Nakakacurious kung bakit ganito ang title ng story na ito, the same reason bat ko sya binasa. Kung nacurious din kayo, edi basahin nyo :D At first yung meaning lang naman talaga ang gusto kong malaman, pero habang tumatagal kinikilig ako kay Nate at Ianne :">
Napaka cute ng love story nila pero may isa pang character, si Art. Nung una iniisip ko na napaka perfect na ng relastionship ni Nate at Ianne, so napaisip ako kung anong role ni Art sa story. Sa katagalan ayun of course nalaman ko :D Hindi sya ganun ka-typical (though medyo cliche na yung iba) pero unique talaga sya sa title palang eh tska yung name ng girl haha akala ko yan na talaga yun pala nickname lang nya.
May part din jan na GRABEEE HAGULGOL KO lalo na nung nabasa ko yung SPECIAL CHAPTER (read it after you read this story syempre, POV kasi yun nung tatlong guy na involve dito sa story at mas malilinawan kayo kasi halos POV lang ni IANNE 'to).
The best rin 'tong story na ito! WORTH READING. Ang ganda ng pagkakasulat. Mas maganda kung yung revised version ang babasahin kasi syempre mas okay na yun kesa sa old version.
