Chapter 1: Tikbalang?

821 32 6
                                    

Thana's P.o.V.

"Ito ang kapalaran mo. Ayawan mo man o hindi, kailangan mo pa ring sumunod. Tumakbo ka man, hahabulin at hahabulin ka ng nakatakda."

Napatingin ako sa buong paligid. Purong usok lang ang nakikita ko. Walang bakas na may tao sa paligid.

"S-sino ka?" tanong ko sa boses ng isang matandang babae.

Wala akong narinig na sagot ngunit naririnig ko ang ginagawa nitong malalim na paghinga.

"Si San Pedro ka ba? Ay mali! Lalaki pala 'yon. Baka ikaw si San Maria? Charot! S-sino ka po?"

Wala pa ring sumagot.

"Naman po, eh! Ano pong ginagawa ko dito? Ba't puro usok?" Inamoy-amoy ko 'yong usok. In fairness, ah? Amoy chocolate. Para tuloy akong nakaharap sa lalaking nag-vi-vape. Char!

Naglakad ako nang naglakad. Tanong nang tanong kung sino 'yong nasa likod ng boses na narinig ko pero wala na akong marinig na kahit ano. "Hey! Wala na bang tao dito?" Nagpatuloy ako sa paglalakad ko nang hindi ko napansing may bigla akong naapakang butas. At huli na nang mapansin kong nahuhulog na 'ko.

Napatili ako ng malakas!

"Oy, gumising ka!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. At mukha ka'gad ng isang lalaki ang nabungaran ko. Mabilis akong napabangon at walang anu-ano'y napayakap sa kanya sa sobrang takot sa nangyare sa panaginip ko.

Oh, God, akala ko kung ano na 'yon. Panaginip lang pala! Gosh! Parang nesfruta siya, bes. Real na real. Char!

"Bitawan mo 'ko."

No'n ko lang halos napansin na may niyakap na pala ako. Mabilis akong napatingin dito. At hindi ko akalaing, mas nakakatakot pa pala 'tong makikita ko, kaysa sa panaginip ko!

Yung lalaking nanakal sa'kin kanina! Hindi ko man mamukhaan masyado yung mukha niya dahil sa madilim dito, pero dahil na rin sa boses nito at medyo malapitan ko siyang nakita'y, alam kong siya 'yon.

"Punyeta! Nasa'n ako?!" 'Di ko mapigilang h'wag isigaw sa kanya 'yon. Kasabay ng malakas na pagtulak ko rito.

Napatingin ako sa suot kong uniform. Hindi pa naman siya nawawala. Ibig sabihin walang naganap na raped.

Napa-sign of the cross ako nang wala sa oras at mabilis na nagpasalamat kay Lord dahil hindi pa nawala 'yong pagkabirhen ko.

"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo? Ba't ka ba nanunulak?!"

Shet naman bes! Siya pa nagtatanong! Punyeta!

"Punyeta ka! Ikaw nga dapat sinasabihan ko niyan, e. Ba't mo ko sinakal kanina ng wala sa oras, ah?! At isa pa..." Napalibot ako ng tingin. "Anong ginagawa ko dito sa basement na 'to?! Ha?! Balak mo ba 'kong i-kidnap for ransom? Punyeta! Para sabihin ko sa'yo, scholar lang ako at walang magulang. Kaya walang magbibigay sa'yo ng pera dito!"

Zodiac Guardians (R E U N I T E)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon