⇜CHAPTER 13⇝

Comincia dall'inizio
                                    

                Lalong nagmadali sina Ren at Kenji na makawala. Marahas at may pagmamadali nilang ikiniskis ang tali sa mga kamay sa puno. But before they could even make progress, the biter surprised them by grabbing Ren by his shoulder!

                “Aahh!” gulat na bulalas ni Ren sa di inaasahang pag-abot ng biter sa kaniya. Kani-kanina lang ay halos dumikit lang ang dulo ng mga daliri nito sa kanilang balat.

                Awtomatikong dumako ang tingin ng magkaibigan sa kabilang dulo ng lubid na siyang nakatali sa puno sa di kalayuan. Mukhang lumuwag iyon at kalahati na ang napupunit sa kapal niyon ng magaspang na puno!    

              “Anak ng pating! Kenji!” naaalarmang bulalas ni Ren saka mas binilisan pa ang pagkuskos ng mga tali sa kamay nila ni Kenji sa puno. Tumulong din si Kenji na kinakabahan din kahit hindi nagsasalita. Halata sa mukha ni Kenji ang nararamdamang pagkabahala.

                “Aaaaahhhhhh!!!”

                “Nano!” sigaw ni Gin.

Sabay napalingon sina Kenji at Ren sa pinanggalingan ng mga sigaw. Mga labinlimang talampakan mula sa punong pinaggagapusan nila ay nakahandusay sa lupa at nilalapa ng biter si Nano. Nasaksihan pa nila ang unti-unting pagkapunit ng mga laman nito sa leeg habang hinihila iyon ng mga ngipin ng biter. Agad ang pagbuhos ng masagang dugo sa pagkaputol ng malaking ugat sa leeg ng binata. The biter’s face was showered by a generous amount of fresh blood, which only made the monster even more excited to taste more.

Sa di kalayuan, isang biter pa ang namataan ni Ren.

“Kenji.”

“Alam ko,” sagot ni Kenji na naintindihan ang ibig sabihin ng kaibigan kahit pangalan lang niya ang nasabi nito.

Sinipa ni Kenji ang nakataling biter na lalo pang lumapit ang distansiya kay Ren. Halos isang dangkal na lang ang layo ng mga ngipin nito sa balikat ni Ren. Saglit na nakahinga si Ren nang maayos ngunit agad ding nakatayo ang biter. This time, the biter surprised them both by grabbing Ren by the neck! Mabilis nitong inilapit ang mukha sa mukha ni Ren habang maluwang na nakaawang ang bunganga para mangagat.

Ni hindi nakasigaw si Ren dahil sa labis na pagkabigla. Namutla si Kenji nang dumikit ang mga labi ng biter sa pisngi ng kaibigan. Hindi niya naiwasan na hindi ma-imagine ang pagdantay ng mga ngipin ng biter sa balat ng kaibigan kahit hindi niya iyon nakikita. Hindi pa man, parang nakikita na niya ang pagbaon ng mga ngipin sa laman ng namumutlang binata at ang pag-agos ng masaganang dugo mula sa leeg ni Ren.

Ngunit bago makakagat ang biter, isang matulis na kahoy ang marahas na tumusok sa bumbunan nito. Sunud-sunod na napalunok at halos kapusin ng hininga si Kenji habang nakatingin siya sa mukha ni Ren at ng biter. Nakadikit talaga ang bibig ng zombie sa balat ng kaibigan na nagmistulang estatwa sa pagkakatayo. Nadudungisan ng malapot at nangingitim na dugo ang balikat at polo ni Ren na nagmumula sa butas na nilikha ng sandatang pumatay sa biter. Ang matulis na dulo ng kahoy na sandata ay lumusot sa baba ng biter, malapit sa leeg. Nang bumagsak ang biter, doon lang nakalunok si Ren at nagmistulang parang nakaalala kung paano huminga.

“Ayos ka lang ba, Ren?” tanong ng tagapagligtas nila. Si Kiari.

Nanginginig na tumango si Ren. Kiari immediately inspected Ren’s face for any sign of bite.

“Walang kagat. Wala ring sugat o galos,” anunsyo niya matapos suriin ang mukha ng namumutla pa ring lalaki. Tapos ay mabilis na hiniwa ni Kiari ng kutsilyo ang taling gumagapos sa dalawa. Kiari got them free just in time for her to turn and stab another biter that almost bit Kenji from behind him. Ni hindi nakasigaw si Kenji dahil sa biglaang pagsulpot ng halimaw. Kung hindi dahil kay Kiari, siguradong naging biktima na siya niyon.

Among the Dead #Wattys2016Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora