-1-

3 0 0
                                    

"Grabe! Ang galing talaga nun! Avril Lavigne talaga ang peg mo bes! Kamukha na kaboses pa! Favorite ko talaga dun yung 'He was everything everything that I wanted. Tenenen tenenen tentententen~" Napairap na lang ako sa kawalan ng marinig ang sintunadong boses ni Lana. Kung di ko lang talaga to kaibigan eh.

"Tama na kakagaya. Gutom na ko!" Sigaw ni Kage-ang drumer ng banda. Tumingin ako sa likod at nakita ko namang nakasunod na ang mga kabanda ko.

Nagmamadali silang pumunta sa isang restaurant na hindi masyado puntahan ng mga tao.

"Bakit nandito tayo? Ang mahal dito ah!" Tanong ni Phil-Pianist namin.

"Ano ba kayo! Libre kaya ni manager! Tsaka alam ko namang nagkukuripot na naman kayo kaya kinontsaba ko na. Ang gwapo ko diba?" Sagot ni Kage.

Tinawanan ko na lang. Wala talagang salita ang hindi hinahaluan ng kayabangan.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng makita ang isang lalaki na nakaupo sa kabilang table. Naka-bussiness attire sya at mukhang may hinihintay na ka-meeting dito. Sa ayos nya pa lang ay mukhang umasenso na nga sya. Bakit ba naman hindi? Sya ang tagapagmana ng kayamanan ng pamilya na. Ano bang nakakapagtaka do'n?

"Excuse me. Punta lang ako ng Comfort Room." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at nagmadali nang umalis.

"Shit! Shit! Shit! Tangina lang talaga! Bakit nandito sya?" Hindi ko ine-expect na ngayon at dito ko pa sya makikita. Nakaka-gago lang talaga.

Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa mata ko. Pisti naman talaga oh! Ano na namang iniiyak mo Luna?! Tatlong taon na yung nakararaan hindi ka pa rin ba nakaka-move on?!

I dried my tear-stained face at kinalma muna ang sarili ko.

I pity myself. Sya mukhang nakalimot na ako eto, still stock in the memories of past.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng C.R.

"Shit! Balak mo bang patayin ako sa kaba?! Ghad!" Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat.

"Anong ginagawa mo dito Vem?!" sya ang guitarist namin.

"Waiting for you. Tagal mo eh!" Pagsusungit nya. Pero napangiti ako ng marinig syang magtagalog. Ang slang kasi eh. Cute!

"Stop smiling." kinagat ko ang labi para matigil ang pag-ngiti.

Nagulat na lang ako ng bigla syang umakbay sakin.

"Paakbay. Nangalay yung kamay ko kaka-gitara kanina eh!" hinayaan ko na lang. Mukhang pagod na rin naman tong sungit na to.

Pagdating namin sa pwesto namin kanina ay halos mapako na ako sa kinatatayuan ko ng makitang nakatayo at nakatalikod sya samin. Masayang nakikipag-kwentuhan sa mga dati nyang kabanda.

"Ahm. Lu-Luna! Andyan ka na pala!" Maski sila Phil at Kage na laging nag-iingay ay natahimik ng mapatingin sakin.

Napatingin naman sya sakin-or sa kamay ni Vem na nakaakbay sakin?

Wow! Asa ka na naman Luna? Tanga ka talaga!

"Anyway, I have to go. Bye." He said without looking at me.

The Secret of the Old BitchWhere stories live. Discover now