Chapter V- Time Machine

536 19 11
                                    

Dinededicate ko pala itong chapter na ito para sa isa kong friend dito sa Wattpad. Na binabasa talaga ang mga stories ko  ^____^ 

***5***

Pumasok kami sa Ward ng mga Adult. Nakita ko si Lola na mahibing ang tulog.

*sigh

Thank you Lord

Pero nagtataka pa din ako paano nagkakilala si Krystal at Lola? Hmmmm.. something is fishy here

"Oh Krystal, upo ka dito." pinapaupo ko siya sa monoblock.

"Di na, aalis na din ako." sabi niya..

"Paano mo nalaman na nadito si Lo--" naputol yung sasabihin ko kasi si Lola gumalaw.

"Lola... " lumapit ako sa kanya, hinaplos ko yung buhok niya. Ang puti na ng buhok ni Lola, sa bagay 77 years old na siya. Pati napansin ko di na pala nagkukulay ng buhok si Lola ahh..

Minulat niya yung mata niya, tapos nagulat nung makita niya ako. Hala? o_O

"Josh, paano mo nalaman--?" naputol din ang sasabihin ni Lola kasi sumabat si Krystal.

"Lola ako po nagsabi sa kanya kaya napunta kami dito." nakaupo pa din siya sa upuan lumingon ako sa kanya and she smiled only.

"Lola Rosalie, bakit ka ba napasugod sa Hospital?"

Biglang may sumingit na matanda na nakikinig sa amin. Public Hospital pala ito kaya may iba pang kasama si Lola sa Ward.

"STRESS daw iyan sabi nung Doctor.. baka STRESS sa paghahanap ng lalaki." grabe, ano ito? kaaway ni Lola? Haha, yung matandang nag salita mukhang 60's pa lang. May itim itim pa yung buhok niya eh. Oh baka nagkukulay lang.

"Hay naku, tigilan mo ako. Eh ikaw kaya ika'y naratay diyan dahil sa pilay. Eh dahil sa kakahabol sa mga Lalaki!" banat naman ng Lola ko. Hahah patawa talaga. Di naman siguro dito magkakaroon ng rambulan dahil parehas di makakatayo yung matanda. Haha

"Aba'y tigilan mo ako Rosalia! Inagaw mo sa akin si Oliver! Kaya ako ngayon ay naghahabol na lang sa iba!!!" sinong Oliver? yung ASO ko? Joke, yung pers lab nga daw.

"Wehhh? Eh ako nga ang type noon eh!" sagot naman ni Lola, tapos si Krystal nakita ko na tumatawa din. Hehe ang CUTE :3

"ABA!!!!--"

BIglang pumasok yung Nurse...

"Wag pong maingay.. " ayan, kasi kayo eh...

Ako naman lumingon na ako kay Lola, tapos nasiguro ang sagutan nila.

"Lola, stress pala kayo bakit naman kasi binubugbog niyo ang sarili niyo sa palengke? Pwede naman akong tumulong eh."

"Hay naku Joshua! Ayoko nga na makita ka na pinag papawisan eh. Pati ayoko ka sa Palengke, mangangamoy ISDA ka lang doon."

"Eh Lola naman---"

"Eh manahimik ka nga dyan! Ang intindihin mo ay kung paano mo ako mabibigyan ng Apo! Aba malapit na akong mamatay! Wala ka pa rin nagiging gelprend!"

Huminto si Lola sabay lingon sa likuran ko.

"Siya.. bakit di siya ang gelprend mo? Kaibigan ko naman Nanay niya. Pati siguro naman nagkakamabutihan na din kayo!" hala? Si Krystal ba? Tapos nung tumingin ako sa kanya namula.

"Lola naman..."

"Eh ito sa'yo na ito!" tapos may kinuha siya sa loob ng daster niya sa may dibdib. Naku Lola ano ba naman itong palabas na ito nakakahiya. Tumalikod ako.

"OH! Wag ka ngang tumalikod! Di ako magHUHUBAD!" tapos inabot niya sa akin yung kwintas. Na may orasan na maliit color GOLD. Ano ito? Isasanla ko?

"Lola, isasanla ko ba ito?" tanong ko. tapos tumawa si Krystal

"Bobo! Suotin mo iyan! Pati iyo na iyan. Gagana lang yan kapag wala na a---"

Bigla naman pumasok yung Nurse ulit.

"Mrs. Mendez, napaka ingay niyo po. Di ba sabi ko sa inyo mag pahinga kayo?" tapos may kinuha siya sa tray na dala dala niya. Tinignan niya yung relo niya.

"Oras na po pala sa gamot niyo."

Pinainom siya ng gamot at pagkatapos bago umalis  yung Nurse

"Nakaka antok po iyan..." then umalis na siya

"Josh, ingatan mo yang bigay ko sa'yo yan na lang mapapamana ko."

Ano?????????

"Ano ba kasi ito Lola?" para akong bading kung susuotin ko ito. Mukhang pambabae kasi eh

"Orasan para ibalik ang nakaraan.." at pagkatapos noon, pinikit na niya ang kanyang mata..

at naghilik na...... kala niyo ha ...

*******************************

nag pipigil na tawa >> 

Time MachineWhere stories live. Discover now