10

5.3K 242 56
                                    

WABFIL-10

"I hope you don't mind waiting,Jeffrey, medyo natagalan kami na mabili ang mga inutos ni Papa para sa bakeshop."

"It's okay, halos magkasunod lang naman tayo. Si Remel ang nauna rito kasama ang kaibigan mo."

"Ganun ba? Ay sorry, I forgot to formally introduce you to my friends. This is Kylie Angelou Miranda, and Rhealyn Lisondra. Girls, siya naman yung ikinukwento ko, Charles Jeffrey Suarez."

"Ano kaya ang ikinukwento ni Xhyra sa inyo? Bigla akong kinabahan 'dun ah. By the way, call me Charles or CJ for short."

"Ay don't worry wala namang something negative except sa napagkamalan mo raw siyang may utang sa iyo na eventually, way mo lang pala para makilala siya. Kinilig ako 'dun." Tuluy-tuloy na sabi ni Angel.

Natawa naman si Charrie. Duh! Alam kaya niya ang mga cheverloo para sa mga mujeres, dahil relate much siya.

Tahimik naman sina Rhea at Remel.

"Hindi mo ba ipapakilala ang mga kaibigan mo?"

"I'm sorry, this is Jez, I mean Justin Ahr Saber and Remel Catanus. They are all single and trying to find their true love."

Gustong kurutin ni Jez ng pinung-pino ang kaibigan niya, true love daw? Huwat?

"Nice meeting you all." Nakangiting sabi ni Angel. Siniko niya si Rhea na tahimik pa rin sa tabi niya.

"So, let's order? After this, saan nyo pala gustong pumunta?"

"We are planning na mag window shopping or manood ng sine if okay lang sa inyo." Sagot ni Xhryra.

"Okay lang sa akin manood ng sine. Ang ganda ng palabas ngayon. Favorite ko ang bida." Excited si Angel.

"Ayoko."

Napalingon ang lahat Kay Rhea. Seryoso kasi ito at tila walang gana ang boses.

"Bakit naman? Akala ko ba excited lang mapanood ang One Love?"

"Huwag nating pilitin ang ayaw." Malamig ring sabi ni Remel.

"Bakit, nagpapapilit ba ako? Ang sabi ko ayoko, ako ang may ayaw, kung gusto nyo, tumuloy kayo, uuwi ako."

"Hey! Tama na yan, baka magkapikunan kayong dalawa." Awat ni Charrie na nagtataka sa inaasal ni Remie.

Nagtatakang napatingin rin sina Angel at Xhryra sa kaibigan. Ano at nagsuplada ito?

"May problema ba, Rhea?"

"Wala naman. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko. Mauuna na ako ha." Hindi na nito hinintay pa na makapagsalita ang mga kasama, agad itong tumayo.

Patay malisya naman si Remie. Ang pag-iinarte at ibinabagay sa ganda. Mas maganda siya kaya mas dapat na siya ang mag - inarte!

Hindi na rin nagtagal sina Angel at Xhryra dahil gusto nilang malaman ang nangyari kay Rhea. Hindi na sila nagpahatid pa kay Charrie kahit anong pilit nito.

"So?" Tanong no Charrie sa dalawang kaibigan. Naiwan silang tatlo sa restaurant.

"Anong so?"

"What can you say sa mga gurlash?"

"Ay, kasing ganda natin sila, Sest." Bulong ni Jez kay Charrie, nasa public place sila, kailangang macho gwapito.

"In fairness, maganda si Xhryra sa personal ha, at winner talaga ang smile at katawan. Kaming-kami lang sa kaseksihan." Dagdag ni Jez.

"Mas maganda ako, Sest. Ikaw, Remie, anong drama, Dong at kanina ka pa nag eemote jan?"

"Wala."

Tinaasan ni Jez ng kilay ang kaibigan. May drama talaga?

"Naunsa ka, Sest?" (Anong nangyari, Sest?) Malambing na tanong niya.

"Masama lang ang pakiramdam ko."

"Weh?"

"Trulity. Nasusuka ako, Sest. Nahihilo ako." Sabay arteng takip sa bibig niya.

"Ha! Gusto mong dalhin ka namin sa hospital?"

"Dalhin nyo ako sa OB, Sest!"

"OB?"

"ObGyne, Sest. Buntis ako."

"Gaga!"

"Actually, we need to go home na, I had a confession to make." Biglang nagseryoso si Remie.

"Sa bahay talaga? Dito na lang."

"Sa bahay na."

Wala ring nagawa sina Jez at Charrie kundi sundin ang nag-iinarteng si Remie.

"Nag text si Xhryra, Sest! Lemme read...Thanks sa dinner."

"Ay dapat lang na mag thank you siya kasi libreng lafang yun no! Tatlo kaya sila. Pambili mo pa sana yun ng make-up."

"Do you think na napapaniwala ko na siyang may gusto ako sa kanya?"

"Feel ko, yes. Best actresses kaya tayong tatlo! Feeling ko nga feel ka rin ng mga friends niya lalo na yung Angel."

"Good!" Sabay flip ng kanyang imaginary hair at ayos ng kanyang imaginary bra with imaginary boobs.

"Pero mga Sest, feeling ko maldita yung Rhealyn. What do you think, Remie?" Tanong ni Charrie sa tahimik pa ring katabi.

"Ako siyang ex." (Ex ko siya)

"Ano?" Confused na tanong ni Charrie.

Naiwan naman sa ere ang pag-inom sana ni Jez ng tubig.

"Di ba dito ako nag high school? isang school lang kami ni Rhea. She was my schoolmate before."

Hindi makapaniwalang napatakip sa bibig niya si Charrie.

"As in EX? ex-girlfried? Naging jowa mo?" Pasigaw at gulat na gulat so Jez.

"Oo nga eh! Ex nga, ex girlfriend, as in naging kami."

"Oh my goodness! Naging kayo talaga!"

"Oo nga eh!" Nagpapadyak na so Remie.

Lumapit ang dalawa sa kanya.

"Naging ex-girlfried mo talaga siya, Remel Catanus? As in jowa, as in girl-boy relationship?" Shock pa ring tanong ni Charrie.

"Paulit-ulit talaga? O.O. Y.E.S. E.X.G.F!"

"Hala ka! All this time, boy ka talaga, Dili ka bayot?" Si Jez.

"Gaga! Bayot ko oi. That was long time ago, yung mga panahong confuse pa ako, yung mga panahong mas feel kong jowa ang mujer."

"Hala ka-igat!"

"That explains why nagsinuplada si gurl! Nakita niya ang kanyang ex-bf na boy na rin ang type ngayon! Winner!" Natatawa at hindi pa rin makapaniwala si Charrie.

"Excuse me, excuse me! Hindi niya alam na paminta ako! Ang alam niya, I was her ex who was so playboy kaya siya nakipag break! Duh!" Pakumpas-kumpas pa ng daliri si Remel habang sinasabi yun.

"So feel mo ring playboy ka? Yuck!"

"Tse! Akala nga lang niya! Can we change the topic? I am not comfortable with my past anymore."

"Okay." Si Charrie.

"Okay too. But last question, Sest."

"What?"

"Did you kiss? Nag sex na rin ba kayo?" Walang prenong tanong ni Jez.












WABFIL 2 - A Change of HeartWhere stories live. Discover now