▪▪1▪▪

132 6 2
                                    

Step 1 - Make Him Notice You


Venice's POV

"You're fired." Sabi ng boss ko sakin. Ika-ilang trabaho ko na to ngayong summer pero eto nanaman ako, sinesante. Lumabas na ako sa office at kinuha na ang bag ko. Dumiretso na akong lumabas sa Restau.

"Aaaaiiisssssh! Venice, bakit ba kasi ang clumsy mo?" Sabi ko sa sarili habang pinapalo ulo ko.

Ang mga teenager na tulad ko ay dapat naglalaro ng computer, nagseselpon, at nagbobonding kasama ang mga kaibigan. Habang ako, nagtatrabaho.

Sampung taong gulang ako nang namatay ang aking mga magulang sa isang aksidendente. Kinupkop ako ng tiyahin ko at parang naging parte na ako ng kanilang pamilya.

Sa sobrang pagmumuni ko ay natapilok ako.

"A-aray." Hinimas ko ang tuhod ko na medyo masakit. Napaupo ako at may narinig akong nagpipigil ng tawa. Tatandaan ko mukha mo Kuyang!

Sinamaan ko siya ng tingin. Nagpipigil parin siya ng tawa.

Tumayo na ako at hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya. Umalis na ako at umuwi na sa bahay. At dun siya humalagak ng tawa. Kung makatawa, walang bukas. -_-

Di ko na siya pinansin at umuwi na sa bahay.

Unang bungad sakin pag dating ko ay ang sigaw ni Tita Avery.

"Hoy Bentot, magpalit ka na ng damit. May pupuntahan tayo!" Nakakarinding sigaw ni Tita. Ayan na naman siya sa pagtawag sakin ng Bentot. Nakailang suway na ako pero waepek. Ngayon ko lang rin nakita si Tita na bihis na bihis na parang pupunta sa isang business meeting. "May binili na akong dress mo. Sana magkasya, tinansiya ko lang yun eh." Dugtong niya.

"Tita, sabi ko nga sayo wag mo akong tawaging Bentot, ang laswa pakinggan." Sabi ko kay Tita habang kinakamot ang ulo ko. Tapos saan tayo pupunta at parang bihis na bihis ka?" Tanong ko kay tita. Dati kasing bussiness woman si Tita kaya may formal bussiness attire siya.

"Tsk. Wala ka nang magagawa dun. Bilisan mo na! Magpalit ka na ng damit baka malate tayo." Tinulak na ako ni Tita papuntang kwarto ko at nilock ang pinto.

Wala na akong choice kundi suotin ito. Nakita ko sa kama ko ang black dress. Sinuot ko na ito ang black combat boots ko. Kinuha ko na ang blue choker ko at lumabas sa kwarto ko.

Dahil nagmamadali kami, hindi ko nagawang tignan ang sarili ko sa salamin at hindi ko parin sinuot ang choker ko pero nakuha ko yung leather jacket ko sa taas ng drawer ko. Sinuot ko na ito at lumabas na ng bahay.

May nakita akong Taxi na nakaparada sa harap ng gate namin. Umupo ako sa likod ng driver at si Tita naman ay sa shot gun.

"Saan po tayo Ma'am?" Tanong ng driver kay tita na katabi niya.

"Yuan Ent. University." Simpleng sagot ni Tita. Wait, ano daw?

Pinaandar na ni Manong ang kotse at umalis na. Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang isipin kung bakit sinesante ako ng dati kong boss. Wala naman akong nagawang mali sa trabaho ko. Aish, bahala na nga. Napagtanto ko rin kung bakit pupunta kami sa isang University kahit summer ngayon. Anong klaseng University to? Walang summer Break? Kainis naman oh.

Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na kami sa University. Tumambad sakin ang napalaking gate at napakalawak na pader. May lumapit na guard sa amin at pinapasok na kami.

How to be Yours [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon