Chapter 01

91 3 1
                                    

October 06, 2016 Thursday


Simula nang namatay ang kanilang nanay, ang tatlong magkakapatid ay nagkaroon ng bagong habit. Iyon ay ang magpuyat. Ang kaibahan lang, walang kinikitang pera si Bridget sa pagpupuyat niya.

"Good morning and goodnight. I'll wake up at twilight," sambit na kakapasok pa lamang ng bahay na si Phoebe. Hindi siya pinansin ng dalawa pa niyang mga kapatid at dumiretso na siya sa kanyang kwarto para humilata sa kama.

Kakauwi pa lang niya galing sa trabaho, puyat dahil galing siya sa isang 12-hour shift bilang nurse sa ospital na tinatrabahu-an niya.

Puyat din si Claudia kakatrabaho kahapon. Hindi biro ang mag-OT ng three hours para tapusim ang gatambak ng reports na due dapat last week. Nag-uwi pa siya ng trabaho sa bahay tapos papasok naman siya ng maaga ngayon.

"B, pakitimpla naman ng kape, o. Tapos, pakiplantsa naman nung blouse, tapos―" natigil siya dahil tiningnan siya ng masama ni Bridget.

"Araw-araw ko na tong ginagawa, pwede ba, huwag mo na ako utosan at magbihis ka na. Late na late ka na. Po."

Mainit ang ulo niya dahil puyat din naman siya. Pinuyat niya ang sarili kakalaba ng mga pantalon at iba pang mga maong na damit. Alas dos na rin siya nakatulog dahil nag-jogging pa siya.

Kahit ang pagpupuyat niya ay walang kinikita, worth it naman lahat dahil hindi na siya binabangungot.

"Bye, B. 'Wag kalimutang gisingin si Phoebe para makakain siya," lumabas si Claudia ng bahay, sinusuklay ang magulo at tumutulo pa niyang buhok.

At mag-isa na ulit siya.

Pinunasan niya ang traces ng tulo ng buhok ng ate niya. Nagsaing siya para sa kanilang dalawa at habang naghihintay, nagpahilata siya sa salas at binuklat ang newspaper para basahin ang horoscope niya sa araw na ito.


Virgo

Your routine will be disrupted, the kind of disruption that your soul needs. Change is coming.


Pinagkibit niya lamang ng balikat ang nabasa. So far, wala pa namang nabago sa routine niya.

Binuklat niya pa ang mga pahina at dumiretso sa Classified Ads section. She highlighted the jobs she qualified for. Mga anim rin ang na-highlight niya. Di na masama.

Isang trivia, nakaubos na siya ng tatlong higlighter kakahighlight sa classified ads pero ni minsan ay hindi pa siya nag-aapply ng trabaho.

Matapos niyang kumain kasabay ng ate Phoebe niya at matapos sa gawaing bahay, dumiretso na siya sa carenderia ni Aling Conching. Siya ang ina ng batang tinututor niya na siya ring may-ari ng inuupahan nilang apartment.

"Hello, Dorothy! May assignment ka ba ngayon na nahihirapan ka?" tanong niya sa batang seryosong nagsusulat sa kanyang notebook.

Isang madiing tuldok ang sinulat ng bata at tsaka binalingan siya ng masamang tingin.

"It's Thursday! You're only supposed to go here every MWF! Give me a break!" iritadong wika ng bata. "Mom! Why is my tutor here!" tanong na nakadirekta sa kanyang mama, pero hindi siya pinansin dahil may kachikahan ito.

"Ang arte mo. Grade 4 ka pa lang may 'give me a break' ka ng nalalaman. I'm here as a friend, not as a tutor."

Inirapan lamang siya ni Dorothy pero may nahagilap siya sa kanyang notebook at kinausap niyang muli si Bridget.

A Countless Miss For One That HitsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang