~39~ Waiting For Nothing

174K 4.6K 1.2K
                                    

~39~ WAITING FOR NOTHING

 

DUSTIN’S POV

“Ayos ka lang, Dustin?”

“Yeah.”

“You looked upset.”

“I’m not.”

Lunchtime. Dahil masyadong excited si Jenine sa paglilibot dito sa Baguio, nagpunta kami ngayon sa Burnham Park. Wala naman kaming dalang baong pagkain para magpicnic dito, kaya nag-take out nalang kami kanina mula sa isang fastfood. Ayoko sanang umalis dahil wala ako sa mood, pero napakapersistent ni Jenine. Tsk.

“Dustin,” she called my name sweetly and so I looked to her with my usual expression. “—Tingin mo, nandito lang din gumagala sina Chloe at Warren?”

I shrugged my shoulders as an answer. Hindi ko rin alam. Ang aga nilang umalis kanina, siguro namamasyal na rin sila ngayon. Ano pa nga bang gagawin nila dito sa Baguio bukod sa mamasyal? Siguro, iniiwasan lang nila kami. I can’t blame them though.

“Gusto ko talagang maging friend si Chloe. I think she’s nice,” she suddenly said with a hint of amusement in her voice.

Chloe is nice but Jenine is nicer.

“She seems joyful. Lagi siyang naka-smile.”

She smiles but not the way like before. I know she only smiles because she wants me to see that she’s fine and that she already got over me, when the truth is she’s just mad at the situation. Seeing her in that state makes me want to talk to her, but I know I can’t. Pinakawalan ko na siya. Tinapos ko na ang lahat sa amin. Wala na akong karapatan sa kanya.

“She’s cute and—Dustin, hey! Are you okay?”

I blinked twice as I noticed a hand waving infront of my face. Natulala na pala ako. Sh*t. Mukha akong t*nga.

“Honeybee,” she touched my cheek and looked straight into my eyes. And as usual, I looked away from her gaze. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. “Hey, bat ka namumutla? How do you feel? Are you sick?”

“Jenine, pwede bang bumalik na muna tayo sa hotel? Masakit lang ang ulo ko.”

Halata sa mukha ni Jenine ang pag-aalala. Isa pa siya sa ikinakabahala ko. Ang buong akala niya naging loyal ako sa kanya. Kung alam mo lang, Jenine… Kung alam mo lang ang kaga-guhang ginawa ko.

“Dustin, magsalita ka nga.”

Instead of answering her, I immediately wrapped my arms around her. Niyakap ko siya ng mahigpit, kaya naman yumakap din siya sa akin pabalik.

“Dustin, may problema ba?”

Nahihirapan ako. Parang may kung anong malaking nakabara sa dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maluwag. Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog ng maayos. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Itinama ko na ang pagkakamali ko pero bakit parang may kulang pa?

I heaved a deep sigh as I buried my face on her shoulder. “I’m sorry, Jenine.”

“Why…are you sorry?”

Pinipilit niyang tignan ang mukha ko pero mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Pakiramdam ko, tuwing nakikita ko si Chloe sa sitwasyong hindi ko siya pwedeng lapitan, para akong nadudurog. Sa tuwing iniisip ko namang iiwanan ko si Jenine, ayaw na ayaw kong nakikita siyang umiiyak. Nasasaktan rin ako.

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon