▪▪2▪▪

99 6 0
                                    

Step 2- Approach Him

Venice's POV

Dito na ako sa harap ng gate ng bagong School ko. Di pa rin ako makapaniwala na makakapasok ako sa isang prestigious school tulad nito. Kanina pa ako nakatingin sa dambuhalang gate at napagkakamalan na akong baliw. Naglakas loob ako na pumasok na at unang hakbang ko palang ay may nararamdaman akong kakaiba. Parang may something pero may wala. Ewan ko na.

So ayun, pumasok na ako ng tuluyan. Nilabas ko na ang mapa ng school. Oo, mapa! Ganyan kalaki ang school na 'to! Akalain mo may sariling mapa. Hinanap ko na ang building kung saan ako papasok. At ayun, nakita ko na!

"Gongham Building." Sabi ko ng mahina at naglakad. Lumiko ako sa kaliwa, tapos kanan, kanan uli, at isang kaliwa, at sa wakas nakita ko na.

May nakalagay sa bulletin board. Binasa ko iyon at nandoon nakalagay ang mga students na para sa section na to. Aaaaaaaat nakita ko na ang pangalan ko. 'Venice Gordon' at kasunod ko naman ay 'Ezequiel Sy'. Pagkita ko palang ng pangalan niya ay kinakabahan na ako, ewan ko kung bakit.

Pumasok na ako sa building at dumiretso sa information desk. Ansama ng tingin sakin ni Ma'am, tinaas baba niya pa ang tingin sakin. Hinayaan ko lang siya.

"Uhm, excuse me." Sabi ko sa kanya na nagpataas ng kilay niya.

"What can I do for you?" Bored na sagot niya.

"Pwede ko po bang makuha ang schedule ko?" Tanong ko sa kanya. "Venice Gordon." Dugtong ko. May tinap lang siya doon sa tablet na sa harap niya at narining ko ang printer na umandar. Pagkayapos ng ilang segundo ay binigay na ni Ma'am ang papel. Nakasulat dun kung anong subjects ko on a specific time. Wait, ano yung Idol 101 at Drama Class? Bahala na nga.

7:46 palang naman at 8:00 yung first class ko which is 'Instruments'. Halata naman sa pangalan kung ano ang pag-aaralan namin. At sa 4th floor daw ito ng building. Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang number 4. Pagkatapos ng ilang segundo ay andun na ako. Wala naman masyadong tao dito sa Gongham eh.

Nahanap ko na ang classroom. Pinihit ko na ang doorknob at tuluyang binuksan ang pinto. Nakita ko ang mga estudyante na nagkakagulo. May nagchichikahan, may nagmemakeup, may naghahabulan, at may naghahagisan ng music sheets. Anong klaseng mundo ba itong pinasok ko?

Nang naramdaman nila ang presensiya ko kay bigla silang na-freeze na tila sa isang mannequin challenge. Kulang nalang may magvideo at music. Nang makarecover sila ay tinignan nila ako na parang nilalait. Ang mga babae ay tinitignan ako pababa at pataas samantala ang mga lalaki ay naka-smirk lang. Mukhang ayaw nila sakin.

Pinagpatuloy na nila ang kanilang 'ginagawa' oo inemphasize ko talaga yan wag kayo. Nagbatuhan uli sila ng crumpled music sheets at nagchichikahan.

Nilibot ko ang mga mata ko para maghanap ng bakanteng upuan. Naglakad na ako papunta sa pinakahuling upuan sa sulok sa kanan. Umupo na ako at aakmain ko na sana ang cellphone o nang bigla ulit silang natahimik at nakatingin sa taong nakatayo sa pintuan na nakatingin rin sakin. Bigla akong kinabahan, ewan ko kung bakit.

Naglakad siya papunta sa direksiyon ko at hindi niya parin inaalis ang tingin niya sakin. Lalo pa akong kinabahan. Hindi naman ganon kasama ang tingin niya sakin pero- ah basta! Kinakabahan ako.

Nang tuluyan na siyang nakalapit sakin ay nilagay niya ang kaliwang kamay sa pader at nilapit niya ang mukha niya sakin. Nagkatinginan lang kaming dalawa sa loob ng isang minuto. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Mamatay na ba ako? Masyado pa akong bata at inosente. May mga pangarap rin ako, Huhu.

Nakatingin lang sa aming dalawa ang lahat ng tao sa classroom. Mas nakatutok ang mga babae na nakakamatay ang tingin sakin. Bakit ba?

Kumuha ako ng lakas loob na magsalita. Took me a while, pero nagawa ko rin.

How to be Yours [On Hold]Where stories live. Discover now