Chapter 2

24 3 0
                                    

"What is the process of fastening or encircling **"

Yumuko ako para titigan yung desk.

Hindi ko talaga kasi maintindihan lahat ng salitang lumalabas sa bibig ni Madame Nelly.

Siya yung masungit na bruhang sa kasamaang palad ay naging teacher namin.

Seriously.

We hate her.

Head to toe.

Narinig ko yung pagbuntong hininga ni Lyra sa tabi ko habang kinakagat niya yung ballpen niya.

Kahit kelan talaga ay ang baboy nitong babaeng to, kahit ballpen gustong kainin.

"Hoy madumi yan! Kung ano ano talaga ang pinapasok mo sa bunganga mo!"

Pinalo siya sa braso ni Fibi.

"Hayaan mo na, gutom yung tao", bagot naman na sambit ni Ysa.

"Mahirap na baka magwala yung baboy damo", pasunod ni Ella.

"Malapa ka pa niyan", dagdag pa ni Apple.

"Tumahimik nga kayo! Kitang bad trip ako eh!".sigaw ni Lyra bago isinuot yung earphones niya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko pero tumawa talaga ako ng napakalakas.

Inirapan ako ng lahat ng tao sa classroom.

"Ang OA mo talaga Alexine, super! Mas lalo kang faflat niyan eh".

"Itawa mo pa, wala ka ng ipapasuso sa magiging anak mo niyan eh".

Seriously? Anong konek ng pagkaflat ko sa pagka OA ko?

"Whatever!"

"Hah! Bahala ka! Nagsasayang ka lang ng bra, ang mahal pa naman ng bili ng mommy mo diyan!"

Inirapan ko si Fibi.

"Argh! Kainis kang bakla ka!"

Hinawakan ko yung mukha niya bago nag acting na parang natusok.

"Aray! Aww! Nakakasugat yang mukha mo!"

"OA girl!"

Bago ko pa siya masagot ay may biglang pumasok sa classroom namin.

Nagslow motion yung pag ikot ng ulo ko para masilayan yung mukha nung taong pumasok.

At.

Asdfghjkl!

Shit!

Hu is dat!

Ang pogi.

Siya yung kahapon, yung tumulong sa akin.

"I'll be your new classmate, Javen Lacsamana."

Agad siyang dumeretso sa upuan sa pagitan namin ni Ysa.

Yung upuan sa likod ni Fibi at ni Lyra.

Agad na namagnet yung mata ko sa kanya.

Ang pogi!

"Hi"

Maghehello sana ako pero narealize ko na naghi siya kay Ysa.

"Hello your face", bagot nitong sagot bago natulog ulit.

"Ang sungit naman", narinig kong bulong nito bago magtama yung mata namin.

Ah!

Omg!

Dafak!

Nginitian niya lang ako bago tumingin sa harapan.

Pero.

Nginitian niya ako!

Asdfghjklzxcvbnm!

Ang OA ko na naman.

Tandaan, kay Ysa siya naghi hindi sa akin.

Aw, nakakahurt.

Anong natripan niya para maghi sa baby Ysa ko?

Crush niyan si Gian eh, basta yung guwapong lalaking mukhang  may crush din sa kanya.

Basta ewan.

Sana sa akin nalang siya nag hi, para may nakuha siyang response.

Nagulat nalang ako bigla nang may kumalabit sa akin.

Agad namang nahysterical ang buong sistema ko nang maisip na si Javen ang kumalabit sa akin.

"B-bakit?"

Pinigilan kong hindi mabulol pero trinaydor ako ng sarili kong dila.

"Anong pangalan niya?"

Hindi agad ako nakasagot.

"Sino?"

"Siya oh", tinuro niya yung natutulog na si Ysa.

"Bakit siya?"

"Tinatanong ko kung anong pangalan niya".

Bakit siya ang napapansin mo? Kainis ka din ah.

"Siya si Ysa Sandoval, wag mo ng kulitin baka masapak ka niyan".

Buong klase ay hindi ako lumingon kay Javen.

Joke lang.

Buong klase ay nakatitig lang ako at nagnanakaw ng sulyap kahit masakit sa feelings na hindi niya pa tinanong ang pangalan ko.

Perks Of Being A Watch GirlWhere stories live. Discover now