I N T R O D U C T I O N

1.3K 52 6
                                    

"H'wag kang lalapit!" sigaw ko rito. Pinanlalakihan siya ng mata para matakot siya. Ngunit wa epek, bes. Nagpatuloy pa rin ito sa paglapit sa'kin habang nakarehistro sa labi nito ang isang nagmamalaking ngisi. Punyeta!

Napapikit na lang ako, ipinagdadasal na sana hindi pa 'to ang katapusan ko.

"Okay... CUT!"

Napahinga na lang ako nang sabihin na ni Direk na 'cut'.

"Okay, Thana, ayos ang acting mo, ah!" panay papuri mula sa mga manunuod at kay Direk ang natanggap ko.

Napatingin naman ako kay Jack. Siya  yong kaninang lumalapit sa'kin. Kontrabida siya dito sa ginagawa naming film. Project namin sa school. At 'yong direktor namin, Tito niya mismo. Kaya paniguradong malaki-laki  yong panalo namin dito,

"Thana!" tawag nito sa'kin. Itinaas ko naman 'yong dalawang kilay ko.

"Yep?" wika ko. Naglakad palapit sa kanya.

"Good job," aniya.

Lihim naman akong napangiti. "Ikaw rin. Ang galing!" Saka kami nag-apir.

Ilang saglit pa'y, muli nilang inayos ang set at ready na naman kami para sa acting-an.

"Direk, pupunta lang ako saglit sa CR."

"Sige, bilisan mo. Patapos na 'yong set. Ikaw na 'yong susunod sa script."

"Roger," masayang sambit ko at saka na dinulog ang daan tungo ng CR.

Pagpasok pa lang do'n, agad ko nang inayos ang sarili. Pagtapos umihi, inilapag ko muna sa lababo 'yong bag ko at saka inilabas do'n 'yong foundation ko at concealer. Sinimulan ko na ang pagpahid niyon sa mukha ko.

"Thana..." Natigil ako sa pagpahid ng foundation sa mukha. Napatingin sa salamin kung sa'n naro'n ang pigura ng isang lalaking nakamaskara, at nakasuot ng itim na leather jacket at  jeans.

Agad akong napalingon. Ngunit wala na siya roon. Muli akong humarap sa may salamin, at napatili ako, kasabay ng pagbitaw ko sa hawak na foundation.

"S-sino k—?"

Hindi ko pa lamang natatapos ang aking litanya nang bigla niya akong higitin ng isang mahigpit na mahigpit na sakal at saka iniangat. Ikinawag ko ang kamay at ang paa ko. Pilit pinagpapalo ang kamay niya, upang makawala sa sakal niyang nagpapahina sa hininga ko. Pakiramdam ko, nagkukulay ube na mukha ko. Nawawalan na ako ng hininga.  H-hindi a-ako makahinga!!

Kasabay ng pagsigaw na 'yon sa isip ko,  naramdaman kong may kung anong unti-unting lumalabas sa likuran ko. Masakit. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung ba't napatingin pa ako sa lalaki, nanlalaki ang mga mata niyang nakadungaw sa maskara habang nakatitig sa likod ko. Ibinalibag na lang niya 'ko ng wala sa oras. Hindi inisip na babae ako.

"A-aray!!!" sigaw ko sa sobrang sakit nang nararamdaman. Hindi 'yon dahil sa pagkakasakal galing sa kanya o ni sa pagkakabagsak ko. Kundi dahil sa likuran ko.

Napasilip ako do'n. Hindi na napipipigilan pa ang pagpatak ng luha. Napatda ako sa nakita. Mayroong kulay itim. Hindi ko mawari kung saan iyon galing, pero alam kong buntot 'yon ng isang alakdan o scropion na sa likod ko mismo nagmumula.

"Thana... the Scorpio Guardian..." bago pa tuluyang lumabas ang kung anong nasa likuran ko, nasuntok na niya ako sa batok, dahilan upang mawalan ako ng ulirat.

**

Zodiac Guardians (R E U N I T E)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora