Chapter 61: Cuddling:">

Start from the beginning
                                    

"Eh hindi ko naman kailangan ng material na bagay eh, yung makasama lang kita, napakalaking regalo na non sakin" sabi niya

Niyakap ko siya..

"Babe, jan sa kwintas na binigay ko sayo, can you promise me one thing" sabi niya

Kumalas ako sa yakap at tumitig ako sa kanya..

"Ano yun?" tanong ko

"May letter kasi yan sa loob..promise mo sakin na wag na wag mong bubuksan yan ah, buksan mo lang yan kung sakaling maghihiwalay tayo" sabi ko

"Babe.." sabi niya

"I know it sounds ridiculous, pero alam ko naman na hindi mo yan bubuksan diba?" tanong niya

Niyakap ko ulit siya..

"Never..dahil never tayong maghihiwalay, hindi ko kayang wala ka"

--

After niya akong dalhin sa surprise dinner date niya sakin, nagyaya na siyang umuwi, pagod na rin siguro siya.

"Ako na mag drive" sabi ko

"Hindi na..kaya ko naman eh" sabi niya sabay ngiti sakin

"Babe..pagod kana, ako na para kahit papano makapagpahinga ka" sabi ko

"Babe..kaya ko. Ano kaba, sige na sakay kana" sabi niya at binuksan na niya yung pintuan nung kotse para makasakay ako

"Sure ka?" tanong ko

"Sure na sure" sabi niya

Ngumiti ako at sumakay na ako, dahan dahan na niyang sinarado yung pinto at sumakay na rin siya.

Inistart na niya yung car at umalis na kami ng resto..

Habang nasa kotse..parang tumahimik na lang kami bigla, eh kanina ang saya saya lang namin.

Hinawakan ko yung kamay niya habang nagdadrive siya. Napatingin siya sakin

"Okey ka lang Babe?" tanong ko

Hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko

"Oo naman Babe..okey lang ako" sabi niya

"Sure ka..kanina ka pa kasi tahimik eh" sabi ko

"Babe..okey lang ako, ikaw..okey ka lang ba?" tanong niya

"Oo naman..Okey na okey ako" sabi ko

Nginitian niya lang ako..:)

After a few minutes, nakarating na kami sa dorm, pinark na niya yung kotse at nauna na siyang bumaba tsaka niya binuksan yung pinto don sakin at inalalayan akong bumaba.:)

Pagpasok namin, wala ng tao sa sala at sa kusina, tulog na rin siguro silang lahat, anong oras na rin kasi eh

Umakyat na kami sa kwarto, gusto ko pa sanang mag movie marathon kami pero feeling ko pagod na si Gretch at kailangan na niyang magpahinga.

Pagpasok namin, nilapag na niya yung mga gamit namin tapos umupo siya sa kama, mukang pagod nga talaga siya

Kinuhanan ko siya ng damit at kinuha ko yung towel. Tumabi ako sa kanya

"Okey ka lang ba talaga?" tanong ko habang hinahaplos ko yung ulo niya

Gosh! ang init niya :O

She's The OneWhere stories live. Discover now