Huling Kabanata

1.9K 62 11
                                    

  Dedicated to: diwataangdyosaa

Ang buhay ay parang isang laro nasa sa iyo kung paano mo ito ipapanalo.

Minsan,natatalo tayo sa pagsubok at mga hamon na dumating sa ating buhay pero hindi ibig sabihin na susuko tayo dahil ang mga hamong iyan ang mas lalong nagpapatibay at nagpapalakas sa ating loob.

Masaya ako ngayon dahil kapiling ko na aking pamilya at  ang aking anak.Sa kabila nang lahat ng aking pagsubok na naranasan ay may kaakibat pala itong aral at saya na dala sa dulo.

Naligaw man ako sa maling landas ngunit nagising naman ako sa katotohanan na mali pala ang mga ginagawa ko.

Pinagsisihan ko na lahat ng aking mga kasalanan.Kasalanan na hanggang ngayon ay hindi ko mabura sa aking isipan at nagdulot ng saya sa pamamagitan ng aking anak.

Kasalanan na hindi makakalimutan at nagtulak sa akin na gawin ang mga maling bagay na ikakasama ko.

Kasalanan na hindi ko naisip na ito pala ang magdudulot sa akin ng isang "Malaking Pagkakamali".

Malaking Pagkakamali (Completed)Where stories live. Discover now