Smile if u can

16 0 0
                                        

Lahat naman tayo may gusto. Mayroong nagkakagusto. Mayroon ding hindi. Yung feeling na masakit pero kakayanin. Yung feeling na masakit pero titiisin para lang sa kanya. Yung iba naman walang crush. Yung iba naman nagkakandarapa na, makita lang si crush oks na . Yung iba varsity players ang crush. Yung iba naman makita lang na gwapo at maganda crush na nila.

Paano kung bigla na lang mahulog ang puso mo sa pinakamamahal mong bestfriend?
Handa kabang masaktan?

*Credits: Mikka Yumi Alasan
                   Alica Angel Oclarit
                   Ivah Joy Benitez

*THIS STORY IS INSPIRED BY ALYLOONY*

Jake! Jake! tawag ni Sam sakin. Agad ko naman siyang nilingon para nga dinggin ang kanyang sasabihin. Kasama niya naman yung babaeng malapit yata sa kanya, kaklase yata ni Sam  at pareho din silang maganda. :)


"Pumunta ka sa paborito nating kainan mamaya hah! sasabihin ko na!", yun yung sabi niya then she  smiled and glanced at me :)


"Ahhh! Napaisip na lang ako kung tungkol saan nga ang kanyang sasabihin. Iyon pala! Yun yatang pinag-usapan  namin last Saturday.


Tinanong ko kasi siya kung sino nga ang laman ng kanyang puso tas sinabi niya na ngayong lunes daw. Oo ngayon nga :)


*Yupp dadating ako* agad kong sabi sa kanya. Sino ba naman ang hindi ma excite sa kanyang sinabi. Halos nga matumaw ang dibdib ko nung nginitian niya ako. Ewan ko ba pero matagal ko na talaga siyang gusto.


Gusto ko siya dahil sa siya si Sam.Sino ba namang lalaki ang hindi matatamaan sa kanya ehh maganda siya, band majorette siya sa school, matangos ang ilong, friendly, mapagbigay, mapagmahal, caring, matalino, perfect na kumbaga.


Ikukwento ko sa inyo ang aming unang pagkikita. Birthday party ni Tito Jun na bunsong kapatid ni mama tas hindi ko alam na ang tatay niya at si Tito Jun pala ay magkaibigan. Inimbita sila ni Tito Jun at siyempre pumunta din kami. Nang papunta ako sa mesa para kumuha ng pagkain bigla nalang kaming nagkabanggaan. Ang daladala niyang salad na bago niyang kuha nahagis niya sa damit ko. Galit na galit talaga ako sa kanya nung time na yun pero nawala na lang bigla nung bigla rin niya akong nilapitan tas nagsorry siya at nginitian niya ako. Ewan ko ba parang kahinaan talaga naming mga lalaki kapag nginitian kami ng mga babae. Gaya ng iyong inaasahan nagkabati nga kami at simula nung pangyayaring yun naging magkaibigan kami until we get know each other.


Ako nga lang ang nakakaalam ng lihim na pagtingin ko sa kanya kasi nga natatakot ako. Natotorpe ako.


Kasi nga natatakot ako.

Natatakot akong sabihin at malaman niya ang totoo  na may gusto ako sa kanya kasi nga baka masira lang friendship namin. Baka if hindi ito magwork out masisira lang ang pagiging magkaibigan namin. Inunahan ako ng kaba at mga negatibong hinala dala na rin ng takot. Gusto ko lang naman ibahagi ang totoo kong nararamdaman.


Kaya for sure nanghingi na lang ako ng sign kay Lord.
Na kung "magsusuot siya ng kuwentas na may heart na pendant" ay siya na talaga ang babaeng para sakin, destiny na kumbaga at sasabihin ko na rin ang aking nararamdaman. Mahilig kasi siyang magsuot ng ganun ehhhh *_*


Gusto ko lang naman ipakita sa kanya ang totoo. Ang totoong nararamdaman ko. Ang totoong ako.

It's 4:00 tapos na ang klase.

Umuwi agad ako sa bahay para mag-ayos. Naligo, nagbihis, inayos ang buhok. Ang oa ko talaga noh? Biruin niyo nagawa ko yun! :) Ganon talaga kahalaga si Sam para sa akin. Binilisan ko ang aking kilos kasi nga wala ng oras. Sumakay agad ako at yun nga dumating na ako. Nasa pintuan pa nga lang ako ay inataki nmn ako ng kaba pero sa halip na panghinaan ako ay pinilit ko itong labanan.


"Huminga ako ng malalim" sabay sabing "Kaya ko to!" (nanginginig sa kaba)


Nang pumasok ako nakita ko siyang nakaupo sa may gilid at naghihintay nga sakin. Masayang nakatitig sa kanyang cellphone na para bang may katext.


Jake! Hali kana ang tagal mo naman! nakakakabang tawag niya sakin. Tinanong pa niya ako kung bakit daw ako bihis na bihis. "Obvious bah para sayo" sagot sa aking isipan na hindi ko magawang masabi.


Agad akong umupo sa harapan niya at tiningnan agad ang kanyang leeg pero wala siyang suot na kuwentas.

"Lord! Hindi talaga siya ang babaeng para sa akin?" Bakit? ang mga katanungan sa aking isipan.

Naiiyak na talaga ako pero pinilit kong huwag ipakita.


Diba gusto mong malaman ang totoong laman at tinitibok ng puso ko? ang nakakaluhang sabi niya sa akin.


Then I replied "Oo"! pero deep inside sabi nito sana ako. T_T kung pwede nga sumigaw ang puso kong ito. Kung pwede pa nga lang maging tayo.


Si Mark! huwag mong sabihin sa kanya hah! Ito nga ehh nag-uusap kami sa text ngayon parang kinikilig ako  :(  T_T kuwento pa niya sa akin habang nagrereply sa text ni mark.


Wooooohh! Nagulat ako ng sinabi niya na si Mark, kaklase ko from elementary gwapo, matangkad, maputi, matalino kaya tinanggap ko na lang bagay naman talaga sila tas sino ba naman ako para harangan siya ehh di susupurtahan ko na lang.Bawat sinasabi niya ay para bang kutsilyo na dahandahang sinasaksak ang puso kong sawi at nagmamakaawa T_T. Ang sakit talaga pero pinilit kong ngumiti para lang sa kanya.


Bigla na lang dumating yung babaeng palaging kasama ni Sam sa school. Parating siya sa amin. Mukhang may importante siya sasabihin kay Sam. Bigla na lang lumutaw ang isang bagay at pumukaw  sa aking isipan.

Natulala na lang ako!
















Alam mo kung bakit?












Sakanya ko nakita ang kuwentas na hiningi kong sign kay Lord.


The End

*Thanks to Mikka , Alica and Ivah 😂* and especially to Maria Jonisa Labial 😘😘

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE SIGNStories to obsess over. Discover now