Yessa One
Fairytales do exist in reality. It is just needs people to do that.
Yessa Condrid
***
Ako si Yessa Condrid, a 21 years old single and fourth year college student but not ready to mingle. Pero pagmapilit ka gogora ako.
Ang landi lang ng mapilit. Charot-charot lang! Ano sila hello? Hindi ko pa right time magkaroon ng mingle-mingle na yan. Sa ngayon pag-aaral ang priority ko. Aral muna bago landi 'te. Ganern!
Pero haaaays... Kailan kaya darating ang lalaking bibighag sa puso kong nag-iisa at nangungulila ng pagmamahal? Baka siguro na-traffic lang 'yun sa edsa at na-stuck doon sandali.
Paano kung forever na 'yun nastuck doon? Hays... ano ba! Sabi nga ng iba walang forever, diba? Hayaan na nga muna natin siya, dahil alam ko naman na kung para siya sa akin, para talaga siya sa akin. Kusa siyang ibibigay ni Lord sa akin sa tamang panahon.
It's too cringe and cliché but yes I do believe in God's perfect time.
"Hoooy! Yessa! Earth to Yessa. Yuhoooo." Takteng pating na ito, kitang nagde-daydream ako rito eh. Di ko muna pinansin at ipinagpatuloy ang pagde-daydream ko habang nagdu-drawing ng kahit na ano. Alam kong imposibleng gawin pareho pero, opo kaya kong gawin ng sabay ang pagdu-drawing at pagde-daydream.
"HOY! YESSA!"
"Ay palakang panget!" napasigaw ako dahil sa pagsigaw ng isang lalaking asungot sa tainga ko.
"Palakang panget ka diyan. Sa gwapo kong ito, panget to ha! Panget?!" sabi niya habang tinuturo pa ang kanyang pagmumukha.
"Oo na gwapo ka na." sabi ko na lang para matapos na ang usap atsaka ko pwersahang itinulak ang kanyang mukha.
"Isang Crisostomo Emman Bartolome, ipinanganak sa West Hos-" natigil ang pagsasalita niya dahil tinakpan ko ang kanyang bibig. Kapag hindi mo kasi pinatigil malamang sa malamang hahaba na naman ang usapan. Teka, may atraso pa ito sa akin ah. Agad ko siyang pinanlisikan ng aking mga mata na habang nakatakip pa rin ang kaliwa kong kamay sa kanyang bibig.
"Bakit mo ako sinigawan sa tainga ha?! Sigaw ko sa kanya at sinadya kong itulak siya gamit ang kamay ko na nasa kanyang bibig dahilan ng nasubsob siya sa kanyang mesa. Agad naman niyang inangat ang kanyang ulo sabay tingin sa akin ng masama kaya pinanglakihan ko siya ng mata kaya agad siyang bumungisngis nang ngiti.
"Relax. Kalma, Sasa." sabi niya habang nakaayos ang kanyang kamay nang stop sign. Tawag niya kasi sa akin ay Sasa. Childhood bestfriend ko si Cris at kung inaakala ninyo na may gusto ako sa kanya o may gusto siya sa akin ay nagkakamali kayo. Hindi malateleserye o malapelikula na may pag-iibigang naganap ang aming pagkakaibigan. Siguro karahasan meron pa; kulang na lang patayin ko ito sa sobrang asungot nito sa buhay ko.
Napansin ko na agad ding nawala ang bungisngis niyang ngiti at napalitan ito ng poker face.
"Sasa..." mahinahon niyang sabi ng aking pangalan. "Para sa iyo rin naman ang aking ginagawa. Sige nga, tignan mo ang iyong kapaligiran." Dugtong niyang sabi. Ako naman ay napatingin sa paligid at nagmukhang uto-uto dahil sa pagsunod ko sa kanyang sinabi. Ibinalik ko ang tingin sa kanya ng may halong pagtataka na may pagkunot ng noo dahil hindi ko makuha ang kanyang ipinupunto.
"Hays." Daing niya na may halong pagkadismaya. "Ano ka ba Sasa! Kanina lang nasa harapan natin ang Professor natin at ang ating mga kaklase na kanina'y nakaupo lang sa mga bakanteng silya ngayon." Dugtong nitong sabi. Saglit ko siyang tinitigan atsaka na ko nag-ayos ng aking mga gamit at isa-isa kong ipinasok sa aking bag.
Takte naman! Nahuli na naman niya akong nagde-daydream. Nakakabagot kasi ang last subject namin tuwing umaga kaya wala akong magawa at mag-drawing habang nagde-daydream. Sino ba namang hindi mababagot puro lang siya salita kahit na walang nakikinig sa kanya at never naman kasi siyang nagtanong din sa amin about sa kanyang mga lectures. Hays... pero kailangan namin magtiis sa professor na 'yun sapagkat last term nalang namin at ga-graduate na kami.
May bigla akong naalala kaya agad akong tumingin kay Cris at ngumiti habang nagpapacute.
"Hindi mo ako madadala nang pagpapacute mo akin Sasa." Sabi niya sa akin habang nagliligpit din ng kanyang mga gamit.
"Tara na Sasa. Lilibre mo na ako ng lunch." Dagdag na sabi niya sabay tayo at nagsimulang ng lumakad papalabas ng silid na ito. Tumayo nalang ako dahil wala naman akong choice at sumunod nalang kay Cris papuntang Cafetria. Habang binabagtas namin ang daan papuntang Cafeteria napaisip ako na hindi na talaga maganda ang pagde-daydream ko o ang minsang pagkatulala ko.
"Hays." Naiinis kong usal.
Bakit ba kasi kami umabot sa puntong ito? Aish! Ako rin naman kasi ang may dahilan kung bakit. Umabot kasi sa point na tatawid kami sa daan at nagkataong Green Light kaya steady muna kami. Hindi ko namalayan na nakatulala na ako, tapos akala ko matagal na akong nakatulala at iniwan na naman ako ng asungot na si Cris kaya dali-dali akong tumawid. Pahintong napapikit ako bigla at may naramdamang malakas na hangin na dumaan sa aking harapan. Atsaka ko naramdaman na may kamay na nakawak sa aking braso. Si Cris pala. Hinila niya pala ako palapit sa kanya dahil Green Light pa rin pala. Sumunod na araw ay nahuli na naman niya akong nakatulala kaya kami umabot sa punto ngayon.
Gets ba ninyo? Ah basta bahala na kayo. Hindi ko rin naman alam sa aking sarili kung bakit ako bigla-bigla na lang natutulala, na may iniisip pero wala naman. Siguro nga tama ang asungot na Cris na ito na ngayon ay nag-oorder na sa counter ng aming pagkain... na may pagkabaliw talaga ako.
"Ang tagal ng asungot." Mahina kong sabi na may halong pagkainis. Tiningnan ko ang asungot at nasa ikatlong pila pa ito. Teka, diba nasa ikalawa siyang pila kanina. Tiningnan ko ang babaeng nasa unahan niya at nakita ko Diane, ang Campus Sweetheart ng school namin. Kaya naman pala, ha! Mamaya ka lang isusumbong kita kay Soffy, mala-fairytale pa naman ang storya ninyong gunggong ka!
Kung inaakala ninyong nagseselos ako. Hoy! Maghunosdili kayo! Never in my life na nagkagusto diyan, sinabi ko naman sa inyo na karahasan ang magiging tema ng aming relasyon kung nagkataon. Atsaka may girlfriend ang gunggong na iyan, si Soffy nga, as I said earlier at nasa State siya ngayon nag-aaral. Matawagan nga para maasar ang gunggong na ito. Kukuhanin ko na sana ang phone ko kaya lang may naglapag na ng pagkain sa mesa kaya hindi ko naituloy ang aking plano.
"Tssk!" inis kong usal at kuha ng aking pagkain sa tray.
"Oh? Ano na naman ang ginawa ko?" sabi niya sa akin na may pagtataka sa mukha. Tiningnan ko siya.
"Wala." Sabi ko at nagsimula na akong kumain.
But to be honest, sana makatagpo ako ng lalaking katulad ni Crisostomo. Sweet, gentlemen, and a loving person. All in one na kumbaga, si Crisostomo lang ang tanging lalaking kilala ko sa ngayon na ganyan. Isa siya sa taong na napaniwala ako na "fairytale do exist, it's just needs people to do it". Kahit minsan na napaka-asungot at gunggong niyan sa akin.
"Ay, Sasa may dumi ka dito." Sabi niya sabay punas niya sa bandang kanan ng bibig ko. Ngunit, ramdam ko na may malagkit na dumampi kung saan niya pinunasan.
"Aysh!" inis na usal. Kasi alam ko na! Pini-playtime niya ako. Kinuha ko ang tissue na nasa tray at pinunasan ang dumi na inilagay ng gunggong sa akin. Kung nakapapatay lang ang tingin, kanina pa ito nakahandusay sa sahig dito sa Cafeteria.
***
YOU ARE READING
Dating Mr. Right
RomanceDating is one way of getting to know each other. But sometimes, dating is a way of meeting people in your past. A Past that has been forgotten. Would it be back or will it be forever forgot? This story is a work of my imaginative mind. The characte...
