8

4.5K 226 13
                                    

January 1, 2017...Happy New YEar!

8

"Ridy, Ser!"

"Ready!"

"Wit lang, Ser. Ayusen natin ang hair mo, mas magulo, mas nakakain-love."

"Ganern? Mukha na nga akeshang lalaking naghahanap ng away sa ayos ko."

"Hindi, Ser ah! Ka gwapu nimu oi! Saka, ganyan ang mga tipo naming mga girls. Maginoo na midyu bastos." Humagikhik si Inday. "Naalala ko ang Bib ko, Ser. Kenekeleg ako."

"Stop me! Bitter ako kaya plith lang Inday, don't me." He just rolled his eyes then opened the door. Iniwan niya sa Inday sa loob ng sasakyan. Pupuntahan niya kasi si Xhyra sa loob ng bakery nila para kunwari ay bibili ng cake. Inis na inis pa rin siya sa mga sinabi ni Sigfried nung nagkita sila.

Agad siyang ngumiti pagkapasok. Gusto niya sanang itaas ang kanang kilay at hawiin ang kanyang imaginary bangs pero kailangang magpaka aura ng isang hombre para sa ekonomiya. Tuluy-tuloy siya sa puwesto ng dalaga na nakayuko at abala sa binabasang magazine tungkol sa mga cakes.

"Hi, Miss Beautiful." Gusto niyang maduwal, siya lang dapat ang maganda pero para nga sa lovelife,sige, may igaganda na lang ang kaharap.

"Hi. May kailangan po kayo?" Agad siyang naalala ng dalaga pero hindi pwedeng halatang kahit papaano ay inaabangan nitong maligaw siyang mula sa kanilang bakeshop.

"Ano ka ba, huwag mo akong pino-po. Call me CJ or any name that you like, you can even call me Babe." He laughed a little na nagpabilis ng tibok ng puso ng dalaga.

"Charles will be better, I guess? Or Jeffrey."

Ewww keeyo! Charles and Jeffrey! Pagka manly oi!" Sigaw ng utak ni Charrie.

"Charrie—I mean Charles will do if you don't like CJ."

Saglit na nag-isip si Xhyra. Kinabahan naman si Charrie, nahalata ba nitong paminta siya?

"Jeffrey. I'll call you, Jeffrey. So what can I do to you, Jeffrey?"

Ramdam na ramdam ni Charrie ang pagtayo ng lahat ng balahibo niya sa katawan, as in lahat dahil sa pangalang Jeffrey. Yung Charles tunog malambot pa, pero yung Jeffrey, juice colored!

"What is your specialty here, Babe?"

"Babe?"

"I mean, Xhyra. I wanted a cake sana. The best one."

"For special someone?"

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Charrie na siyang nagpabilis ulit sa kabog ng puso niya. "Actually, for a friend. If ever I will give a cake for my special someone, I will let her teach me how to do it." He said in his husky voice. "Can you teach me how to make a cake, Babe?" Anas nito.

"Ha? Ah, ano bang flavor ng cake ang gusto nyo para sa kaibigan ninyo?" Natatarantang tanong ng dalaga.

"Yung pinakapaborito mo." Gusto niyang matawa sa mga pinagsasabi at aliw na aliw siya dahil alam niyang naapektuhan si Xhyra. Siya na talaga ang tunay na best actress!

"Xhyra, I know that I may sound crazy to you, but, can I get your personal number? Hindi ko alam anong gayuma meron ka pero I wanted to hear your voice before I sleep, and the more when I wake up. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko dahil baka matakot kita." Tumayo na naman ang mga balahibo niya sa pinagsasasabi.

Natawa ang dalaga. "Yeah, you are really crazy. Okay na ba 'tong chocolate cake sa iyo? This is our best seller."

Napakamot ng ulo si Charrie. "Please, pretty please?"

WABFIL 2 - A Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon