I blinked at him, shockingly. Like super uber duper shocked!! Him and Lexi? How??!!!

"W'When?" I shockingly asked.

"Nung gabing hindi ako umuwi, dumiretso ako sa Club nun, dahil gusto kong mag pakalasing sa pag ka brokenhearted sa'yo. She's there and joined me, kasi pati daw siya brokenhearted kay Kuya Sam dahil nga ikaw ang gusto ni Kuya. We're both drunk and the rest is.. history."

Shocks! Pero ang sabi niya daw noon ay nasa bahay siya ng kaibigan niya natulog, malamang siguro yun lang ang dinahilan niya. So, ito pala ang gumugulo sa kanya. Hindi pa din ako makapaniwala, wala tuloy akong ibang maireact kundi gulat. Sino naman kasing hindi magugulat dun?

"Napag usapan n'yo na ba yung tungkol dun?" Tanong ko.

He shakes his head. "Hindi pa, ni hindi ko nga siya matignan sa mata. Sobrang nahihiya ako sa nangyari ni hindi ko alam kung paano kikilos sa harap niya."

"Try to talk to her about sa nangyari, baka sakaling gumaan at mawala yang uh... ilang mo sa kanya."

"How?"

"I don't know! Ni hindi ko pa nagagawa yan." Ako daw ba tanungin?

He sighed heavily. "Siguradong papatayin ako sa gulpi ni Kuya Sam pag nalaman niya. Lagi pa naman akong talo dun sa suntukan."

"Sigurado yun. May gawin ka ba naman sa best friend niya eh." Mahina kong sabi. Parang pamilyar yung ganitong setup ah.

"Parang kayo ni Kuya Damon at ako." He said sensing my thought.

"Plano mo rin bang gawin yung paglilihim namin na naging dahilan kung bakit gumulo ang lahat?"

"Hindi ko alam."

"Dapat kasi kausapin mo na si Lexi, kayo ang mag desisyon sa gagawin n'yo. Wag kang mag alala kahit boyfriend ko ang Kuya mo hindi ko sasabihin sa kanya. You know me, natataguan ako ng lihim."

"I know, kaya nga sa'yo ko 'to sinabi."

I smiled. "Thank you dahil pinagkatiwalaan mo pa din ako kahit na kagulat gulat yung kwinento mo."

He chuckled weakly. "Sorry." He seriously said.

"Para saan?"

"Kasi pinahihirapan ko kayo ni Kuya. Mahal lang kasi talaga kita at sobrang sakit sa pakiramdam na nawala na yung dati mong nararamdaman sa'kin. Hindi naman kita pwedeng sisihin kung bakit nawala yun kasi alam kong kasalanan ko yun dahil nireject kita, ngayong ako na 'tong in love sa'yo, sa iba ka naman in love ngayon."

"Siguro ganun talaga, hindi talaga tayo nakatakda sa isat isa ang panahon na mismo ang nag takda. Nainlove tayo sa mag kaibang panahon; ako noong high school tayo, ikaw.. ngayon."

"Kailan ba tatama ang panahon para sa'tin?"

"IC-"

"Alam ko imposible na dahil kay Kuya." Pagpuputol niya sa sasabihin ko. "Gaano mo ba siya kamahal?"

"Sobra.." I smiled. "Sagad hanggang universe." Naalala ko tuloy yung sa canteen kanina.

"Kita nga sa ngiti mo." Huminga siya ng malalim tsaka tumayo. "Alis na tayo, tapos ko nang ikwento yung gumugulo sa utak ko."

"Sige." Pagsangayon ko. Tingin ko kaya siya nagyaya nang umuwi para makaiwas na agad sa topic namin kaya pumayag na rin ako kung saan siya komportable. Mukhang pa unti unti naman na niyang natatangap ang about sa'min ni Damon eh. Kunting tiis o push nalang siguro at mapapatawad na niya kami ng tuluyan.

Nag simula na ulit kami sa paglalakad kung saan nakapark yung kotse ko nang tahimik lang hanggang sa makasakay o makapwesto kami sa kotse ko. Tulad kanina, passenger padin ako at siya padin magmamaneho.

Sinimulan namin ang mag byahe pauwi, yung way namin paniguradong papunta 'to sa bahay namin.

Habang on the way sa bahay narinig kong nag ring yung cellphone ko mula sa bag. Kinuha ko muna yun at sinagot ang tawag na mula kay Damon..

"Hello?" I answered it.

"Hi my love, katatapos lang ng practice. May gusto ka bang ipabili bago ako pumunta dyan?"

I smiled. "Wala, mag drive ka lang ng safe."

"Bakit parang naririnig kong nasa byahe ka pa?"

Tumingin ako sandali kay IC na nakafocus lang sa pagmamaneho. "Nag usap lang kami IC pero ngayon pauwi na kami."

"Anong pinagusapan n'yo?"

"Mamaya nalang."

"You're with him?"

"Yah, he's driving."

"Okay, I'll see you later."

"See yah." He ended the call.

--

Nearly End. 😁

King BrothersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora