"Magbabayad kayo!" Sigaw ng reyna na puno ng pagkapoot. Muli ay naging pula ang kaniyang mga mata at ang kaniyang mahabang bistida ay naging baluting gawa sa metal at  at ang dati niyang mala-anghel na mukha ay naging mala-demonyo iyon.

Dahil sa galit sa mga demonical ay naging mabangis siya sa labanan at halos maubos niya ang mga kalaban ng mag-isa.  Inisa-isa niyang hinablot ang mga lalamunan o 'di kaya naman ay ang mga puso nito. Sa kaniyang bawat galaw ay ang pagdanak ng dugo...hanggang sa marating nito ang lugar na kinaroroonan ng kanilang pinuno.

"Amiya! Nasaan ka,magpakita ka!" pasigaw na turan ni Reyna Hena, umalingawngaw naman ang boses niya sa buong pasilyo. Saka lumabas ang kaniyang hinihintay.

"Ilang taon na ba ang nagdaan? Natutuwa akong makita kang muli...hmm...hula ko,patay na ang mahal mo"turan niya saka kumbaga lumungkot ang mata na tila na nakikiramay siya sa kamatayan ng isang taong siya mismo ang may gawa,  'di naman nagtagal ay ngumisi siya.

"Pagbabayaran mo ito Amiya, pinagkatiwalaan kita, itinuring kitang kapatid tapos ito ang igaganti mo?! Taksil ka! Kinuha mo na sa'kin ang lahat ng atensiyon ng mga magulang ko na dapat ay sa akin bilang tunay nilang anak! Tapos hindi ka pa kuntento? Sisirain mo pa lahat ng meron ako? Sukdulan na ang pagkaganid mo"galit na turan ni Hena.

"Ah...ngayon alam ko na. Naiinggit ka sa atensiyon na binibigay nila sakin,ganun ba?....sila na lang ang meron ako,pinagkait mo pa. Kinuha mo sakin lahat ng meron ako....ngayon kukunin ko rin ang lahat ng meron ka" turan nito sabay kuha ng katanna nito at itinutok sa kaniyang kaharap.

Pagkatapos ng kanilang palitan ng mga salita ay sinimulan na nila ang tunay na laban....kinuha din ni Hena ang esapada sa kaniyang likod. At nagsimula ang palitan nila ng mga atake.

Tunog ng nagbabanggaan nilang mga sandata ang maririnig sa buong pasilyo dahil sa pareho silang magaling ay walang ayaw magpatalo.

"Alam mo,nanghihinayang parin ako kay Alfredo.....gusto ko siya—ah, hindi, minahal ko siya, hahaha" turan nito habang panay ang iwas sa mga atake ni Hena.

"Walang hiya ka talaga...isa ka ngang mangkukulam...alam kong pinainom mo siya ng isang gayuma noon...pero nagawa kong alisin iyon, kawawa ka naman, wala ka ng meron ako kaya nang-aagaw ka na lang" turan nito sabay na hinablot ang leeg nito at saka nito itinaas sa ere si Amiya.

"Kahit kailan...hindi kita tatanggapin bilang kapatid...isa kang bunga ng pagtataksil!  Ngayon naman ay kamatayan mo na!"turan nito at hahablutin na sana nito ang lalamunan ng kaniyang kaharap ng ngumisi ito ng nakakaloko.

"Sige,gawin mo at tapusin mo na para may pakinabang ang pagkawala ng mga anak mo sa'yo" turan ni Amiya saka ito tumawa. Napabitaw naman ng hawak si Hena saka tumalikod sa kaniyang kalaban.

"Hellaraye, Hailey....."mahina nitong turan at aalis na sana ito ng—

"Para sabihin ko sayo, Hena...hindi ko hahayaang sumaya ka kahit kailan" sabi nito sa kaniyang taenga saka nito idinarak at hinila ang punyal na gawa sa pilak mula sa kaniyang tagiliran.

"At...tikman mo ang kamatayan!" turan ng reyna sabay hablot ng puso ni Amiya...habang nakahawak ito sa kaniyang tagiliran ay kaagad na bumalik ang Reyna sa kaharian...

Nung siya ay dumating ay huli na ang lahat dahil wala na ang kaniyang mga anak sa kwarto nito...tanging sakit, pagsisisi at pagkamuhi ang kaniyang naramdaman.






~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello po...first story ko po ito kaya pagpasensyahan niyo na lang po ako sa mga errors.... thank you :)

The Princesses Of AlmairaWhere stories live. Discover now