Chapter 7

13.7K 351 37
                                    

"Okay na ba to?" Tanong saakin ni Ryle habang pinapakita nya ang hugis puso na ginawa nya gamit ang cartolina. Naka sabit ito sa kulay puting yarn.

Dedication ang booth na napili naming gawin. Halos tatlong linggo na ang naka lipas simula ng umpisahan namin ang mga dapat gawin. Sa loob ng tatlong linggo si Ryle at Zeus ang lagi kong kasama. Tatlong linggo ko na rin palang iniiwas iwasan si Zeus.

Di ko namalayan bukas na pala ang event sa university.

"Oo" naka ngiting sagot ko.

Si Ryle ang nagdidikit sa Yarn sa mga puso na natatapos ni Zeus. Ako naman ang nag dedesign sa room na gagamitin namin pati ang mga speaker at mic.

"Pati ba tong kahon bibigyan natin ng heart?" Tanong pa ulit ni Ryle.

"Oo. Mas maganda siguro kung puso lahat ang makikita nila pagpasok nila dito." Suggestion ko pa. Sumang ayon naman ito.

"Break muna. Nagugutom na ako" reklamo ni Ryle.

Napalingon ako kay Zeus na seryoso pa rin sa pag gugupit ng mga hugis puso.

Sa loob ng tatlong linggo naging normal ang lahat. Wala nang nambubully saakin at nag lalagay ng kung ano ano sa locker ko.

"Sige. Ako na ang bibili"

Umiling si Ryle, binitawan nya ang yarn na hawak nya.

"Ako na. Stay here. Zeus help sahara to put the hearts in the wall and ceilings"

"Okay" maikling sagot nito.

Nailang ako bigla. Ayokong maiwan dito kasama sya. Pakiramdam ko hindi ako maka kilos ng maayos.

"What do you want?"

"Chuckie nalang yung saakin." Nahihiyang wika ko.

"Copy. How about you Zeus?"

"C2" maikling sagot nya.

"Okay"

Pagka alis na alis ni Ryle nailang na akong kumilos. Hindi dapat ako naiwan dito.

"Can you put all this without my help?"

"A-h. Oo. Iwan mo nalang dyan kung may pupuntahan ka"

Parang wala syang narinig, naglakad sya papunta sa kinaroroonan ko.

"Where will I put this?"

Act normal sahara. Breath in breath out.

"Dyan" itinuro ang kisame.

Umakyat sya sa hagdan na ginagamit namin at nag simulang isabit ang mga nagawa namin.

"Dun" turo ko pa.

Halos naisabit na nya lahat isa nalang ang natitira.

Habang umaakyat sya sa hagdan at nagsasabit ng mga puso. Inaayos ko naman ang box na gagamitin para sa paghuhulugan nila ng mga dedication nila para sa taong gusto nila, mahal nila basta sa mga taong gusto nilang bigyan ng dedication. Pero mananatiling secret ang mga pangalan ng magsusulat.

Nanlaki ang mga mata ko dahil bigla nalang natumba ang hadgan na gamit ni Zeus.

"ZEUS!"

Bumagsak ito sa mga malalaking kahon na naka kalat.

"Hala. Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko.

Hinawakan ko ang mga kamay nito dahil baka may nabali.

"Zeus ano ba!" Niyugyog ko sya dahil ayaw nyang ibukas ang mga mata nya.

"Zeus!" Maiiyak na ako

"Hey stop. Nahihilo ako"

Taming The Cold HeartedKde žijí příběhy. Začni objevovat