"Alas, 'di ba may sikretong daan dito palabas?" Tanong nya kay Ace na hindi kumikibo. "Nakalimutan ko na kung saan e. Makakalimutin na ba ako? Wala na kasi akong matandaan dahil..." Tinuro nya ang dibdib nya. "Sa sobrang sakit, wala na akong maalala dahil punong-puno na ang nararamdaman ko." Pumiyok ito na naging dahilan para kapusin ako sa hangin

Kahit hindi sya nakatingin sa akin ay alam kong konti na lang ay babagsak na ang luha nya. Gusto kong tumawa, humalakhak. Nakakatawa na gusto ko ng tapusin ang buhay ko para tumahan na ang sakit na nararamdaman ko ngunit hindi maaari.

Naging duwag na ako at hinding-hindi na ulit ako magiging duwag para takasan ang problemang ito. Tama na ang kasalanan ko.

I've had enough. Kailangan ko na lang tapusin ito.

"Alas. Ilabas mo na ako. Pakiusap. H-Hindi ko na kaya."

Umiling si Ace at tinulak nang bahagya si Raze palayo sa kanya. "Listen to her first. Pagkatapos ng lahat ay ako ang maglalabas sa'yo." Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mata ni Ace habang nakatingin sa kanyang kapatid.

Tumingin sa akin si Raze na nanlilisik ang mata. "Ano pa ba ang dapat kong pakinggan? Kasinungalingan lang lahat ng sinasabi nya. She's a fuckin' great liar. Sa sobrang galing nyang magsinungaling ay napapaniwala na nya ako." matigas nyang sambit.

Napangiti na lang ako sa sobrang sakit ng mga salitang binitawan nya.

"If you think, I'm a liar. Then, please. Makinig ka sa mga kasinungalingan ko."

Tumagilid ang ulo nito at ginulo ang kanyang buhok. Ngumuso ito kay Ace bago muling tumingin sa akin.

"I'll give you 5 minutes."

Sa loob ng limang minuto ay magagawa kong ipaliwanag ang lahat ngunit hindi ko alam kung ilang taon bago nya ako mapatawad o kung mapapatawad nya pa ba ako. Still, It's my chance.

"Hindi aksidente ang pagpasok namin sa Hell University." Pag-uumpisa ko.

Ngumisi si Raze sa akin dahil sa sinabi ko.

"Lahat ay planado. Lahat ay aking plano. Papasok at palabas ay hawak ko." Naging interesado ang kanyang mata. "Ang Hell University ang naging unang project ko bago tuluyang mapasali sa grupong kinabibilangan ko ngayon." Bigla kong naalala ang mga panahon na 'yon.

'Yong mga panahon na nalugmok ako sa problema kasi akala ko hindi na ako makakapasok at hindi ko na maaabot ang pangarap ko. Nakakatawa na dahil sa pagiging desperada ko ay nakagawa ako ng mga pangako.

"Winzy. I used her dad. Ginamit ko ang kanyang ama para mahikayat syang sumama sa akin. Ipinangko ko na tutulungan ko syang mabawi ang kanyang ama sa mga sindikato 'pag tinanggap nya ang alok kong sumama sa akin dito... Sa Hell University." Kumirot ang puso ko. "Pero, nabigo ako. Hindi ko nasagip ang kanyang ama." Humagulgol ako nang maalala at makita ang walang malay nyang ama.

"Dahil hindi mo sya tinulungan..." Nagulat ako nang marinig ang boses niya sa aking likuran. Nakatayo si Winzy na umiiyak. Nasa tabi nya si Hanz na pinapatahan ito. "Hindi ba, ate? Nagsinungaling ka lang?" Tanong nya.

Umiling ako at lumapit sa kanya.

Hindi ito lumayo o gumalaw man lang sa kanyang kinatatayuan. "I tried, Winzy. God knows, I tried to save him." Sinubukan kong ipaliwanag ngunit tinabig nya ang kamay kong sana'y hahawak sa kanya.

"You didn't."

"I did!"

"But why?! Bakit sya namatay?"

Bigka kong naalala nung sinubukan kong iligtas ang kanyang ama. "Nailigtas ko na sya, Win." bulong ko.

Nanlaki ang kanyang mata at halatang naguluhan.

Chasing Hell (PUBLISHED)Where stories live. Discover now