Chapter 12:Midnight Tears

Start from the beginning
                                    

Sa di kalayuan ay may nakita akong nakahandusay sa lupa.Patakbo akong lumapit dito at ng makita ko iyon ito walang iba kundi si Hellaraye,may dugo ang bibig nito at may mga galos ang katawan na masasabi nating dumaan ito sa laban lalo na't nakalabas ang matutulis nitong .

"Hellaraye,gising Hellaraye"sambit ko atsaka tinapik ng mahina ang mukha nito.Ngunit hindi ito gumalaw.

Nung bubuhatin ko na ito ay may lumabas na mahigit 20 mga demonical at kasama nila ang kanilang reyna.

"Hindi ko inaasahan na dito magaganap ang ating laban sa mundo pa ng mga mortal."bungad nito sa akin saka humawi ang mga demonicals at nagbigay daan sa gitna para dun siya dumaan.

"Layuan niyo na muna kami,hindi pa nila kontrolado ang kanilang mga kapangyarihan at wala tayong magagawa kung lumabas ito ng wala sa oras."sambit ko habang hawak ang walang malay na si Hellaraye.

"Ibigay niyo nalang ang mga prinsesa sa amin para wala ng gulo"turan nito saka humakbang palapit sa amin.

"Bagay na hindi namin gagawin"cold na turan ng nasa likod kung si Airex.

"Magandang gabi apo....di ko inaasahan na magpapakita kapa sa akin"turan nito.

Si Airex ay may amang demonical at ang kaniyang ina ay isang vampirel which makes him a highbreed.

"Don't call me like that "cold nitong turan.

"Sige apo.....ngayon aalis kami para makapaghanda kayo....at pangako babalikan ko kayo"sambit nito saka sila biglang naglaho.

Napabaling naman si Airex sakin na hanggang ngayon ay karga pa rin si Hellaraye sa bisig nito.

"Heto na si Hellaraye,Airex.At bago ka umalis mag-usap tayo bukas ng gabi sa labas ng school garden may paguusapan tayo."seryosong sambit ni Kyle saka ito naglaho sa harap ni Airex.

Wala akong alam sa mga ginawa ko ngayon parang may sariling isip ang aking katawan at bibig na ginawa ng sarili ko ang mga bagay na kinatatakotan kong gawin.

Kinabukasan ng Gabi........

"What?!"naiinip na turan ni Airex habang nakapamulsa.

"Naririnig mo ba yan?"sambit ni Kyle.

"And what is that then?"cold na tanong ni Airex.

Hinawi naman ni Kyle ang bushes na humaharang sa loob ng Garden para walang makapasok.At nasilayan doon ang umiiyak na si Hailey.

"I want you to talk to her,gusto ka niya Airex at umiiyak siya ngayon dahil nasaktan siya sa nakita niyang ginawa mo kay Hellaraye"seryosong turan ni Kyle.

Walang ano-ano pa'y pumasok si Airex sa loob ng garden at lumapit kay Hailey at kinausap ito.

"What is this all about?"cold niyang turan.

Napataas naman ng ulo ang nakayukong si Hailey at nabigla ito ng makita sa tabi niya si Airex.

"A---airex"nauutal niyang turan.

Habang nasa labas ako pinanonood sila ay patuloy lang ang pagkirot ng puso ko nasasaktan ako kasi wala akong kwenta at ang bagay na ginagawa niya ngayon dapat ako ang nandun

Nag-usap sila pero Hindi ko na sila pinakinggan pa kasi nagkusa na aking umalis at puntahan na lang si Hellaraye kung okey na siya.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Hellaraye at kinakausap siya habang walang malay.

"Hellaraye ,Kailan ba ako papansinin ng kambal mo?"turan ko sa aking sarili.

Siguro nga nababaliw na ako.Hay..

Mayamaya ay nagulat ako ng dumaing siya sa sakit nataranta ako bigla dahil hindi ko lama kung bakit siya dumadaing sa sakit ni wala akong mapansin sa kaniya.

"Aahhh!!!"sigaw nito saka nagpupumiglas.

Heto naman ako nagpapanic di alam ang gagawin....

"What the.......what's happening here? "Kunot nong tanong ni ng kadadating na si Amira.

"Amira bigla nalang siyang dumaing.....ano ba ang nangyayari?"natataranta kong turan kaya lumapit si Amira kay Hellaraye atsaka nito hinawakan ang noo ni Hellaraye at gumawa ng mahika.

"Ano ba to hindi pa nga natin sila nadadala sa Almaira eh....minamalas na ang kambal"bagot na turan ni Evelina.

"May lason sa katawan niya.....a black witch's spell"turan ni Amira na aming lahat ikinabigla.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa sina Airex at Hailey....napayuko naman ako dahil dun at lumabas na ng kwarto.Pinanood ko sila mula sa labas.

"Ano?!!!,hindi....pano nangyari to sa kambal ko?akala ko ba proprotektahan niyo siya,kami!bakit nangyari to?"sambit ni Hailey saka ito na napaupo sa gilid at hinwakan nito ang ulo niya at yinakap ang tuhod nito saka inisubsob ang mukha sa pagitan ng dalawa niyang tuhod at nagsimulang umiyak.

"Airex...kung hindi natin mahanap ang antidote sa lasong ito sa loob ng sampung araw ay mamamatay si Hellaraye"turan ni Amira.

Sa mga sandaling yun ay nagsimula na akong maglakad pabalik ulit sa loob......

"Kyle.....nung makita mo si Hellaraye may nakalapit na ba sa kaniya?"tanong sa akin ni Jaycob.

"Ng matagpuan ko siya ay nakahandusay na siya sa lupa na puno ng galos ang katawan at higit sa lahat ay may dugo ito sa labi na nakalabas din ang mahahaba nitong kuko.Hindi kaya siya napalaban?"sagot ko kay Jaycob.

Lahat napatingin sa akin at napansin ko ang pag-kunot ng noo ni Airex at ang pagkuyom niya ng kaniyang Kamao.Agad itong lumabas ng walang pasabi habang umiiyak pa rin sa gilid si Hailey.

"Airex,sandali!"pagpigil ni Evelina pero hindi siya nito nilingon bagkus ito ay naglaho.

Paniguradong susugod iyon sa kaharian ng kaniyang lola at sisingilin sa ginawa sa kaniyang...... Kinagustohang babae.Tama ang inyong nabasa,may pagkagusto si Airex kay Hellaraye.Ngayon kailangan naming dalhin ang mga Prinsesa sa Almaira para lubosang maprotektaan ang mga ito at magawan ng lunas ang lasong kumalat sa katawan ni Hellaraye sa tulong ng Great Sorceress.

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now