Chapter 8: Close?? (Hailey and Nathan)

Start from the beginning
                                    

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan pero sabi nga nila hindi kailangan ng dahilan para mahalin o pahalagahan ang isang tao.

♪ Kung may darating man na umaga

Gusto sana kita muling marinig, marinig

Ngiti mo lang ang nakikita ko ♪

Lagi akong excited na pumasok tuwing umaga dahil makikita ko siya tapos pupunta ako sa music room dahil madalas siyang kumanta roon at yung masasaya niyang ngiti makita ko lang iyon masaya na ako.


Nate's POV

May naririnig akong kumakanta sa baba nitong punong hinihigaan ko.

Ang ganda ng boses kaya tiningnan ko at nagulat ako ng malamang si Hailey pala ito yung babaeng laging kasama ni Aya. Siya rin pala yung babaeng pinsan ni Josh. 

Nang matapos siyang kumanta ay tumalon ako pababa. Nagulat siya ng makita ako at hindi magkanda-ugaga sa pag aayos. Napangiti naman ako dahil dito. 

"A-anong ginagawa m-mo sa itaas? K-kanina ka pa ba d-doon?" utal utal na tanong niya.

"Natutulog at oo kanina pa ako doon," nakangiti kong sagot.

"E-edi narinig mo?" nag aalangang tanong niya.

"Oo at ngayon ko lang nalaman na maganda pala boses mo." Puri ko dito at napansin kong nagblush siya kaya yumuko siya para itago.

Cute. 

"Salamat."

"Para saan?"

"Kasi pinuri mo ako," nakayuko pa ring sabi niya. Ayy oo nga naman pinuri ko siya eh common sense naman. 

"Oo nga pala," sabi ko sabay kamot sa batok. Natahimik kaming dalawa at hindi alam ang gagawin.

Damn! Ngayon lang ako naging ganto sa babae.

"Uhm kumain ka na ba? Gusto mong kumain muna may binake akong brownies sa tambayan baka gusto mo?" pag tatanong ko baka kasi nagugutom siya at saka wala naman kaming susunod na klase.

"Nakakahiya naman," nahihiyang sabi niya anlayo niya ngayon sa bubbly na babaeng lagi kong nakikita tuwing kasama niya si Aya.

"Hindi tara!" sabi ko sabay hila sakanya.

Pagkapasok sa tambayan kami lang ang tao dahil sigurado na naggagala yung kambal habang nag hahanap ng maaasar si Josh, si Ash. Siguradong nasa library at si Zach inaasar non si Aya.

Pansin ko nga na lagi niyang binubuntutan siya. Tsk, tsk. Ang lakas na ng tama ng lalaking iyon at saka okay na iyon para maka move on na siya sa nakaraan. Nilabas ko yung mga brownies at nilapag sa lamesa saka ko siya pinaupo.

"Kain ka kukuha lang ako ng inumin," sabi ko sabay punta sa ref at nanguha ng juice.

Umupo ako sa tapat niya at sinabayan siyang kumain. Habang kumakain siya ay napatitig ako sakanya. Maganda siya inaamin ko napansin ko na iyon simula nung unang kita ko sakanya pero ngayon parang iba parang mas gumanda siya.

"May dumi ba sa mukha ko?" pagtatanong niya nang mapansing nakatitig ako sakanya.

Nabalik naman ako sa wisyo dahil sa sinabi niya.

"W-wala pasensya na," sabi ko.

"Hindi, okay lang." Sabi niya habang nakangiti.

"Nga pala, ang sarap ng brownies mo." Puri niya.

"Salamat."

Namayani ulit ang katahimikan sa amin.

"Uhm, mauuna na ako at salamat sa brownies nagustuhan ko, hehe." paalam niya.

"Halata nga," sabi ko naubos niya kasi yung isang plato.

"Nakakahiya naman. Bakit kasi hindi ko napigilan yung katakawan ko?" dinig kong bulong niya. Napatawa naman ako dahil doon.

"Bakit ka tumatawa?" takang tanong niya.

"Wala, wala. Halika sasabayan na kita," pag aaya ko.

"Sige."

Lumabas na kami ng tambayan at dumeretso papunta sa classroom. Tahimik lang kaming naglalakad at napansin ko na pinagbubulungan kami na siyang naging dahilan para lumayo siya ng konti.

"Huwag mo silang pansinin," bulong ko dito.

Ngiti lang ang itinugon nito at nagpatuloy kami sa paglalakad.



******

Thank you for reading!

Minwoo (boyfriend) as Nathan

Nerd to PrincessWhere stories live. Discover now