I grew up with dad. Practically, he's not just my dad. He's my mom, my doctor, my bestfriend. In short, my everything. As cheesy as it may sound, kaya di pa ako naghahanap ng boyfriend ay dahil gusto yung lalaki na tulad ni dad. Tipong mapapa head bang ako sa tawa sa mga waley nyang jokes. And he makes the best Onion rings in town! Mamimiss ko yun. ;(

"Seriously dad? Kung di lang talaga sa kasunduan nyo ni Mommy, iisipin ko na kaya mo ko pinapalayas ay dahil maghahanap ka na ng girlfriend." kinurot ni Daddy ang pisngi ko.

"Mamimiss mo pang ako eh. Sige na! Tinatawag ka na oh! Nakakahiya ka." tumawa lang si Daddy. Knowing him, pagkaakyat ko ng eroplano, iiyak na to dahil miss na nya agad ako.

"I'll see you in three months dad." hinalikan ko ang pisngi nya at niyakap sya. Savour the moment Cream. Tatlong buwan pa bago mo ulit mayayakap ang tatay mo.

"Mamimiss kita." sabi ni Daddy. Pinalo ko sya sa braso.

"Ang mushy ng tatay ko!" tumawa lang kaming dalawa. My appearance is badly needed on that airplaine kaya kailangan ko ng umalis.

My dad is a pedia at Oregon State. Kaya napakalapit nya sa mga bata. Besides, he's the coolest dad. I would never understand the reason kung bakit sya hiniwalayan ng nanay ko. He could have been the best guy that existed on Earth! My mom is such a crazy lady for dropping my dad. Really crazy.

"Ang anak kong napakaganda!" sinalubong ako ni Mommy with matching banda pa. Pumikit na lang ako sa kahihiyan. Nanay ko ba talaga to? Bakit parang wala naman akong ganitong ugali o hobby o kahit na anong manifestation?

Sinubukan kong magpanggap na di ko sya nakita. Kunwari, nangingilala lang ako. Umiwas ako ng daan. Malamang nagtaka ang nanay ko sa ginawa ko. Shet! Wag ngayon Mom. Please!

"Junakis na maganda!" sigaw ng nanay ko. What the hell did she just said? Junakis? Nag evolve na ba ang language sa Philippines?

No pansin pa din ang drama ko. Pulling my cart, nagpanggap akong ibang tao. Halos lahat ng madadaanan ko, napapatigil dahil napapatitig sila sa bandang bitbit ng Nanay ko. Hindi ko pa kinaya ang tarp na hawak ng mga lalaki nya.

Welcome home Cream!

Ang isang hindi ko pa matanggap ay ang paglalagay nya ng litrato ko doon. Halos takpan ko na ang buong mukha ko para di ako marecognize ng mga tao. This is total bullshit!

I have to escape my Mom!

"Anak!!!!" biglang may humigit sakin. Nakita ko ang nakangiting mukha ng Nanay ko.

Ngumiti ako sa kanya. "Excuse me?" tanong ko. Bigla syang bumitaw sa akin.

"Ay! Sorry! Akala ko junakis ko. Pero, kamukhang kamukha ka ng anak ko!" hinawakan nya ang panga ko at ipinaling sa kaliwa at kanan. Shet!

The Coolest Guy (ON GOING)Where stories live. Discover now