Chapter 24: "Finally, The Spoiled Brat turn into ...."

44K 771 26
                                    

Oh siya! Dahil sumaya ko ng bongga sa pagdagdag ni Aiaapotsss sa mga Fans ko .. Ipa-publish ko na tong chapter na to .. Maikli lang naman ehh .. Hehe ..

Sana magustuhan niyo :))

_________________________________________________

Agad niyang hinanap si Melissa at dinala sa kwarto. Buti na lang talaga at wala roon sila Nancy at Keila kaya makakapag usap sila.


“Bigla-bigla ka namang nanghihila, friend..”


Kinuha ni Venice ang kaliwang kamay ni Melissa at inilagay sa dibdib niya.


“Mel, ang bilis bilis.”


“Woahh!! Oo nga noh!! Ano bang nangyari??”


“Naguguluhan ako, parang hindi si Louie yung kausap ko kanina. Ibang iba..”


“Hindi naman halatang in-love ka niyan? Grabee. Dinig na dinig ko yung tibok ng puso mo.”


“Mel, anong nangyari sa kaniya? Hindi na siya kasing sungit nung dati?”


“Ayaw mo ba nun??!”


“Hindi kasi ako sanay na ganun siya, kinakabahan ako.”


“Ganyan ba talaga ma in-love ang spoiled brat? Hmm. Pero spoiled brat din pala ko, pero hindi naman ako ganyan pag na in-love nuh!?”


“Mel, anong gagawin ko?”


“Anong gagawin mo? Friend, chill .. Kalma! Baka biglang sumabog yang puso mo sa sobrang bilis? Relax ka lang, okay?”


Pina upo niya sa kama si Venice at pina hinga ito ng malalim.


“Pano na ang mga plano mo? Yung pagpapanggap mo?”


“Tingin mo ba naiisip ko pa rin yan hanggang ngayon? Halos sasabog na yung puso ko, tapos yan pa rin yung tanong mo?”


“Mabuti na yung malinaw! Pero alam mo friend, tingin ko naman hindi ka na nagpapanggap eh. Compare to the last time I saw you, you really change a lot!”

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon