~42~ If You Only Knew

Magsimula sa umpisa
                                    

Bago pa ako maloka sa kinatatayuan ko ngayon, tinawagan ko muna si Dustin sa phone ko. Kailangan ko siyang makausap. Nakakaloka itong sitwasyon ko ngayon!

“Dustin…”

[“Mhine, napatawag ka?”]

Humawak muna ako sa railings para sa suporta. Nanginginig ang tuhod ko sa nerbyos! “D-Dustin, si Jenine…”

[“What about Jenine?”]

“Gusto niya akong makausap. Actually, magkikita kami ngayon.” Huminto ako saglit dahil narinig ko yung buntong-hininga niya sa kabilang linya. “Dustin, may alam na ba siya tungkol sa ating dalawa? Bakit niya ako kakausapin?”

[“Wala. Wala pa siyang alam.”] Alam kong upset na siya ayon sa boses niya.

Medyo narelieved ako sa sinabi niya. Buti naman kung ganun. Pero bakit ganun? Mas nangingibabaw pa sa akin ang disappointment dahil hindi niya pa magawang aminin kay Jenine ang totoo? Hanggang kailan pa ba kami magiging ganito?

“Kakausapin ko siya, Dustin.”

[“You don’t have to. Just make an excuse.”]

“Nandito na ako. Magkita nalang tayo sa park malapit sa amin pagkatapos naming mag-usap, okay? Itetext nalang kita.”

[“Okay. Text mo agad ako kung may mangyayari man, Chloe.”]

Binaba ko na agad ang phone nang hindi nagpapaalam sa kanya. Bahala na. Kung anuman ang mangyari, haharapin ko ito. Ginusto ko ‘to kaya dapat harapin ko ito.

Pagkapasok ko ng Pizza Plaza, hinanap ko kaagad kung saang table nakapwesto si Jenine. Nung hindi ko siya mahanap sa first floor, pumanhik na ako sa second floor. At dahil madalang naman ang customer sa mga oras na ito, nakita ko kaagad siya sa may sulok. Nakatitig lang siya sa phone niya at mukhang malalim ang iniisip. Haayyy… Ngayon pa lang, nagiguilty na ako.

“Jenine…”

Nag-angat naman agad siya ng ulo at tinignan ako. Tumayo siya at binigyan ako ng mabilis na yakap. “Chloe, glad you came.”

Umupo na ako sa harapan niya at ganun din siya. Nakangiti lang siya sa akin pero halata namang pilit lang yun. Base sa mga mata niya, alam kong malungkot siya.

“Kamusta, Jenine?”

“I’m not fine,” umiwas siya ng tingin at agad na sumipsip sa iced tea niya. Ewan ko ba pero pakiramdam ko, natuyuan din ako ng lalamunan sa sagot niya. May alam na kaya siya? “Pasensya ka na kung naistorbo kita ha? Gusto ko lang naman kasi na makausap ka. I mean, I just needed someone to talk to.”

“Okay lang.”

“Nakuha ko yung number mo kay Wayne. Nung nalaman kong friends kayo ni Wayne, kinuha ko na agad yung number mo,” dagdag pa niya sa matamlay na boses. Kaya pala. “Sorry ha? Wala kasi akong ibang friends dito sa Pilipinas kaya ikaw lang ang naisipan kong kausapin. I know you’re kind.”

Napahigpit nalang ang hawak ko sa inuupuan ko dahil sa sinabi niya. Jenine, mali ka ng kinakaibigan mo. Hindi ako kagaya ng iniisip mo.

“… I believe you are trustworthy. You’re a good friend as well. I can sense that.”

Ngumiti ako. Ngumiti din siya. Parang may kung anong nagtutulak sa akin na umiyak pero pinigilan ko yun. Geez, Chloe! Kung may masama sa inyong dalawa. Ikaw yun!

“Jenine, I don’t mean to offend you, pero hindi mo ba naisip na...” Huminto ako saglit. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. “Hindi mo pa naman ako masyadong kilala?”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon