Chapter 47: "Birthday WISH" ♥

Magsimula sa umpisa
                                    

Mag papara na ko ng taxi ng may bumusina sa likuran ko. Wala sana kong balak lingunin, nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ..

“Frieeeeeeend !!!!”

 


“Mel??!” sabay lingon.

“Happy Birthday Frieeeeend !!!” nagmamadali syang bumaba sa kotse nya at patakbong lumapit sakin sabay yakap.

“Mel .. I miss you!”

 


“I Miss you more, friend .. Where’s my valentines gift?”

 


“Nasa room ko. Sorry kung hindi ko naibigay kahapon, alam mo naman …”

 


“Ano na nga palang nangyari sa date mo?!!”

 


Hindi ako agad naka sagot, basta na lang unti-unting may namuong luha sa mga mata ko ..

“Frieeeend??!! Don’t tell me?!”

 


Unti-unti na kong naiyak ..

“Dun nga tayo sa loob ng kotse mag usap .. Baka may maka kita pa satin dito at isipin inaaway kita ..”

 


Nang makapasok kami sa kotse nya ay detalyado ko ng ikinuwento sa kanya ang mga nangyari hanggang sa naging conversation namin kanina ni Jhela ..

“Friend .. I think maiintindihan ka ni Louie at Dave kung mag e-explain ka sa kanila.”

 


“Hindi ko pa sila kayang harapin. Nahihiya pa rin ako sa ginawa ko.”

 


“Ano ng balak mo? Desidido ka na talagang umuwi sa inyo?”

 


“Mas okay na rin siguro yun. Nangyari na naman yung gusto ni Lolo. Nagbago na ko, Natuto .. Besides, ayoko ng mag stay pa dun sa boarding house, dahil everytime na makikita nila ko, maaalala lang nila yung ginawa ko.”

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon