7. Bad

17 1 0
                                    

I want a girl who stays out too late

And when I call, she doesn't answer the phone

Oh, I want a girl who likes it her way

And through it all, I know I'll end up alone

--

Hinihika ako, gago. Kaya pala hindi ako makahinga, naalala kong kumain nga pala ako ng itlog kagabi at malamang pa sa malamang, na-trigger na naman ng allergies ko ang asthma ko. Medyo nagcontemplate pa nga ako kung dahil ba sa intensity ng emotions ko kaya hindi ako makahinga kani-kanina lang pero noong makita kong pumasok sa classroom ang kaklase kong si Lumiere na hindi pang-Beauty and the Beast remake at may dala-dala siyang itlog ng pugo na binili sa canteen ay alam ko na kung bakit. Dagdag asthma points pa yung stress, puyat at pagod na naramdam ko noong isang gabi. Waging-wagi.

Akala ko pa naman kasi ay dahil na-discover na ng inner self ko na crush ko na yata si Kyle. Shet, oo medyo inaamin ko na. One and a half pa nga lang kasi pakiramdam ko ay mas kailangan ko pa ng proof sa sarili ko at reasons why deserving si Kyle na maging crush ko. Charoterang Quenna, akala mo maganda ka?

"Ano na, Kwena?" narinig kong tawag sa akin ni Ma'am H. Mali ang pronunciation niya sa pangalan ko ever since. Napaka-useless itama kasi may sarili yata siyang diction classes.

"Okay lang po ako, Ma'am Hilario." sagot ko sa tanong niya sa akin.

Kasalukuyan akong nakatambay ngayon sa "clinic" ng school namin na portion lang naman talaga ng classroom. Nilagyan lang kurtina para masabing may division at privacy. Kakaloka, mas all-purpose pa kaysa sa flour. Nagtayo ng sariling teacher's office slash guidance office slash clinic itong si Ma'am H, ganyan ka-poor ang paaralan ko kasi walang pondo galing sa gobyerno. Sayang dahil matatalino naman ang karamihan sa mga estudyante rito. Ako, ewan, naligaw yata na aso.

Kumunot ang eyebrows niyang may drawing ng color brown na eyebrow pencil pero hindi rin naman kita kasi Cadbury ang skin tone niya.

"Hindi, uuwi ka."

Aba, mom? Kaintriga itong Calculus teacher ko, ah? Utusan ba naman ako. Sabagay, well-known na bossy 'yang si Madam Hilario. But not the type of bossy na mai-intimidate ka; matatawa ka lang. Siya yung tipo ng teacher na ipatatawag ka sa office kahit may klase ka, tapos kinakabahan kang pupunta roon, tatanungin mo siya kung anong problema. Iyon pala, magpapabili lang sa'yo ng Sky Flakes sa canteen sa baba. Tinatamad kasi siya.

"Eh ma'am, baka po magpa-quiz kayo mamaya kapag umuwi po ako? Kaya ko pa naman po." Sabi ko sa kanya. Parang napakasipag ko namang estudyante pero ang totoo niyan gusto ko na ring umuwi kasi nakakatamad na pumasok. Kailangan ko lang magpabango ng pangalan sa kanya para isipin niyang isa akong masipag at responsableng magaaral na handang isakripisyo ang kalusugan para sa quiz niyang walang katuturan. Chenes.

Napatawa siya ng bahagya. "Hindi, ako bahala sa'yo."

Ayan na nga, shet!

"Po?" maang-maangan ko.

"Hindi ako magpapa-quiz," banggit niya. "At kung magpa-quiz man ako, ipe-perfect kita pero secret lang."

Magician talaga 'to.

Ngumiti ako, pero hindi masyadong wide kasi baka mahalata niyang sungki pa rin ang ngipin kong may braces na pero joke lang kasi nagdidiwang na ang katawang lupa ko.

"Thank you po, Ma'am." sabi ko. "Sorry din po." Bait!

Tumango lamang siya at agad na tinawagan ang parents ko para sunduin ako sa paaralan. Lumipas ang labinlimang minuto at saka pa lamang dumating si Daddy. Kasalukuyan nilang pinag-uusapan ni Ma'am Hilario ang kalagayan ko nang umalis ako sa "clinic" at bumalik sa classroom para kuhanin ang bag ko.

Just Above the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon