Chapter 6

13.4K 351 7
                                    

Pagmulat ko ng aking mga mata tumambad saakin ang puting kisame.
Napahawak ako sa aking dibdib. Nahihirapan pa rin akong huminga.

Inilibot ko ang aking paningin dahil may gusto akong makita.

Nalungkot ako dahil wala sya. Oo nga naman. Aasa kapa ba Sahara?

"Anak"

Napalingon ako kay mama puno ng pag aalala ang mukha nito.

"Why did you eat shrimp? Alam mo naman na masama sa kalusugan mo iyon" sermon ni mama saakin.

"Sorry ma" mahinang bulong ko.

Buti nalang ay dumating ang doctor kaya hindi na ako pinagalitan ni mama.

"You should be extra careful next time Iha." Payo ng doctor saakin.

I nod my head.

"Don't forget to drink your medicine too." Paalala pa ng doctor.

Napatingin ako sa aking sarili sa salamin, puno ng pantal ang leeg at mukha ko. Pati ang aking mga kamay.

"I'll get your medicine"

Paglabas na paglabas ni mama si Kuya Ezikiel naman ang dumating. Bakas din sa mukha nito ang pag aalala.

"I heard what happend. Are you feeling better now?" nag aalalang tanong nya.

Ngumiti ako "Oo kuya"

Hinampas nya ng mahina ang balikat ko.

"Anong pumasok sa kokote mo bakit kumain ka ng shrimp? Alam mo naman na Allergy ka don. Sobrang nag-alala si daddy sayo."

Kay papa ko lang din na mana ang ganito. Maging sya kasi ay allergy sa hipon.

"Sorry na kuya" naka ngusong tugon ko.

"Pasalamat ka mahal kita"

"Thank you kuya" pamimilosopo ko. Pinanlakihan nya ako ng mga mata.

"Joke lang kuya!" Natatawang sambit ko.

Pagdating ng hapon umuwi rin ako sa bahay. Kailangan ko lang ng konting pahinga para mawala ang paninikip ng aking dibdib at ang mga pantal.

Nadatnan ko si Zayne sa bahay pag ka uwi. May dala itong prutas. Alam nya talaga ang paborito ko.

"Suhol ba to?" Natatawang biro ko

Sinalubong nya ako ng mahipit na yakap.

"Im so sorry Sahara. Hindi ko alam na mangyayari to. Dont worry sinabi ko na kay mommy ang lahat"

"Hah? What did you say?" Nag papanic na tanong ko.

Iniwan kaming dalawa ni kuya sa sala.

"It was kuya Zeus fault! I know that!"

Umiling ako at humawak sa kamay nya.

"No, hindi naman nya kasalanan ang nangyari. Don't blame him. He's not aware na may allergy ako" pagdedepensa ko.

Di natinag si Zayne, inis na inis pa rin ang mukha nito. Hindi ko din naman sya masisisi.

"Wag mo na syang ipagtangol" inis na sambit nya.

Napa buntong hininga nalang ako dahil sa kakulitan nya.

Umalis din agad si Zayne may lakad pa daw kasi ito. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para maka pag pahinga.
Napalingon ako sa may bintana ng aking kwarto. Bukas ang bintana ni Zeus. Di ko ba nasabi sainyo na mag ka tapat ang kwarto namin ni Zeus.

Sinadya ko ito para makita sya araw araw pero madalang lang itong mag bukas ng bintana kaya nagtataka ako kung bakit naka bukas ang bintana nya.

Ganon na ba talaga nya ako kinasusuklaman to the point na muntik na akong mamatay.

Taming The Cold HeartedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora