Chapter XI - Revelation

ابدأ من البداية
                                    

"Ena, manliligaw mo?!" 

"Ate ano ka ba, hindi ha..." So si Kryscel pala ang panganay. Bakit hindi ko sila napansin noon? Masyado na ba ang aking sariling mundo kaya't di ko nakilala itong loka lokang Kryscel na ito?

Tumingin sa akin si Kryscel at binuksan din ang gate, pagkatapos noon inirapan lang niya ako at umalis na. Hooo ang taray.. Pero wala akong paki, hindi siya ang pinunta ko dito.. Lumapit sa akin si Ena..

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ahhh-- kasi ..." kagkag ulo, Biglang sumigaw si Kryscel...

"Ena!!!!!! Kumukulo na yung Nilaga!" nagluluto pala si Ena, naistorbo ko pa ata >_< Pero ilang minuto lang bumalik na din siya

"Pasok ka muna Josh..." ang sarap naman pakinggan na sinasabi niya ang pangalan ko. Pero sana sa susunod Honey na. Lols.

"Hindi wag na, kaya lang naman ako napunta dito kasi gusto ko lang tanungin kung magkaano-ano kayo ni Lola." She smiled at me

"Bestfriend :)" weh? di nga?! si Lola nakipag bestfriend sa baggets?!  Napansin niya ata akong nagulat.

"Oo, yun lang ba ang tanong mo? Kamusta na pala si Lola?"

Ako naman nalungkot na lang ang mukha.

"Kasi si Lola..." teka, bakit ganito? pakiramdam ko nag vi-vibrate ung kwintas ko. Palakas ng palakas ito kaya't kung titignan mo parang may hayop na nakapasok sa loob ng tshirt ko.

"Yung time mach--" tinakpan ko ang bibig ko. Wrong! Mali! Sh1t! Ang bobo at ang tanga ko! Madudulas pa ako! Naku naman! Napaka careless ko naman.... 

Tumingin sa akin si Ena.

"No need, alam ko yan. Di ba nga bestfriend ko Lola mo?" kala ko ba di dapat malaman ng iba? nakakaasar ka naman Lola eh, pinapaisip mo ako pati nitong time machine na ito =(

Tumahimik na lang ako at umupo sa may upuan malapit sa may gate nila, lumapit din sa akin si Ena

"Alam mo na pala, kaya ako pumunta dito para sabihin pala sa'yo na alam ko na, na may kakambal ka. Nagulat nga ako, di mo naman kasi sa akin nasabi. Itong kwintas na ito pa ang nagsabi." 

"Hindi ko naman kailangan sabihin iyon. Pero isa lang ang masasabi ko, ako yung nasa Canteen, yung nakasama mo sa Hospital at syempre yung time nung exam na nakatingin sa'yo. Si Ate yung sa Comfort Room at yung naghigit sa'yo sa Guidance. Inutos ko lang sa kanya na higitan ka palabas, kasi nga pupunta tayong hospital noon?" grabe nalilito na ako ha... "--pero dahil sa binalik mo ang oras nag iba na ang trato sa'yo ni Ate. Dahil doon sa C. R thingy na iyan..."

Now I know... 

Sh1t.

Bakit ko pala ginamit itong Time Machine? Di ba sabi ni Lola kapag ginamit ko ito. Lilipat sa akin ang enerhiya niya na magiging dahilan sa kanyang panghihina na ikakama.......

"Josh, bakit ka malungkot? May maitutulong ba ako?"

"Wala Ena, wala kang magagawa. Siguro ang dapat mo na lang gawin at ako rin ay iwasan ang isa't-isa. Hindi mo dapat ako kinakausap at pinapansin. Magiging mamamatay tao ako!" yumuko na lang ako at tinakpan ang mukha ko.

"Bakit mo nasabi iyan Josh?" hinawakan niya ang balikat ko. salamat sa comfort pero hindi mo dapat ako ginaganito.

"Si Lola mamatay siya kapag ginagamit ko ang Time Machine." Biglang natawa si Ena ng mangkalalakas. Nakakaasar ha, pero hahayaan ko na lang siya... Wala naman nakakatuwa eh, aalis na nga lang ako. Katatawanan lang pala ako. Sinasabi na nga ba eh.

Akmang aalis ako nang..

"Josh, wag kang umalis...Ano ba naman kasi yang mga sinasabi mo? Nag-jojoke ka ba?"

"Ako nag jo-joke?! Mukha ba akong nagbibiro?!" 

"Josh, makinig ka sa akin..."

"Bakit pa? Para pagtawanan ulit ako? Nakakaasar ka naman Ena eh porket may gusto ako sa'yo pinagtritripan mo na lang ako!" 

Lumakad na ako palayo.. Naisip ko lang... Nasabi ko pala sa kanya ....

Malas! Sa maling panahon at oras ko pa nasabi! Pinukpok ko na lang ang ulo ko habang naglalakad ng biglang may humawak si wrist ko.

"Josh, sorry... Hayaan mo akong sabihin ang nalalaman ko. Please... Kapag nasabi ko na pwede ka nang umalis...Please..." Tinignan ko lang siya, kita ko naman na seryoso siya eh.

(Easy to get!)

"Ok." sabi ko

"Kasi ganito iyan, Josh, yung sinabi sa'yo ng Lola mo hindi totoo. Hindi totoong mamatay siya. Ang totoo nyan may sakit siya. Sinabi lang nyang dahilan yang Kwintas na iyan. Bakit di mo buksan yung libro nandoon yun eh." 

"Paano ko bubuksan at babasahin eh puro ALIBATA ang nakalagay doon."

"Buksan mo doon sa pinaka gitnang part. Maiintindihan mo na iyon. Pero Josh, maniwala ka sa akin hindi totoo yung mamatay siya dahil ginamit mo yang kwintas. Ayaw lang niyang malaman mo yung sakit niya. Pero dahil Apo ka niya, sinasabi ko ito sa'yo dahil karapatan mo"

Hindi ko na tinapos ang sinasabi niya at tumakbo na ako ...

Lola naman eh :'(

Time Machineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن