~35~ Diversion

169K 4.9K 2.5K
                                    

~35~ DIVERSION

 

DUSTIN’S POV

My head is really f-cked up. I do not know what to do first. Pagkatapos magkrus ang mga landas namin nina Jenine at Chloe, pakiramdam ko, tinakasan ako ng dugo sa buong katawan ko. Unexpectedly, Chloe never did questioned me about what she witnessed last night. Sa pagkakakilala ko sa kanya, siya yung tipo ng tao na sobrang impulsive at palaban, pero bat wala man lang siyang ginawa kagabi?

“ANO?! Pinagsabay mo silang dalawa?!”

“Tsk.”

“Isa ka rin pa lang g-ago, Dustin.”

For now, I need someone to talk to that’s why I called Wayne to come over my unit, but instead of having a companion, he kept on nagging the hell out of me since the first minute he stepped in here. Well, I deserve it anyway.

“Hoy, Dustin!” He sat next to me on the couch and gave me a frown. “Hindi ko inaasahan na magagawa mo ito. Sa pagkakakilala ko sayo, hindi ka naman mahilig mangbabae. Eh anong nangyari sayo ngayon?”

I looked away and gulped my beer. Ano nga bang nangyari sa akin? Bakit ko nga ba ‘to nagawa?

“T@ng!na, Dustin. Kawawa yung dalawa,” dagdag sermon niya. “Napakabait ni Jenine para lokohin mo. Si Chloe naman, walang kinalaman dito, dinamay mo pa. Ang masaklap pa, wala silang alam na niloloko mo silang dalawa. Aba, eh kung kapatid ko lang ang isa sa kanila, sasamain ka talaga sa akin eh!”

“Tsk… Tinawagan kita para may makausap ako. Hindi para sermunan ako, Wayne.”

“G-ago,” he hissed as he threw a few chips on my face. “Kailangan mo ng sermon. Hindi ka na nga nasesermunan ng tatay mo, ayaw mo pang magpasermon sa akin. Kaya ka namimihasa eh.”

I didn’t retort at his statement. He’s got a point there. I hate being scolded that’s why I chose to live away from home. Siguro, kulang nga ako sa sermon. Akala ko kasi, alam ko na ang tama sa mali, pero bakit ko pa ginawa ang kaga-guhan na ito kung alam ko namang sa una pa lang mali na ito?

“Matanong lang kita Jimenez, paano ba ‘to nangyari? Knowing you, parang imposible eh.”

Tumayo ako at dumantay sa railings ng veranda ng pad ko. Hindi agad ako nakasagot dahil hindi rin ako sigurado sa rason ko. Paano nga ba ‘to nangyari?

 “Last year…” panimula ko. “Nagkalabuan kami ni Jenine nung summer. Wala kaming communication hanggang sa mag-umpisa ang semester. Sabi ko sa sarili ko, parang wala nang patutunguhan ang relasyon namin dahil ilang buwan na kaming hindi nakakapag-usap.”

Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago ako lumagok ulit sa beer ko.

“—Hinintay ko ang e-mail, text, o calls mula sa kanya pero hindi na siya nagparamdam. Naisip ko, naghihintay lang yata ako para sa wala. That was when Chloe came into my life… We became close friends until one day, I found out something about her. Dahil dun, naging interesado ako sa kanya. Okay, ang totoo nyan… Ginawa ko lang siyang diversion.”

“Diversion?”

I nodded at his question. “Diversion… I’ve used her. Dinivert ko lang yung nararamdaman ko para kay Jenine kay Chloe. Ginamit ko lang siya para makalimutan ko si Jenine.”

Tinabihan ako ni Wayne sa railings. Mula sa gilid ng mga mata ko, alam kong nakatingin lang siya sa akin. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan pero ni isang beses, hindi ko ito nasabi sa kanya. Ngayon lang.

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon