Ikaw Pa Rin

134 5 0
                                    

#A4Day21 : Sa Huling Sandali 

Kabiguan. Pagkamulat. Pagbangon.

Ilang beses ko na bang naranasan ang lahat ng ito? Hindi ko na maalala kung kailan at saan. Hindi ko na mabilang ang mga pagkakataon. Paulit ulit na tila isang sirang plaka. Naglalakbay sa walang katapusang daanan. Pilit ko man na ituon ang aking pansin sa iba ay bumabalik padin ako sa kung saan nagsimula ang lahat.

Ang dating malambing na tinig ay tila napuno ng galit. Ang dating masayang awitin ay napalitan ng malungkot na mga titik. Ang dating magandang panaginip ay naging isang bangungot. Ang dating matitingkad na kulay ay naging malamlam. Kahindik hindik. Sa paglipas ng panahon. Ngunit tila walang katapusan.

Nagising ako mula sa isang napaka himbing na pagtulog. Nakaramdam ako ng pagod. Napansin ko na may umagos na mga luha mula sa aking mga mata. Nang idilat ko 'yun ay may nakita akong liwanag. Nakakasilaw sa mga mata. Nakita ko ang aking kanang kamay na may naka kabit na suwero. Nasa loob pala ako ng ospital.

"Maine, okay ka lang? Salamat naman at gising ka na," may narinig siyang boses ng isang babae. Tila pamilyar sa pandinig niya.

"N-nay...?", sabi ko sabay bangon ngunit bumagsak ulit ako sa higaan.

"Wag ka munang bumangon. Mahina ka pa. Just lay down, sweetheart."

May naramdaman akong kirot sa aking ulo. Nalilito ako kung bakit ako nasa loob ng ospital.

"Ma...ano po bang nangyari? Bakit po ako nasa ospital?"

"Wala ka bang maalala, anak?"

"Wala po...masakit po ang ulo ko."

"Naaksidente ka. Kasama mo si RJ nang mangyari 'yun..."

"R-RJ? Sino pong RJ, Ma?"

RJ. Unang beses ko pa lang narinig ang pangalan niya. Kasama ko daw siya nang mangyari ang aksidente. Pero wala talaga akong maalala. Ipinikit ko ang aking mga mata. Nagbabakasakali ako na bumalik ang aking memorya. Ngunit bagkus ay nabigo ako. Mas lalong sumakit ang aking ulo.

"Doc, bakit wala pong maalala ang aking anak?"

"Marahil ay isa itong epekto ng aksidente. Temporary amnesia. Wag po kayong mag alala, Mrs. Mendoza. Basta wag lang po nating pipilitin si Maine. Para po hindi ma pwersa ang utak niya. Let's give her more time."

"Yes, Doc. We will. Maraming salamat po."

RJ. RJ. RJ. RJ. RJ.

Ilang ulit kong sinasambit ang pangalan niya. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko siya maalala. Hindi ko napansin na ako na pala ay lumuluha. Bigla akong nakaramdam ng labis na kalungkutan. Nagsimula sa isang hikbi ngunit nang lumaon ay naging paghihinagpis.

Lumipas ang isang taon. Maayos na ang lahat. Sa makalipas na buwan ay unti-unti nilang pinaalala sa akin kung sino si RJ sa buhay ko. Dahan dahan na bumalik ang aking mga alaala sa kanya. Namulat ako sa katotohanan.

"RJ, what do you think? Okay lang ba na yellow ang magiging motif ng wedding natin?"

"Yellow ba ang gusto mo? Pwede na. Whatever you say, my love."

"Ang sweet naman ng love ko. Talaga ba?"

"Yes. Pero I'm not spoiling you. Wag kang abuso, okay?"

"Hala! Grabe siya. Hindi naman."

"Halika nga dito.", sabi ni RJ sabay hapit sa bewang ni Maine. Hinawi niya ang kanyang nagulong buhok. Hinaplos ang kanyang pisngi. Tinitigan ang kanyang maamong mukha. Hanggang napunta ang kanyang pansin sa mga labi nito.

"Are you ready to marry me?", tanong ni Maine kay RJ. Magkalapit ang kanilang mga mukha. Naamoy na nila ang kanilang mga hininga.

