3. You Won't Feel A Thing

142 3 5
                                    

I've been kicked right down

I've been spat in the face

I've been pulled, weighed down

To the lowest place

I've been lied to, shamed

I have been disgraced

Been ex-communicated from every holy place

I've been beat up and robbed

I've been left for dead

For the way I look

For the things I said

-



Ano ba naman 'yan. Halos maghapon ko na yatang dialogue 'to. Hindi ko rin kasi alam sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon, medyo-medyo inaabangan ko pa rin mag-text si Marco. Tae, I said it. Inaabangan ko pa rin ang text niya. But wait, I have an explanation. Bukod sa na-who you zoned ako sa kanya, maghapon ko na kasing ka-text itong si Kyle. Ayaw akong tantanan! Sa katunayan, medyo nag-away pa kami niyan kagabi-este nainis pala ako sa kanya. Kabago-bago naming magkakilala, pinipilit agad sa akin na mukha raw akong maldita! Totoo naman pero hello, di tayo close. You don't know me. Bawal kantahin, ayoko kay Kathryn.

Maghapon na akong disappointed dahil nakikita kong "1 New Message" tapos pagka-open ko, magp-pop na "Kyle Reyes" pa. Putangina naman kasi ng Facebook Messenger na 'yan, bakit nauso pa 'yung pwede mong ilagay 'yung phone number mo? Malay ko ring kapag ni-save ko digits ko ron, magiging in public na pala.

"Hoy pokpok, may message ka. Kanina pa nagva-vibrate 'yang pekpek mong phone," pambungad sa akin ni Danny. Katabi ko siya ngayon. Nasa classroom kami pero walang klase, as usual. Kaya bottomline: nanood kami ng movie. Naka-projector pa. Ang pinagkaiba lang namin sa usual na movie marathon, sariling movie ang pinapanood namin. Project namin ito sa El Fili na wala namang connect kay Simoun at Basilio.

At wala nang kataka-taka sa ugali ng hampaslupang Danny Varres na ito. Sanay na sanay na kaming lahat diyan. Pag hindi pokpok ang endearment, minsan haliparot, landi, poklay, lahat na ng pwedeng itawag sa prostitute. Plus the fact na lalaki siya, aba, mahusay. Alam ko namang baklita ang isang 'to pero hindi pa naglaladlad kahit Senior High na kami kaya pagtitimpian ko munang hindi makisakay sa kabaklaan niya. Minsan kasi gustung-gusto ko na siyang tawaging "girl", "beks", at kung anu-ano pa kasi ang saya kaya 'pag may gay friend. Pero kung ang gay friend mo ay hindi pa out like a butterfly from a cocoon at mas sensitive pa sa papel de hapon e, wag na lamang ho, maraming salamat.

"Eh nako, pabayaan mo. Nanonood tayo, 'di ba?" sabi ko sa kanya habang nakatitig pa rin sa green board namin na may malabong graphics ng pinapanood namin. Napaka-tumal kasi ng klase na ito, 'di naman lang nag-effort na patungan ng puting tela 'yong board para naman visible kahit paano.

"Sige, ako na lang magbabasa para malaman ko kung sinong bago mong jowa." Sabi niya. Pucha, kailan ba 'to lalabas ng rainbow niyang lungga?

Malapit na sana niyang maabot ang phone kong nakapatong sa arm chair nang biglang parang si Flash sa bilis na nagsink-in sa akin na katext ko nga pala kanina lang si Kyle, kaya malamang pa sa malamang, sa kanya galing itong bagong message.

"Teka, wait." I said.

Umikot ang mata ni beki the grammar nazi. "Redundancy at its finest, girl. Even though it's funny to hear those things, it's still not right."

Minsan talaga, sarap sungangain pag bakla. Don't get me wrong; I freaking love gays. Pero obviously naman kasi, I was just being sarcastic. Napaka-bobita ko naman kung hindi ko alam na hindi talaga tama ang grammar na 'yan. Para saan pa at naging Journalist of the Year ko last recognition? I'm not bragging, it's just that, this bading, minsan sarap ipalapa sa pating.

"Alam ko. Pepe ka." Sinabi ko na lang. Tumawa si gaga. 'Di ko lang masabi na Hoy, 'wag kang tumawa. Tete ang meron meron ka kaya dapat na-offend ka.

Binasa ko na lang ang message ni Kyle. As usual, walang kwenta. Iyong message niya, kasing relevant ng letter 'k' sa 'knife' at 'knee'.

Nagulat na lang ako nang biglang umuuga na lang ang katawan ko. Pakshet, may lindol ba? Pero imposible naman kasi tahimik. Ako lang ata 'yung nahihilo. Tumingin ako sa kanang banda ko at doon ko narealize na inaalog-alog pala ako ni Danny. Lintik na, muntikan nang tumalsik phone ko! Talsikan ko rin kaya ng laway 'to?

"Girl, sino 'yang Kyle?! Di ko alam na may kilala ka palang ganyan! Jowa mo?" pabulong na palirit niya sa tainga ko. Sumilip pala ang loko sa phone ko.

Jowa? Mukha pa ba akong may time magka-jowa? No, scratch that. Wala namang ganda ang mukha ko kaya wala akong jowa! As far as I can remember, panay fail pa nga lahat ng naging crush ko. Ang sama-sama talaga ng dating. Puro crush life na nga lang, sawi pa lahat. Ilang baldeng luha na ang nasayang ko sa mga lalakeng hindi ako gusto, sinaktan ako-kahit hindi kami, okay I get it. Minsan nga, medyo nahu-hurt ako sa mga post na "ang landi ng mga kabataan ngayon blah blah blah crush lang pero kailangang mag-move on? Mga makakati!". Naiinis ako. Hindi kasi pwedeng sabihan ng 'lang' ang isang bahay, kahit gaano pa kaliit 'yon. Lahat kasi, nagsisimula sa maliit. Kapag ba nanganak ang babae, 5 feet agad yung anak niya? Aba, wasak fefe na 'yon.

Alam ko kung anong pinaglalaban ko. Kasi nasaktan ako sa napakatiting na pag-tingin na 'yan. Sa katunayan, ilang beses na. Pero 'di ba, kapag pinagsama-sama ang maliliit, lumalaki rin? Kila One, Two, Three, at Four pa lang, daig ko pa nagka-jowa na may tatlong kabit.

Normal lang kasi ang humanga ka. Alam ng lahat 'yan. Ang hindi normal, 'yung iju-judge ka na makati at malandi dahil kinailangan mong i-surpass ang feelings mo sa taong wala namang feelings sa'yo. Oh 'di ba, masakit iyong sinabi ko? Touche.

Inirapan ko si Danny. "Tanga, babae 'to."

Tumango na lang siya at ibinalik ang sarili panonood. Hanga na ako sa sarili ko dahil ang galing kong gumawa ng palusot. Ang bilis naman na-process ng utak ko na pwede ngang pambabae iyong pangalan niya. Nakaligtas tuloy ako sa intriga, thanks a lot brain.

Hindi na ako nagreply dahil wala rin naman akong masabing maganda. Bumalik na lang ako sa panonood. Wala pang ilang minuto nang maramdaman kong nagva-vibrate na naman ang phone ko. Akala ko nung una, text lang ulit kaya hindi ko pinansin. Pero tuloy ang panginginig ng armchair kong gawa sa plastic kaya sa huli ay tinignan ko na rin.

Incoming call... Kyle Reyes

Kumunot ang noo ko at chineck kung nakatingin ba si Dannielo aka Danny. I'm thanking all the Gods above at naka-focus pa rin siya sa pinapanood niya. Sinagot ko agad ang phone ko.

"Hello?" bati ko, pero walang bumati sa akin pabalik. Walang nagsasalita pero rinig ko na maraming tao as background voices na para bang nasa isang public place. May mga boses ng babae at lalaki, nagk-kwentuhan at nagtatawanan.

Naka-ilang "hello" at "hi" pa ako bago ko napagtanto na baka na-buttdial niya or something. Bago ko ibinaba ang phone, I said "Ibaba ko na ha, baka napindot mo lang."

Okay lang naman 'yon, obvious naman kasing hindi niya naririnig.

Pagkaharap ko kay Danny, nakatitig na siya sa akin. Muntik na akong mapamura sa gulat.

"What the f, Dan!" I shrieked.

Kumunot ang noo niya. "Sino 'yan?"

I just shrugged. "'Di ko alam. Number lang eh," Lie. "Walang nagsasalita, baka napindot lang." Truth.

Tumango-tango lang siya bago bumalik panonood. Babalik na rin sana ako panonood, pero bago ko maipatong ang phone ko sa armchair ay nakareceive pa ako ng text.

Galing kay Kyle.

Binasa ko ang message niya. Haha, di yon napindot lang.

Magrereply na sana ako ng isang walang kakwenta-kwentang "Ahhh" nang maka-receive ako ng panibagong text message.

Ang ganda ng boses mo. Kasing ganda mo :)

I sighed in exhaustion. May emoji bang 'pakyu'?

Just Above the CloudsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon