"(Natatawa ako) bakit ka kumakanta kanina ng happy birthday? " biro ko sa kanya

"Ah..tinawagan ko kasi yung crush ko dahil birthday niya nga pala. Binati ko lang :)"

"Crush??" Sagot ko ng paiwas sa mga mata niya.

"nagseselos ka Minah? Tanong niya sakin ng seryosong seryoso na nakatitig sakin..

"ASA ka naman Yeshua! Haha" sabay suntok sa tiyan niya..

"Auch. Haha joke lang. Naghugas lang ako ng kamay"

"Bakit may happy birthday? Joker ka talaga"

"alam mo ba yung commercial sa safeguard??

3 times kong kinanta yung happy birthday yun yung proper e..haha"

"Adik ka talaga Yeshua! Tara na nga kumain!"

Mabuti nalang wala si kuya Herwin sa bahay,

malaking gulo pag nandito siya sa ngayon sigurado..

Sinigang ang ulam,

specialty ni mommy..

Nakaupo na kaming tatlo sa lamesa at kukuha nako sana ng pagkain ng biglang pinigilan ako ni Yeshua.

"Teka teka...di pa tayo nakakapagpray"

Nagkatitigan kami ni mommy..

"Oo nga pala" sagot ko ng medyo pahiya pero ok lang.

Then sabay sabay kaming nagpray..

"Bless us o Lord...................."

Pagkatapos namin magdasal.

"Salamat po a.. masaya ko at nakasabay ko kayo magdasal :)" sabi ni Yeshua ng nakangiti..lagi naman e!

Napangiti nalang din kami ni mommy at may pahabol pa na sinabi si Yeshua.

"Diba nga po may kasasabihang..the family that prays together, stays together :)"

Then nagsimula na kaming kumain.

"Mmmmmm yummy!! Kayo po ba ang nagluto nito tita?? Sarap ah.." sabi ni Yeshua kay mommy..

Napangiti si mommy sa sinabi ni Yeshua at sinabing..

"ako nga iho..sige kain kalang ng kain ah."

"Sa totoo lang po favorite ko din po talaga tong sinigang e..ano nga po pala pangalan niyo po tita?"

"Tawagin mo nalang akong Yeye."

"Yeye, mmm magandang nickname po yan ah!. Opo nice to know you mama Yeye" sabi ni Yeshua sabay ngiting wagas...

adik talaga to.

Pero kahit baliwin tong Yeshua na to masaya talaga kasama :)

Napangiti nalang si mama sa kaadikan ni Yeshua at sinabing..

"Salamat sa paghatid mo sa baby ko ah.."

Napangiti si Yeshua sa sinabi ni mama kaya medyo namula ako.

"Mommy naman e!! Di na po ko baby..tawa ka pa diyan Yeshua!" Sabi ko ng naiirita.

"Hehe ok lang po yun,

basta po para kay Minah.

Nandito lang ako.. 

Kahit araw araw ko pa po siya ihatid mas masaya po yun :)"

Ang saya namin ng mga oras na yun parang boyfriend ko na si Yeshua na dinala ko sa bahay..

kaso..

"parang" lang...

Hanggang sa natapos na kaming kumain.

"Maraming salamat po sa napakasarap na sinigang niyo po mama Yeye. :)

kung pwede nga lang po ang sarap sigurong matikman lahat ng mga luto niyo" sabi ni Yeshua kay mama ng nakangiti as usual.

"Haha salamat Iho.. wag ka magalala pag nagbaon ang baby ko papadalhan din kita"

" :) salamat po ulit..uuwi na po ko gabi na din po kasi baka nagaalala na po si daddy"

"Sige iho magiingat, Hereminah samahan mo na siya hanggang labas" sagot ni mommy

Lumabas na kaming dalawa ng bahay ni Yeshua at nagbiro ako..

"Grabe ka lang makapag "po" kanina ah :) ang galang"

"Syempre ako pa!

 BABY!!" Asar niya sakin.

"ASA KA!! Di nako baby"

" joke lang ang taray neto o..so ano? Alis nako a"

Napatigil kaming dalawa saglit na parang ayaw namin magkahiwalay.

"Goodbye kiss ko?" Biro na naman ni Yeshua.

Sinuntok ko siya sa tiyan dahil sa kaadikan niya.. :)

"Joke lang..sige bye na Minah. Goodnyt! Ingat ka a"

"Goodnyt din! Mas magingat ka. Adik ka talaga haha text mo ko pag nakauwi kana a"

"Oo naman! Kelan b kita nakalimutang itext? Sige na bye bye"

Kumaway nalang ako at sinabing...

"Ingat"

Hanggang sa tuluyan na ngang nakaalis si Yeshua.

Pagkapasok ko sa bahay nakita ko si mama na nakangiti sakin.

"Mabait na bata yang kaibigan mo na yan a" sabi ni mommy sakin.

"opo nga e. Sobra! Kaso may katopakan din po talaga minsan :)"

"Alam mo anak kung magkaka boyfriend ka lang..di ako tututol kung katulad ni Yeshua,

o si Yeshua na mismo" sabi ni mama ng seryoso.

Napangiti nalang ako ng sobra sa sinabi ni mama.. at sinabi ko sa sarili kong..

"Kahit po ako....

siya din ang pinapangarap ko"

~ckbq

Writer's note: Sana po nagugustuhan niyo yung daloy ng kwento :) salamat sa masisipag magbasa diyan!! I LOVE YOU! 

LIBRE po comment, like and vote tnx :)

Were Not A, Were Meant to B (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα