na mahaba ang pasensya sa paghihintay. Mabilis siyang mabored at dahil sa isang buwan na hiningi kong time and space, napagod na siya sa paghihintay.

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon