Chapter 61: Cuddling:">

ابدأ من البداية
                                    

"Hala! Ang init mo" sabi ko

"Babe..okey lang ako" sabi niya

Tinabi ko yung hawak kong towel at damit niya. Tumingin ulit ako sa kanya.

"Babe..nilalagnat ka" sabi ko

"Pagod lang toh..okey lang ako" sabi niya

"Hindi..kailangan mong uminom ng gamot" sabi ko

Tatayo na sana ako para kuhanan siya ng gamot pero hinila niya ako kaya napaupo ulit ako sa kama.

"Babe..wag na, ipapahinga ko lang toh. Bukas okey na ako" sabi niya

Hinawakan ko yung dalawang pisngi niya.

"Babe..baka lumala pa yan eh. Inom ka na ng gamot ha." sabi ko

Hinawakan niya yung kamay ko na nasa pisngi niya.

"Pero Babe..okey lang talaga ako" sabi niya

"Tignan mo nga oh, namumutla kana. Ayaw kong nagkakasakit ka, kaya please inom ka na ng gamot" sabi ko

Tinignan niya lang ako..

"Please?" pacute ko

"Sige na nga" sabi niya

Tumayo na ako at kumuha ng gamot sa kusina para sa kanya. Kumuha rin ako ng cup noodles para sa kanya. Kumuha rin ako ng towel at tubig.

Pagbalik ko nakahiga na siya sa kama, nagkabihis na rin siya.

Umupo ako sa tabi niya..sumandal naman siya sa headboard ng kama

"Kain ka na muna" sabi ko

"Ngayon ko lang naramdaman yung paghihina" sabi niya

"Sabi ko naman sayo na hindi ka okey eh. Kulit mo kasi" sabi ko

"Sorry" sabi niya

"Okey lang..kainin mo na toh para makainom ka na ng gamot" sabi ko

Sinusubuan ko lang siya habang nanunuod kami ng movie.

Nung maubos na niya yung noodles, pinainom ko na yung gamot niya.

"Thank you" sabi niya

"Your welcome" sabi ko

Inayos ko na yung unan niya at pinahiga ko na siya, at kinumutan. Binasa ko na yung towel at nilagay ko sa noo niya.

Tumayo na ako at dumeritso sa CR para magbihis.

Paglabas ko, hindi parin siya natutulog, nanunuod parin siya ng movie. Pinatay ko na yung ilaw at humiga na rin sa tabi niya.

Niyakap niya ako..

"Galit kaba sakin?" tanong niya

"Hindi.." sabi ko habang nakatingin sa TV

"Weh?" sabi niya

Humarap ako sa kanya

"Sabi mo okey ka lang kanina nung tinatanong kita" sabi ko

"Ayaw lang kitang mag-alala Babe" sabi niya

"Eh pano pag lumala yan hindi mo parin sasabihin sakin na hindi ka okey?" sabi ko

"Babe sorry na" sabi niya

"Ayoko kong nagkakasakit ka, alam mo yan" sabi ko

She's The Oneحيث تعيش القصص. اكتشف الآن