"Yes. I am more than ready, my love.", sagot nito sa kanya. Unti unting nagkalapit ang kanilang mga labi. Nagsimula sa isang matamis na halik. Naglaon ito ay naging marubdob. Nag aapoy ang bawat isa sa tawag ng kanilang laman. Naglakbay ang kanilang mga kamay sa katawan ng bawat isa.

Sa bawat araw ay bumabalik ang mga alaala ng nakaraan. Akala ko ay isa lang masamang panaginip ang lahat. Ngunit ang lahat pala ay katotohanan. Pilit ko mang takasan ang lahat ngunit nakakulong ako sa isang piitan. Wala akong lakas ng loob upang tanggalin ang mga kadena. Patuloy akong tinatangay ng agos. Nakatitig sa kawalan. 

Isang maulang umaga. Hindi ko maintindihan kung bakit natatakot ako sa ulan. Dati naman ay masaya ako kapag umuulan. Pero nagbago ang lahat sa isang iglap. Nakaramdam ako ng labis na pananakit ng ulo. Tila ba biglang umikot ang aking paligid. Nasa loob ako ng aking silid. Mag-isa lang ako ng mga oras na 'yun. Bumalik ang alaala ng araw na kami ay na aksidente.

"Love, okay na ba ng lahat for the wedding?", tanong ni RJ kay Maine.

"Yes. Everything is ready."

"Sa tingin mo ba uulan sa araw ng kasal natin?"

"Hmmm...bakit? Gusto mo ba?"

"Palagi kasing umuulan these days eh. Gaya ngayon oh. Ang lakas ng ulan. Ang traffic pa."

"Masaya kaya kapag umuulan. Remember? Umuulan kaya 'nung una tayong magkita..."

"Oo nga noh?"

"Mukhang blessing talaga ang ulan para sa atin..."

"Sus! Sinasabi mo lang 'yan kasi Pluviophile ka..."

"Hala! Nagsalita siya oh. Sabi mo, you're a pluviophile in some ways?"

Nagtawanan kaming dalawa. Pinaandar niya ulit ang kotse. Napakalakas ng buhos ng ulan. Mahirap makita ang daraanan. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi na gumana ang preno ng aming sasakyan. Bumangga kami sa poste ng kuryente. Naging itim ang paligid.

Halos malugmok ako sa aking kinauupuan. Ang lalaking aking minamahal ay wala na. Noong una ay ayokong paniwalaan. Pilit kong pinaniwala ang aking sarili na hindi totoo ang lahat. Sabi ko, baka nasa ibang bansa lang si RJ. Babalik siya. Naghintay ako.

Ngunit lumipas ang napakahabang panahon ay hindi na siya bumalik. Sa aking paghihintay ay hindi ko na namalayan na unti unti ng nilalamon ng katandaan ang aking katawan. Maraming nagbago sa paglipas ng panahon. Pero ang pagmamahal ko para kay RJ ay kailanman hindi nagbago.

Namuhay akong mag-isa. Sinarado ko ang aking puso laban sa pagmamahal ng iba. Ikinulong ko ang aking sarili sa labis na kalungkutan. Tila ba namatay din ang puso ko nang mawala siya.

Makalipas ang tatlumpo't limang taon...

Nasa harap ako ng puntod ni RJ. Wala na akong luha na mailuluha pa. Pagod na ako sa kakaiyak. Pagod na ang aking katawan sa pakikipaglaban sa aking sariling kalungkutan. Marahil...ito na ang katapusan ng aking paghihirap.

Ngunit ang katapusan ay senyales ng bagong isang bagong simula...

"RJ, malapit na kitang makasamang muli. Hindi na tayo magkakalayo. You know...if I will be given a chance to live this life again, I would still go back to the first day that I met you."

Humiga ako sa damuhan na nasa tabi ng kanyang puntod. Naramdaman ko ang malamig na hangin sa aking buong katawan. Nakita ko ang sikat ng araw. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mga mata; ang hudyat ng aking paglalakbay patungo sa piling niya.

AMACon 4: Serendipitous (30 DAYS CHALLENGE) [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant