Kabanata 1

1.8K 18 0
                                        

    "Sir, ito na po yung mga papeles na pinapakuha niyo sakin." ani ng personal secretary ni Lothair nang pumasok ito sa opisina at inilapag ang mga kinakailangan niyang papeles.

Hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni Lothair at patuloy niyang binabasa ang mga dokumento na nasa kamay niya. Ngunit sa gilid ng kanyang mga mata, sinusuri na niya ang bagong sekretarya sa unang araw ng trabaho nito. Na-sesante kase noong isang araw yung dati niyang sekretarya.

Kung tutu-usin, hindi naman talaga kailangan ni Lothair ng personal na sekretarya because he's prefectly capable on his own. Pero pinilit siya ng mga magulang niyang kumuha pa'rin upang di raw siya mahirapan.

Mahirapan. Sarkastikong isip niya sa sarili. Kailan may walang trabaho, maliit man o malaki na hindi niya kayang tapusin o kaya lampasan. He had been the President and CEO of Costa Allegre Group of Companies for five years now. Pagkatapos ibigay ng papa niya sa kaniya ang titulo ng pamamahala ng companya, siya na ang naging puno't dulo ng pag-unlad nito. And to say that he needs help from a goddamned secretary? Tatawanan niya lang sana ang mere notion na ito if it weren't for his parents. Mayroon naman siyang mga inaasahang empleyado na matagal nang nagtatrabaho sa kompanya nila simula pa noong ama pa niya ang namamahala at mas kampante siyang mas madali nilang magagawa ang mga inuutos niya kesa sa baguhang sekretarya.

"Miss Dominggo, isn't it?" tanong ni Lothair sa babae.

"Yes, sir."

"Miss Dominggo..." wika niya nang di parin tumitingin. "Your skirt. Don't you think it's too short?" tiningnan na niya ito, straight-faced. "If you'd like to know, my last secretary had been fired for the same thing. Di ko lang talaga alam kung coincidence o tinangka talaga niyong mga babae ang magsuot ng ganyan."

Of course he knew. Alam niya ang balak ng mga babaeng katulad ng nasa harap niya ngayon. He'd been a victim of their not-so-subtle tactics of seduction. Pagsusuot ng ma-iikling damit, pagpapakit ng mga bagay na dapat itinatago. Pero sa dismaya ng mga gaga, kahit isa hindi man lang pinatulan ni Lothair. His image as one of the exclusive bachelors (aside from his brothers) will eventually go downhill if he ever involve himself on such fuss. Di naman siya nanga-ngailangan ng babae sa buhay niya. For all he knows, pera lang at katanyagan ang habol nila sa kanya. He has his family and the company, and that was enough.

Nakita niyang namula ang mukha ng babae, at na-uutal nitong sinabi, "A-ah okay po s-sir. Pasensya na po." at dali-dali itong lumabas sa opisina niya.

Napairap siya. Mga babae nga naman.

"Kuya!" Rinig ni Lothair ang pag-sigaw ng pamilyar na boses ng bunso niyang kapatid na si Max, at isa-isang pumasok sa opisina niya ang tatlo niyang nakababatang kapatid.

"Don't you guys know how to knock?" iritado niyang sabi.

"We don't need to knock, kuya." saad ng kapatid niyang si Zeke.

"May trabaho ako. Nakikita niyo naman, diba? All you guys ever do is annoy me."

"Si Zeke lang yung annoying, kuya."

"Isa ka pa, Max." banta niya sa isa niyang kapatid. "Ano bang ginagawa niyo rito?"

"Si Zeke naman talaga ang nagpumilit na pumunta kami rito." sabi ng isa pa niyang kapatid na si Leigh, na paupo sa couch.

"Ano namang kalokohan 'to, ha? Aren't you supposed to be gallivanting right now? Partying and such?"

"It's still too early to party, kuya."

"So, plano niyong dito manggulo? Alam niyo namang wala akong oras sa mga pakulo niyo. I have work to do."

"Palagi ka na lang trabaho, trabaho, trabaho." pinandilatang sabi ni Max.

Rivals (Tagalog Version)Where stories live. Discover now