-4-

0 0 0
                                    

"Ang galing mo talaga Nana!" nakangiting sumaludo sakin si Kage.

Nginitian ko naman sya.

Katatapos lang namin tumugtog ng lima pang kanta.

He calls me 'Nana'. Ang bakla lang diba?

"Ang galing nyo guys! Kain na muna kayo!" tawag ni manager.

"Una na ko manager! May dinner pa ko with Charles." paalam ko sa kanya.

"Uy diba kami pwedeng sumama? Miss ko na si pareng Charles! Hindi na kasi nakakapag-bonding ang mga gwapo eh!" At nagmamayabang na naman po si Kage. Hangin talaga neto!

"Wag ka na ngang istorbo sa date nya sa kapatid nya. Tayo na lang mag-date papa Kage!" pagkukunwaring bakla ni Phil at kumapit pa sa braso ni Kage.

Kabaklaan alert!

"O sya mga beks alis na ko!" pang-aasar ko.

Naglakad na ako papunta sa pintuan ng sabayan ako ni Vem.

"Oh? San ka pupunta?" tanong ko. Pinagbuksan nya naman ako ng pintuan.

"Hahatid ka." sabi nya ng di man lang tumingin sakin.

Isa pa to eh!

"Ha? Wag na. Dala ko naman sasakyan ko eh."

"Okey. Take care." He said and lean forward and kissed my forehead.

"Bye."

Sumakay na ako ng kotse ko at nagdrive papuntang bahay.

"I'm home!...Charles?" Nilapag ko muna ang bag sa couch and roamed my eyes.

"Ate!" napatingin agad ako sa lalaking nasa kusina.

Naka-apron sya at naglalagay ng pagkain sa mesa.

Lumapit agad ako sa kanya.

"I miss you brother!" dali-dali akong yumakap sa kanya. Tinadtad ko sya ng kiss sa pisngi.

Ang cute talaga neto!

"Ate naman!"

"Anong niluto mo baby boy?" I asked while sitting on the chair.

Tinabi na nya yung apron at umupo sa tapat ko.

"Ate hindi na ko baby ! Nineteen na kaya ako!" he said at nilagyan ako ng kanin at adobo sa plato.

Daig pa ko neto! Ang kaya ko nga lang lutuin ay mga prinito tas sya nakagawa na ng adobo.

Nagpout pa ang loko kaya kinurot ko ang cheeks nya.

"Aww! Ang cute mo!" haist. Nanggigigil ako!

"Tama na nga yan ate! Kumain ka na." At ginawa ko naman ang sinabi nya.

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan naming mag-movie marathon sa kwarto ko.

Kahit sa papanuorin nagkaasundo talaga kami. We decided to watch Phineas and Ferb.

Magkatabi na isinandal namin ang katawan namin sa ibaba ng higaan ko.

Nasa kalagitnaan kami ng panunuod at pagkain ng pop corn ng mapansin kong hindi nanunuod si Charles.

"Titig ka dyan?" sabi ko saka kinurot ang pisngi nya. Nanood na ulit ako ng palabas.

"Ate..." tawag nya.

"Hmmm?" tanong ko ngunit hindi man lang sya tinignan.

Ang cute cute talaga nila Phineas. Ang genius pa! Sigurado ba silang bata pa ang mga yan?

"Okey ka na ba talaga ate?" sa tanong nyang yun ay napatingin ako.

"Ewan? Siguro?... Hindi pa rin naman nawawala ang trauma ko sa nangyari dati. At siguro hundu na yun mawawala. Hanggang ngayon natatakot pa rin ako. Natatakot ako na baka mangyari ulit yun." hindi ko napansin na may lumandas na luha sa mata ko.

"Ate... I'm sorry." Niyakap nya ako at mas lalo akong napahagulgol. "Sorry kung wala ako sa tabi mo para ipagtanggol ka..."

Kahit ilang beses kong pilitin na kalimutan ang mga nangyari masakit pa rin pala.

"Wala kang kasalanan Charles. Nangyari na eh." pinunasn ko ang pisngi kong basang-basa na ng luha ko.

"Pano si Kuya Lou?"

The Secret of the Old BitchWhere stories live. Discover now