13

8.9K 270 218
                                    

WABFIL-13

*Kailangan ko lang i-update ang utak ko sa story.

Kanina pa naghahanap si Charrie ng chocolate na sinasabi ni Inday na paborito ni Xhyra pero hindi niya makita-kita.

"Excuse me, Sir. How may I help you po." Nagpapa-cute na sabi nito sa kanya.

"I'm looking for a particular brand of chocolate."

"Ay para po sa wife nyo, Sir?"

"Excuse me? I don't have wife." Nagsimula na siyang maimbiyerna dahil sa kakaikot. Pangatlong mall na itong napuntahan niya.

"Ay single po kayo, Sir?" Malanding dugtong pa nito.

Kailangan niyang kumalma, hingang malalim para makita ang hinahanap.

"Yes, dear, I'm very much single." Pilit ang ngiting sagot niya na siya namang nagpakilig sa babae.

"Talaga, Sir?" Biglang napataas ang boses ng saleslady dahil sa excitement. Hindi tuloy napigilan ng kilay niyang tumaas.

"Miss, can you just tell me where is that Korly Taps."

"Korly Taps, Sir?"

Juice mio! Bakit ba sa babaeng ito pa siya natapat?

"Korly Taps nga."

"Ahhhhhh! Curly Tops!" Ang laki Ng ngiti ng babae. "Dito po Sir." Pumunta sila sa candies and chocolates section, nalampasan na nila ang mga imported chocolates.

"Ito po Sir?" Sabay abot nito sa kanya ng ordinaryong tsokolate na nakalagay sa ordinaryo ring kahon.

"Ito na yun?"

"Yes, Sir, Curly Tops po."

Binasa niya ang nakasulat. "Curly Tops", juice ko Inday, makukurot Kita! Nakakaloka ang Korly Taps mo!"

****
Nakapamulsang naghihintay si Charrie sa labas ng unibersidad habang nakasandal sa kotse niya. Alam niya na ang schedule ni Xhyra courtesy of Inday. Pambawi nito sa Korly Taps niya.

Pero napatuwid siya ng tayo ng makitang lumabas ang dalaga kasama si Sigfried.

Iiwas ba siya? Aalis? Dapat ba siyang makita ng dalawa? Pero bago pa nakapag desisyon ay una na siyang nakita ni Xhyra.

"Charles? Anong ginagawa mo rito?"

Kitang-kita niyang nagulat si Sigfried. Sarap lang irapan ang lalaking ito.

"I had an appointment nearby, naisipan kong dumaan rito para sana sunduin ka. I was about to call you."

"Ah." Napatingin si Xhyra kay Sigfried na salubong na ang mga kilay.

"Siyangapala, si Sigfried, friend ko and classmate. Sigfried, si..."

"I'm Charles Jeffrey Suarez, manliligaw niya." Confident na sabi Charrie, sabay abot ng kamay niya sa kaharap na hindi na mai-drawing ang pagmumukha.

"Kailan ka pa naging manliligaw ni Xhyra?" Galit na tanong nito.

"Sa tono yata ng pananalita mo, parang hindi pwedeng ligawan si Xhyra. Bakit, boyfriend ka ba niya?" Seryoso ring tanong niya. Hindi niya maintindihan ang inis na nararamdaman. Hindi siya pwedeng mainis, ito ang dapat na mainis sa kanya.

"She's mine."

"Teka, teka! Ano bang problema ninyong dalawa ha? I introduced you to one another kasi 'yun ang dapat. Ikaw, Sigfried, kailan pa ako naging iyo? At ikaw naman Charles Jeffrey, hindi ko akalaing makikipag argue ka sa kanya!" Then she walked out.

"Xhyra!" Sabay pang tawag ng dalawa. Pero tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad.

"What's your problem? Talaga bang hindi mo ako titigilan at pati si Xhyra idinamay mo pa?" Galit na baling ni Sigfried sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kanyang kilay.

"Pwede ba Charrie, tigilan mo ako! Kung hindi sasabihin ko kay Xhyra kung sino ka talaga!"

"Listen, Sigfried, I am not afraid. Bakit, sino at ano ba ako? May ebidensiya ka? Baka IKAW ang dapat na matakot kapag sinabi ko kay Xhyra kung sino ka talaga. Gusto mo ba ng print screen ng conversation natin? Ng papers galing sa mga money remittance centers? Courier receipts para sa mga pinadala ko? Kaya Sigfried, huwag ako, please lang!"

Hindi nakapagsalita si Sigfried.

"Besides, I am courting Xhyra because I like her...and I'm telling you this, boy, she will be mine. She's mine, definitely mine. She will never be yours." He confidently said, sabay flip ng kanyang imaginary bangs.

Hindi na niya hinintay pa na makapagsalita ito, sumakay na siya sa kanyang kotse sabay busina ng malakas kaya napaatras si Sigfried.

Dahil na stress sa nangyaring paghaharap, agad niyang tinawagan ang mga kaibigan para sa kanilang chikahan session.

"OMG! As in, Sest?"

"Yes, Sest! Feeling ko, na-shokot siya sa mga pang FAMAS ko na lines!"

"Obcors! Sino ba naman ang hindi matatakot sa mga linyahang, "she's mine, only mine!" Tomyot keeyo ka, Sest! Tomboy na bayot!" Asar ni Apol sa kanya.

"Heh!"

"Pero, Sest, answer me honestly, may gusto ka na ba kay girl?"

"Wala no! Duh!" Umiwas siya ng tingin.

"Trulaloo?" Tanong ulit ni Remie.

"Ane be! Waley nga eh. Saka, bakit naman ako magkakagusto sa kapwa ko girl?"

"Ases! So okay lang na sagutin niya si Sigfried at basted ka?"

Napatayo si Charrie. "Excuse me! Excuse me! That won't happen! Over my dead body!"

Nagkatinginan sina Apol at Remie. Sabay sabing...

"Okaaaay! Wala raw siyang gusto." Sabay ngisi.

Pinandilatan tuloy niya ang dalawa.

****

"Hi." Bati niya sa dalagang busy sa kakabasa ng kung ano. Hindi nito namalayang nakalapit na siya.

Napaangat naman ng tingin si Xhyra. She saw Charles Jeffrey holding a bouquet of...Curly Tops with little teddy bears on it. Hindi niya maintindihan kung bakit nagririgodon ang puso niya.

"I'm just here to apologize about what had happened yesterday." Seryoso ang mukha nito habang titig na titig sa kanya.

"I... I just hope that it will not happen again." Nauutal na sabi niya.

"Well, I can't promise, Pretty but I'll try. For you," sabay abot niya sa chocolate bouquet.

Biglang bumangon ang kilig sa puso niya. Napangiti si Xhyra. "How did you know that I like this?"

"I have my sources. Pag mahal mo, aalamin mo lahat ng paborito niya."

"Thanks." Gusto ba talagang magwala ng puso niya sa kilig.

"Nandito ka rin pala?" Sabay pa silang napalingon sa nagsalita. Si Sigfried, may dala itong napakagandang bouquet of roses at chocolates. Tinalo ang dala niya.

Ershet! Okay na sana ang diskarte niya.

"Xhy, good evening...for you." Sabay bigay dala nito.

"Thank you."

"I'm just here to apologize...pati na rin sa iyo...Pare. Napag-isip isip kong hindi naman katakhan kung maraming manliligaw si Xhyra dahil dalaga siya at napakaganda kaya..." Sabay tingin nito sa kanya. "May the best man wins?" Sabay lahat ng palad nito.

Hanuraw?!

Nakatingin siya sa naghihintay nitong kamay, kamay na matagal na siyang inaasam na mahawakan ng matagal, na maka holding hands, kamay na...

"Charles..."

Boses ni Xhyra ang nagpabalik sa kanya sa realidad.

"Ye-yeah, may the best MAN wins, PARE." Iniabot niya ang kanyang palad

Holding hands na kay crush! Pak ganern!

















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WABFIL 2 - A Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon