Chapter 14

947 26 13
                                    

Were not A, Were Meant to B 

(Me + mama + Yeshua = very happy!!) 

~Hereminah POV

Unti unti ng umaatras paalis si Yeshua habang kumakaway ng paalam..

Bago pa makalayo si Yeshua biglang lumabas si mama sa may pintuan namin.

"Hereminah sino yung kasabay mo??" 

Sabi niya ng hindi galit,

tama lang.

Nakakapagtaka nga.

"Kaibigan ko po mommy,

hinatid niya lang po ako dahil di dumating yung service." Sagot ko naman ng medyo natatakot.

"Tawagin mo siya dali!!" Sabi ni mama ng nagmamadali..

"Ba-ba bakit po....opo saglit lang"sabi ko ng kabang kaba sa pwede mangyari at tumakbo kagad ako para tawagin si Yeshua..

"Yeshua!!!!"

Pagkalingon ni Yeshua tinawag ko siya at pinalapit samin.

"Mommy,

si Yeshua nga po pala kaibigan ko" sabi ko kay mama na talagang nakakakaba kasi di ko alam kung galit ba siya o ano...haaaayy

"Haii tita" sabi naman ni Yeshua ng nakangiti.

Makatita naman tong Yeshua na to..

adik talaga.

Sumagot si mommy.

"Nanliligaw ka ba sa kanya iho?"

" :), ako po?? Hindi po hindi po..

inihatid ko lang po siya kasi gabi na po nung nakita ko siya sa may bandang school..

naisip ko lang po na delikado umuwi mag isa lalo na pag gabi na po..

kaya naisipan ko po siya samahan pauwi dito"

Nagulat ako bigla sa sinabi ni mommy.

"Nakakain kana ba iho?? Sumabay kana samin."

Napatingin talaga ako kay mommy dahil sa sinabi niya at laking gulat ko ng makita ko siyang nakangiti!!

Nagkatinginan lang kami saglit ni Yeshua..

siguro nahihiya to

"Tara Yeshua" sabi ko sa kanya.

"P-p-pero... nahihiya ako"

"Ako naman ang babawi sayo :) tara na! "

Hanggang sa pumasok na si Yeshua sa bahay at nagtanong..

"Nasaan yung CR niyo Minah??"

"Haha, bakit natatae kana ba?" Biro ko sa kanya

"Hindi hindi!, may gagawin lang"

"Joke lang haha. doon yung CR (tinuro ko) samahan na kita"

Pagdating namin sa tapat ng CR.

"Sige antayin nalang kita dito" sabi ko kay Yeshua.

"Salamat salamat" sagot niya habang papasok ng CR..

Maya maya narinig ko siyang nakanta! 

Nagtataka ako kaya pinakinggan ko ng maayos.

HAPPY BIRTHDAY!!! ang kinakanta niya! Bakit kaya?..

medyo natawa nalang ako..haha

Maya maya lumabas na si Yeshua.

Were Not A, Were Meant to B (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن