Chapter 2: Voice

757 34 26
                                    

Lingon dito. Lingon doon. Wala na 'kong ibang ginawa kundi iyan.

Hahangos-hangos akong nagtungo sa talahiban. Nagtago at pinakalma ang sarili sa nakita!

Shet! Perstaym kong makakita ng kriminal na tikbalang! Punyeta! Kaya pala ambilis niyang tumakbo kanina no'ng nasa basement kami, eh! At hindi na rin ako magtatakang pinalalakad niya 'ko nang malayo para mapagod ako, pagkatapos mapagod, saka niya 'ko pagsisipa-sipain at saka malalamog 'yong katawan ko at mamatay!

Shaks!! Napatingin ako sa langit. Mahal na Emre, gabayan mo 'ko. Char! Oh, Diyos ko, tulungan niyo 'ko!!!

'Di ko maiwasang hindi na naman maluha. Pagod na 'ko. Natatakot pa 'ko.

Mundo pa ba ng tao 'to o Encantadia na? Choss! Baka naman wala na talaga 'ko sa mundo ng mga tao at ibang lugar na 'to? Punyeta!
Andami nang kababalaghan na nangyayare sa'kin ngayon.

Napasilip ako sa may talahiban. Kinakati man, pinilit ko na lang na h'wag mag-inarte. Ang kailangan ko ngayon ay makatakas sa lalaking 'yon.

Saglit akong napapikit. Pinapapayapa ang sarili. Pinahihina ang masyadong malalalim na paghinga.

Kaya ko 'to.

Kaya ko 'to.

Kaya mo 'to, Thana...

Paulit-ulit na anas ko sa sariling isip.

"Hoy!"

Napatili ako! Agad na napamulagata at napaupo mula sa kinauupuan.
Napatingin ako sa harapan ko.

Isang kalahating tao at kalahating katawan ng isang kabayo! Sa kanang kamay nito ay mayroong isang bow.

Ay hindi ko alam mung bakit in-explain ko pa siya sa kabila ng paghuhumerentado ng puso ko.

Humakbang ito nang marahan palapit sa'kin.

Mabilis ko siyang sinenyasang wag lumapit. "P-please, n-natatakot na 'ko. Wag kang lumapit, please" Napapikit ako. Nananatili pa rin ang kamay kong nakaharang sa harapan niya. "U-umalis ka na please.."

'Di ko mapigilang hindi mapatulo ang luha. Takot na 'ko sa mumu. Sa tikbalang pa kaya? Ghad! I kennat! Help me Lord!

"Umayos ka nga! Kung mas may dapat na matakot sa'tin dito, ako 'yon. Hindi ikaw!"

Napamulat ako ng isang mata. Agad din lang na napapikit.

Napakatikas ng katawan niya. Pero nakakatakot na kung titignan ko na 'yong katawan niyang katawan ng isang puting-puting kabayo. Ghad! Lalo pa 'yong buhok niya. Ang haba-haba na, kulay puti pa. Dinaig pa buhok ng ermitanyong lagalag!

"I am the Sagittatius Guardian. As well as you, Scorpio Guardian!"

"Ano bang pinagsasabi mo?!!" sigaw ko rito!

Hidni ko kayanb makipagtalastasan at makipag-usap nang kung anu-ano sa kanya. Lalo na't mga kalokohan lang mga pinagsasabi niya. Scorpio Guardian, Sagittarius Guardian? Pwe!

"Tangina..." mahinang singhal nito, ngunit dinig pa naman.

Nagulat na lang ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napamulat ako at eksaktong nagtama ang mga paningin namin.
Sa sobrang gulat at hindi alam ang gagawin, nanigas na lang ako bigla sa pagkakaupo. Pakiramdam ko, may halong hipnotismo ang titig niyang iyon. Pinakakaba ako. At pinanghihina ang kaninang naghuhurumentado kong sistema.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Zodiac Guardians (R E U N I T E)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon